Ang blog na ito ay isang proyekto na nagsimula noong 2013.
Katulad ng sinulat ko sa “Panimula: Bakit ako Mag-susulat at Mag-kukuwento?” Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-sulat ng kung anu-ano. Madalas mga kuwento pero minsan mga tula. Sini-seryoso ko talaga kapag mayroon assignment o project na kailangan magsulat noong nag-aaral pa ako. Maaari mong basahin ang post na iyon para mas maintindihan mo.
Paano nga ba babasahin ang blog na ito?
Ang mga nakalagay bilang mga post ay mga tanong ko na kadalasan ay may kasamang mga totoong kuwento sa buhay ko o sa mga kakilala. Ang iba naman ay mga naisulat ko na dati, ang iba ay mula sa mga klase ko noong nag-aaral pa ako. Mayroon rin mga tula kapag wala akong mga tanong na gustong itanong.
Habang ang mga pahina naman ay bahagi ng tinawag kong “Ang Aking Mapait na Matamis na Kabanata (My Bittersweet Chapter).” Noong una ay 20 lang na pahina ang nailagay ko dahil mayroon pang limit dati. Kaya ngayon 2021 ko lang naipagpatuloy ang kuwento doon. Nahihirapan na tuloy akong alalahanin ang marami sa mga detalye ng mga kuwento. Pero matatapos ko rin ito sa tamang panahon. Maisasara ko rin ang kabanata at makakapag-simula rin ako ng bago.
Sa mga may nais gamitin para sa mga proyekto, report, research, atop., maaaring mag send ng message sa akin. Sa mga nais naman maging updated sa mga bagong post, maaari rin mag follow sa twitter @mgakuwentonian.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento