Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2023

Anong Ginawa Ko sa Loob ng Taong 2023?

Ngayon malapit na naman matapos ang isang taon at dumating ang bago, panahon rin upang muling balikan ang mga nangyari nitong isang taon. Paano mo ginamit ang oras na binigay sa iyo nitong 2023? Masasabi mo bang naging makabuluhan ang 2023 mo? Dahil blog ko ito, siyempre ako muna ang mag-iisa isa ng mga nangyari sa akin. Kaya ang tanong ko sa sarili ko: anong ginawa ko sa loob ng taong 2023?   Enero   Tatlong taon na mula nang nagsimula ang taon ko sa balitang wala na ang tatay ko. sinabi ko sa sarili ko kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. Panahon na upang  – isang malaking desisyon ang ginawa ko. Isang mahal na desisyon na kailangan ko gawin para sa mental health ko at para makapagsimulang muli.    Kaya lang naging pagkakataon rin ito upang masimulan kong harapin ang isang bagay na matagal ko nang isinantabi…Makalipas ang ilang buwan na iniwasan kong buksan ang isang social media account ko ay nakilala akong bagong kaibigan na nagpapa-add doon. Kaya ayun pagbukas ko b