Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. BF-ni-Ate



Siya ang aking first crush. Minsan tinutukso pa rin ako ng pamilya tungkol dito. Nakakahiya talaga! Pero masisisi ba nila ako nung bata ako? Hindi ko matandaan kung ilang taon lang ako nung siya ay aking nagustuhan. Basta ang alam ko bata pa ako. As in, nursery pa lang ata ako or ngsisit-in sa klase ng nanay ko nung nagustuhan ko siya. Kaya alam ko talaga na girl talaga ako. Hello, ang aga ko kaya ngka-crush!

Dito ata ngsimula kong marining sa mga tito, tita, mga pinsan ko na mag-ingat daw ako sa mga lalaki dahil may gilit yun leeg ko. Sabi nila baka magaya raw ako kay Janice de Belen. Mabubuntis sa pagkadalaga at iiwan ng lalaki. In short, magiging disgrasyada daw ako. Tama ba na sabihan ba naman nila ang isang batang tulad ko na 'di pa nga marunong magsulat ng script nang ganun? Hindi ito isang beses lang nila sinabi sa akin. Paulit-ulit ko itong naririnig sa kanila habang lumalaki ako. Kaya siguro parang tumatak sa utak ko ang mga salita nila.

Balik tayo sa kanya. Well, siya yun boyfriend ng isang pinsan ko. Teenager ata sila nung time na yun. Parati siya sa bahay ng mga lola ko. Parati rin kami doon kaya parati ko siyang nakikita. Para sa akin noong panahon na iyon, siya na ang pinakaguwapo sa paningin ko. haha. At dahil bata pa ako noon ay inamin ko sa kanila! Ayun, tinutukso na ako ng buong pamilya ko. Wala pa sa aking hinagap kung ano ba ang tunay na konsepto ng boyfriend-girlfriend. 

Hindi ko na rin matandaan kung paanong bigla na lang akong nagising isang araw na 'di ko na siya gusto. 'Di ko alam kung dahil ba lumaki lang ako kaya ganoon. Basta bigla na lang di ko na pala siya gusto. Buti na lang lumaki na ako. Wala po akong ibig sabihin dito. 

Marami ang nangyari sa relasyon nila. Napunta sa ibang bansa ang pinsan ko. Sabi nila nagkaroon daw si Mr. BF-ni-ate ng iba habang malayo si ate. Pero hindi ko masyadong malaman. Basta ang alam ko hindi sila nagkatuluyan ng pinsan ko. Sa ngayon ay may sari-sarili na silang mga pamilya. Ganoon pala iyon, hindi dahil mahal niyo ang isa't isa sa kasalukuyan ay kayo na ang magkakatuluyan sa hinaharap. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noong buhay siya?

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang t