Minsan sa buhay natin ay dumarating ang isang taong mabango! haha. Si Mr. Extra Joss ang nagustuhan ko noong grade school ako dahil mabango ang pabango niya. Kadalasan sumasabay ako sa mga pinsan ko magsimba tuwing linggo ng umaga. Ito ang mga panahon na para sa amin parte ng pagsisimba ang pagtitingin sa mga cute na lalaking nagsisimba rin.
Isang beses, may guwapong lalaking siguro halos kasing-edad ko lang ang naupo sa may harap ko. Pagtayo niya sabay ihip ng hangin mula sa bintilador naamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya. Sino kaya iyon? Inalam ko kung sino siya. Nagtanong tanong sa mga pinsan ko. Nalaman ko kasing-edad ko nga siya. Malapit pala siya sa amin nakatira. At heto pa, magkaklase pala kami dati nung bata kami. 'Di ko siya napapansin kasi nga crush ko si Mr. BF-ni-ate noong bata pa ako.
Matagal ko naging crush si Mr. Extra Joss. Oo, hanggang first Year college ata. Gusto niya ang mga payat na payat na babae, siyempre 'di ako iyon. Kailan lang naman ako naging seryoso sa pagbabawas ng taba ko eh. Pero dati, wala akong disiplina sa pagkain ko. Crush lang din naman eh, bakit ko babaguhin ang sarili ko para sa lalaki? O, diba may ganyan na akong prinsipyo sa ganyan edad palang!
Sa kanya ko rin siguro naramdaman yun first heartache ko. Di ko akalain na mapapadpad siya sa school ko noong high school ako dahil sa isang babae na malamang ay hindi ako. Isang taon ang tanda sa amin nung babae. Well, payat siya PERIOD! Wala na akong masasabi beyond that.
Ang pinakamasakit noong panahon na iyon ay nangyari sa Greenhills malapit sa school niya. Bibili ako ng slacks para sa performance namin sa school. Nagulat ako nung bigla siya sumulpot. Nakangiti siya sa may direction namin (kuno). Tumigil ako sa paghinga habang papalapit siya. Nang bigla na lang niya kaming nilagpasan. Nasa may likod pala namin yun girlfriend niya. Parang pelikula. Di ko alam paano mananatiling nakatayo ng diretso. Iyon ang unang beses ko naramdaman na parang gumuguho ang lupang kinatatayuan ko. Buti na lang kasama ko mga pinsan ko. Sila ang support group ko parati. Sila ang nakakaalam ng mga kalokohan ko. Siya sana ang yayayain ko sa prom, pero may girlfriend na pala siya.
Ang sakit pala. Gusto ko siya, pero ibang ang gusto niya and they lived happily.... well, ever after nga ba?? Sa tuwing nakikita ko ang babaeng iyon sa school naiinis ako. Para sa akin siya ang dahilan ng pagkabigo ko. My Unrequited Love.
Minsan nagkikita ang mga pamilya namin sa bahay ng isang kaibigan ng mga magulang namin. Naikuwento sa amin ng nanay niya tungkol sa pagpunta ng babaeng iyon sa bahay nila. Parang hindi niya masyado feel kasi pinababantayan niya talaga.
Well, di rin naman sila nagtagal. Pumunta sa ibang bansa si babae pagkatapos ng graduation niya. Naghiwalay rin sila. Ayos! haha
Nasabi ko bang feeling ko gusto ako ng nanay niya? Kasi sa tuwing may pagkakataon parating sinasabi ng nanay niya na magkakaklase raw kami dati. At pag nagkikita kami ng nanay niya at tiyempong andun rin siya ay ituturo siya sa akin ng nanay niya. Ako naman magpapanggap na di ko siya kilala pero sa totoo lang sobrang nako-conscious ako sa harap niya. Kunwari di ko kilala, kunwari di ko natatandaan. Pero sa totoo lang minsan pinabasa kami ng mga pinsan ko ng pasyon sa bahay ng bestfriend ng nanay niya. Dumating sila ng nanay niya kaya pasimple akong umuwi ng bahay para mag-pulbos, magsuklay at mag cologne para maayos ako humarap sa kanya. Sige na nga, ako na ang feelingera. Ako lang nag-iisip na boto sa akin ang nanay niya. Minsan ay muntik pang mabuko ng nanay niya na alam ko kung sino ang girlfriend ni Mr. Extra Joss kasi nabanggit ko nag epilyido ni girl habang nagkukuwento si ex-mother-in-law tungkol kay Mr. Extra Joss at sa girlfriend nito at nahihirapan siyang maalala ang epilyido ni girl. Kunwari na lang popular si girl sa school kaya alam ko. Pero naman! Hindi siya popular sa school namin noh!
