Lumaktaw sa pangunahing content

Ano ang halaga ng buhay mo?

Minsan nakakarinig tayo ng reward para lang mahanap ang isang tao. Minsan makakarinig rin tayo na mayroon mga nagbayad para lang mapatay ang isang tao. Tinapatan ng halaga sa pera ang buhay ng isang tao. Pati nga ang mga alagang hayop may katapat rin na halagang perang pabuya para sa mga makakapagbalik sa mga amo nila. Pero sa ating mga ordinaryong tao, naitanong mo na ba sa sarili mo kung bakit ka ba ipinanganak at nabubuhay pa rin ngayon? Ano ba ang halaga ng buhay mo? Magkano kapag nilagyan ng halaga sa pera ang importansya mo rito sa mundo?

Noong nasa kolehiyo pa ako parati ko nang tinatanong iyan. Bakit ba buhay pa rin ako? Noong panahon na iyon ay naisip ko ayoko na sana lumagpas sa 18 years old noon. Tapos dumating ang ika-18 kong kaaarawan. Hay. Sumunod naman ay naisip ko, ok sige umabot na ako ng 18, pwede ba ayoko na umabot pa sa edad na wala na sa kalendaryo. Ayun, ilang taon na akong wala sa kalendaryo ngayon. Buhay pa rin at araw araw pa rin nagtatanong, ano nga ba ang halaga ng buhay ko? Bakit ba araw araw pa rin akong nagigising. Pareho lang naman...walang pagbabagong sa araw araw ko. Walang pag-unlad. Walang mabuting nangyayari sa araw araw. Wala na akong direksyon sa buhay. Bakit pa ba ako nandito?

May halaga ba ang buhay ko? Mahalaga ba ako? Ako lang naman ito. Walang espesyal. Ordinaryong tao lang. Wala naman akong nagagawang malaking bagay para sa mga tao. Ano nga ba dahilan at nandito pa rin ako? Masama ba akong tao kaya binibigyan pa ako ng pagkakataong magbago? Mayroon pa ba akong unfinished business? Wala na akong maisip na maari ko pang gawin na mahalaga. Sa tingin ko naman nagawa ko na lahat ng dapat at pwede kong gawin. Tapos na ako sa lahat. Wala nang mga bagay na hinihintay sa hinaharap. Kapag nawala naman ako magpapatuloy pa rin ang lahat. May halaga pa ba ang buhay ko? Magkano kaya ang halaga ng buhay ko? Bakit pa ba ako nandito? Mga magulang ko lang naman ang nakakita na may halaga ako. Kasi sa tingin ko nakakasikip lang ako sa mundo. Masyado nang maraming tao dito. Sa tingin ko marami naman mahalaga ang buhay nila para sa mga taong kilala sila. Ano pa ba ang ginagawa ko dito? Maraming ibang tao ang mayroon mga nagagawang mahalaga para sa iba. Ako wala naman. Maraming ibang tao ang may nangangailangan pa sa kanila dito. Sa lahat ng iyan, hindi ko naman maintindihan ang dahilan kung bakit pa ako nabubuhay? Wala naman maghahanap na sa akin kapag nawala ako. Ano ba ang halaga ng buhay ko?

Dati nga naisip ko, sana hindi na lang ako pinilit na mabuhay pa noong ipinanganak ako. Nasayang lang oras at pera nila para mapalaki at makapag aral ako ng mga magulang ko. Kapag nakakarinig ako ng mga nauuna na, naiisip ko, buti pa sila malaya na. Buti pa sila, tahimik na. Kailan kaya darating ang oras ko? Ayoko naman unahan si Lord. Takot akong malayo sa kanya eh. Alam ko rin naman masama yun ano! Kahit naiinip at napapagod na ako dito. Iniisip ko, kung need magbawas ng mga tao sa mundo, pwede po bang mag volunteer na lang ako???? Ano kaya naman, kapag mayroon na Siyang naka schedule na kunin, bawasan na lang yun oras ko dito? Para unti-unti nang maubos ang natitira kong oras sa buhay ko. Parang pasa-load lang? haha. Maraming nasasayang habang hinahayaan ni Lord na nandito pa ako sa mundo. Sayang ang pagkain, tubig, kuryente at iba pang ginagamit ko sa araw araw. 

