Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2016

Bakit Ba Ang Hirap?: Gusto Mo vs. Gusto Ka

Hindi ko alam kung ano mas masakit:  (Gusto Mo) yung una kang nagkagusto sa isang taong hindi ka pinapansin pero nung nagdesisyon ka na mag "move on" dahil wala namang pag-asang magugustuhan ka rin niya ay bigla naman siyang nagpahiwatig na parang gusto ka na rin niya  O (Gusto Ka) yung mayroon may gusto sa iyo na hindi mo inakalang magugustuhan mo kaya hindi mo binigyan ng pag-asa ngunit  dahil parati nga siyang nagpaparamdam ay parang nagugustuhan mo na rin siya nang bigla mong malaman na sumuko na siya sa iyo at ibinaling na lang ang atensyon niya sa iba? Masarap sa pakiramdam na ikaw ang gusto kahit di mo siya pinapansin ay todo papansin siya sa iyo na nakalimutan mo na ang totoong gusto mo. Masarap sa pakiramdam na ikaw naman ang hinahabol. Ikaw naman ang binibigyan ng importansya. Ikaw naman ang pinapahalagahan. Ngunit minsan nawawalan ng pag-asa ang taong may gusto sa iyo dahil ang totoo ay hindi mo maipakitang nagugustuhan mo siya dahil hindi ka naman s