Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2014

Kamusta ang Araw ng mga Puso Mo?

Sandali lang matapos natin gumawa ng New Year's Resolution, heto na naman ang isang okasyon sa taon. Marami na ang hindi na naituloy ang kanilang pangako sa sarili na magpapayat o magbawas ng timbang ngayong bagong taon bago pa dumating ang tinatawag na Araw ng mga Puso.  Maraming gimik ang nauuso tuwing dumarating ang panahon na ito. Nandyan ang mga discount at promo sa mga biglang liko. Nandyan ang libreng proteksyon na tinutulan ng maraming naniniwalang hindi dapat ito pinopromote.  Marami ang na iistress sa pagdating ng araw na ito. Sa totoo lang, sa dinami-raming nagdiriwang ng araw na ito, sa bigat ng trapik, sa punong mga restaurant, concert, atbp., iilan na lang talaga ang tunay na nakakaintindi ng dahilan kung bakit may araw ng mga puso o Valentine's Day. Hindi ito naiiba sa pag gunita ng mga national holiday. Ang mahalaga na lang sa karamihan ay ang bakasyon. Walang pasok. Ano kaya ay panahon ito para lumabas kasama ng mga minamahal, mga kaibigan, pamilya, atbp. Salam