Lalo na noong nawala na ang mga magulang ko. Limang taon na ngayon taon na ito mula nang biglang nawala ang mga taong totoong nagpahalaga sa akin. Wala na rin ang dalawang taong tanging nakita ang halaga ng buhay ko. Wala na. Ibig sabihin sila lang ang kayang magbigay ng halaga sa buhay ko. At dahil wala na sila, ano hindi ko na malalaman pa ano nga ba ang halaga ng buhay ko kung lalagyan ng katumbas sa pera. Ang mga magulang ko lang naman ang sigurado akong nakakaalam kung magkano ang kaya nilang itumbas na halaga para sa pabuya kung sakaling mawala ako.

Hindi na rin ako natatakot na iwan ang mundong ito kasi alam ko na hindi naman ako mag iisa. Pero dapat si Lord ang may gawa. Ayoko nga na unahan Siya..ano ako, atribida lang? haha. Siyempre, hindi. Sa mundo nga wala naman akong kapangyarihan gumawa ng kahit anong mahalaga, ano naman karapatan ko para unahan si Lord? Ilang birthday ata iyon na ang hiling ko na lang sana malapit na akong kunin ni Lord. Sana huling birthday na iyon. Ngumingit na lang ako sa mga tao kapag tinatanong ako kung ano ang wish ko baka kasi hindi matupad. Makalipas ang ilang buwan sunod naman dumarating ang Pasko, buhay pa rin ako. Ano ba yan?????!!!! Iniiisip ko, sana ito na ang huling beses na mag papasko ako dito. Tapos magigising ako Bagong Taon na, buhay pa rin ako????! Totoo ba ito??? Hayyyyyy. Tagal ha. Kapag masama ang pakiramdam ko minsan hindi ko mapigilan na maisip kung malapit na bang matupad ang birthday wish ko. Pwede ba magbook na ng sundo? Excited na akong makita ang mga magulang ko. Excited na akong matahimik na. Excited na akong iwan ang magulong mundo na ito... Hay, Lord, kailan po ba? Pwede po bang mag follow up ng dasal? Baka lang po natabunan na nang dasal ng iba ang sa akin. Please, please, please lang po. Sana malapit na...

Paano ba dapat sinusukat ang halaga ng buhay ng isang tao? Naalala ko yun isang kanta sa 'Rent: Musical,' 'Seasons of Love':

"How do you measure, measure a year?....
Measure your life in Seasons of love..."

Sabi sa akin, sa tuwing hindi ko makita ang halaga ng buhay ko, dapat alalahanin ko kung paano ako nakikita ng mga magulang ko. Wala man siÅ‚a para ipaalala sa akin. Wala man siÅ‚a dito sa mundo, minsan rin naman nagkaroon ng halaga ng buhay ko para sa kanila. Sa kanila ko lang naramdaman yun totoong pagmamahal. Isang pagmamahal na walang kondisyon. Mahal nila ako sa lahat ng maganda at hindi maganda sa akin. Ganito rin yun nakalagay sa huling sulat ni Jerry kay Holly bago siya mawala sa 'P.S. I Love You': "If you can promise me anything, promise me that whenever you're sad, or unsure, or you lose complete faith, that you'll try to see yourself through my eyes."

Hindi man ako makakahanap ng mga taong makakakita sa halaga ng buhay ko katulad ng pagkakita ng mga magulang ko sa akin, pero kahit papaano ay nagkaroon ng panahon na naging mahalaga naman ako. Nagkaroon din naman ako ng halaga.

Ikaw, ano ba ang halaga ng buhay mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...