Pero ang totoo hindi ko rin alam na kaklase ko siya dati kung hindi pa sinabi ng nanay niya. Hinanap namin ng pinsan ko ang class picture ko noong nursery ako para malaman kung totoo nga ang sinasabi ng nanay niya.
Tinitignan ko rin profile niya sa friendster kahit 'di kami ngkikita. Syempre dapat updated ako. Wala pang Facebook nun. Inadd siya ng isang kaibigan ko para mas updated kami tungkol sa kanya. Siya ang ngbibigay sa akin ng updates. Siya ngsabi sa akin ng balitang hiwalay na raw si Mr. Extra Joss at ang babaeng yun. Oo, hiwalay na sila pero 'di pa rin kami pinglapit ng pagkakataon. Di pa rin niya ako nagustuhan.
Matagal ko siyang hindi nakita. First year ko sa college, 25th anniversary ng kasal ng mga magulang ko. Imbitado sila ng nanay niya. Ang payat na niya. Medyo nabawasan ang kagwapuhan niya. Sabi nila kasali daw sa track and field ata kaya payat siya. Umiinom daw ng Extra Joss for energy. Kaya pag naririnig ko yun Extra Joss, siya talaga naaalala ko. Kalokohan lang ng isang pinsan ko ibigay sa akin ang baso ni Mr. Extra Joss! Para daw kaming ngkiss. Yuck! Nandun pa yun amoy ng laway. Kadiri.
Ilang taon rin ang lumipas. Nagtatrabaho na kami. Nabalitaan ko na may ibang girfriend na siya. Mayaman daw...hmmm. Iyon lang ang alam ko. Di ko alam kung ano itsura pero malamang payat yun. Tsaka alam ko naman na 'God is fair' hehe. Pinabigay pa ng nanay niya yun resume niya sa akin para daw ipasa sa boss ko. Baka raw maipasok ko sa opisina ko. Pinasa ko naman pero hindi ata siya nagustuhan babae kasi gusto doon.
Nagkaroon ng pagkakataon na magkita kami ulit. Mas payat na siya at ang laki ng nabawas pa sa kaguwapuhan niya. Marami na rin siya pimple. Hindi pa kasi ako masyadong pinipimple ng panahon na iyon kaya mayabang pa ako sa ganoong bagay. Hinila siya ng nanay niya at ipinakilala sa akin. Ito ang unang pagkakataong ipakilala kami sa isa't isa directly. Sa tagal ng pagkagusto ko sa kanya, ito yata ang unang beses na tinignan niya ako bilang ako kasi dati hindi naman ata talaga niya alam kung sino ako. Natawa ako. Pambihirang buhay ito. Kailan di na siya gwapo at di ko na rin siya gusto tsaka naman kami ipapakilala sa isa't isa. Natawa na rin mag pinsan ko sa akin. Ilang taon kong inasam ang ganitong pagkakataon, pero huli na ang lahat. Hindi ko na talaga siya gusto. Dati kinakabahan ako kapag nakikita ko siya. Nandoon pa ang kilig at sweaty palms. Pero noong pinakilala na kami sa isa't isa, tawa lang talaga ang nagawa ko. Marami na rin kasing nangyari. Ikuwento ko mamaya. Pero ganoon pala talaga iyon. Siya pa rin naman iyon pero wala na ang dating nararamdaman ko. Wala na ang kilig, wala na ang kaba, wala na ang hiya, wala na. Parang hindi nangyari na nagustuhan ko siya minsan sa buhay ko.
Doon ko naalala ang nabasa ko dati na galing ata kay Bob Ong na kahit daw ang crush ng bayan pagdating ng panahon ay magmumukha rin pandesal.
Kahit gaano pa katagal ko siyang naging crush, 'di pala iyon ang batayan ng pagmamahal. Crush ay crush lang. Do not confuse it with love. Pero pag teenager ka, akala mo ang crush mo na ang Sun sa iyong universe. Akala mo ang first love mo ang Prince Charming na makakatuluyan mo lalo na kapag parang boto sa iyo ang nanay niya. Kalokohan!
Kahit gaano pa katagal ko siyang naging crush, 'di pala iyon ang batayan ng pagmamahal. Crush ay crush lang. Do not confuse it with love. Pero pag teenager ka, akala mo ang crush mo na ang Sun sa iyong universe. Akala mo ang first love mo ang Prince Charming na makakatuluyan mo lalo na kapag parang boto sa iyo ang nanay niya. Kalokohan!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento