Paano nga ba natin nalalaman na tapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin? Paano ba natin malalaman na ang huling pagkikita natin ang pinaka huling beses na pala? Paano ba natin malalaman na tapos na tapos na talaga ang mga bagay? Sabi nila kapag natapos na ang papel ng isang tao sa buhay natin ay tatanggalin siya sa buhay natin ni God. Kung baga sa isang kwento o palabas, na write off na ang karakter kasi wala na siyang ambag sa kwento. Minsan ang pagkawala ng isang karakter ay sa paglipat ng trabaho, tahanan, lugar, bansa, pero minsan rin sa pagkamatay. Kung ano man ang pamamaraan ng pag write off sa karakter, isa lang ang malinaw dito: tapos na ang karakter. Hindi na siya magiging mahalagang bahagi ng mga susunod na kwento. Minsan ay mga mga karakter na nag exit na, pero ginagawang guest sa mga ilang episode lalo na kung na-miss siya ng mga nanonood. Pero panandalian pa rin ito. At kung hindi ito sasadyain ng mga manunulat ay hindi papasok sa eksena ng bida ang...