Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. ‘Age is just a number?’ at si Mr. Teddy Bear

Pagbalik ko ng Manila galing sa Pangasinan ay malapit na ang Pasko. Kailangan ko na rin maghanda para sa pag-akyat sa Mt. Pulag. Maaga ako umuwi mula sa Family Reunion ng January 1 sa side ng mommy para makaligo pa bago umalis papunta sa Mt. Pulag. Umalis ako agad pagkakain ng hapunan para maaga makapunta sa Victory Liner bus station sa Quezon City. Pagdating ko doon ay marami na sa mga kasama ko ang naghihintay. 

Pagpasok ko ng pinto ay bumungad si Mr. ‘Age is just a number?’ sa akin. Bumati siya. Binati ko naman siya. Pero hanggang doon na lang iyon para sa akin. Umupo ako sa may likod. Tapos sinabi sa akin kung sino ang mga makakasama ko sa tent. Nakita ko din na kasama sa mga naghihintay ay ang isang madalas na kasama ng pinsan ko at ni Mr. Teddy Bear. Kasama rin pala siya sa akyat. 

 

Pagdating namin sa may base, sinabihan ako ni Mr. ‘Age is just a number?’ na sabay raw kami. Nung una hinawakan pa yun tiyan ko. Sabi niya ‘suck it in’ after niya ako kuhanan ng picture. Haha. Sabi ko kasi sa kanya, sa jacket kasi yun kaya mukhang naka bulge ang tiyan. Mas active siya sa akin kahit Malaki ang tanda niya kaya mas nauna na siya magsimulang maglakad. Sinabayan ko na lang ang ibang kasama namin na hindi naman nagmamadaling makarating sa camp. Pagdating sa camp 2:30 pm na. sa tabi ng tent naming ay nandun ang kaibigan ng pinsan ko at ni Mr. Teddy Bear. Nagpakilala naman ako sa kanya na ako iyon pinsan ng kaibigan niya. Pumasok ako sa tent. Umidlip lang muna kami sandal lalo na masakit ang ulo ko sa init. 

 

Pagkagising ay nagdesisyon kaming umakyat sa peak sa likod ng camp. Noong nagsisimulang umakyat ay may nasabayan ako ng kasama sa tent ng kaibigan ni Mr. Teddy Bear. Dumaan si Mr. ‘Age is just a number?’ sabi niya bilisan ko raw. Sabi ko sasabayan ko si ‘Sir (pangalan nung kausap ko)’. Pag-alis ni Mr. ‘Age is just a number?’, sabi sa akin ng kasama ko, “mayroon palang may crush sa iyo doon sa shoot niyo”. Hindi nga lang daw masabi sa akin. Natawa ako kasi parang alam ko na naman ang sagot. Tatlo lang naman ang kasama ko doon sa grupo nila. Pero si Mr. Teddy Bear ang kasama ko talaga. 


Umakyat pa kami ng konti at doon ay mayroon kaming tinigilan na spot. Nag set up muna kami doon para kumuha ng litrato habang mainit pa naman sa pinakataas. Habang kumukuha kami ng litrato, sumigaw si Mr. ‘Age is just a number?’ Tinawag niya ang pangalan ko. Sabi niya wag raw akong gagalaw. Kinukuhanan pala niya kami ng kasama ko habang nasa likod namin ang buwan. 

 

Noong madaling naman ay naghanda kami para umakyat sa summit. Sinabihan kami na dapat kumain kami bago umalis. Hindi talaga ako mahilig kumain ng breakfast pero sabi kailangan raw siya kasi malayo ang lalakarin kailangan namin ng energy. So ayun, kumuha ako ng tinapay, nilagyan ko ng peanut butter. Habang tinitiklop ko ang tinapay na may palaman na peanut butter, nakita kong lumalabas ng tent si Mr. ‘Age is just a number?’. 

 

Sabi ko, ‘halika na dito. Kumain ka na ba?’ Habang ang dalawang kasama ko ay kumakain na rin ng tinapay. Nakita ko na tumingin siya, tapos biglang nagmamadaling pumunta sa akin. Hindi ko alam bakit siya nagmamadali pero gusto ko na kumain kaya isusubo ko na sana ang tinapay. Kaya lang biglang kinuha ni Mr. ‘Age is just a number?’ ang kamay ko bago ko pa maisubo ang tinapay. Alam mo yun nakanganga ka na para kumagat tapos biglang pinigilan yun hawak mo? Pero ang mas nakakagulat doon ay ang hawak niya ang kamay ko bigla. 

 

“Anong ginagawa mo?” tanong ko kay Mr. ‘Age is just a number?’ Napatingin rin sa akin ang dalawang kaharap ko. Tumigil rin sila pagkain ng tinapay. Nagulat rin sila sa nangyari.

 

Hindi nakapagsalita si Mr. ‘Age is just a number?’ Pinakita lang niya ang hawak niya na handwarmer. Malay ko ba na gusto pala niya na painitan ang kamay ko. Kasi naman bakit yun pasubo ako ng tinapay tapos bigla niyang hihilahin ang kamay ko. 

 

“Ah may ganyan ka pala…” yun na lang ang nasabi ko. Pero lumayo na si Mr. ‘Age is just a number?’ pagkatapos. Nahiya na ata siya. 

 

Makalipas ang ilang araw naming doon ay bumaba na kami sa Baguio bago bumalik ng Manila. Kumain muna kami ng hapunan. Pagkakain ng hapunan ay kinausap ko ng kaibigan ni Mr. Teddy Bear. 

 

“Dapat susunod kanina si Mr. Teddy Bear sa atin”. 

“Ah talaga? Anong nangyari?”Tanong ko naman.

“Biglang nagbago ang isip, kaya sa iba na lang tumuloy.” 

“Ah ok.” Sabi ko. Naisip ko, baka nahiya siya. 

 

Pagdating sa bus station, nauna si Mr. ‘Age is just a number?’ sa pagbalik ng Manila. Sinabi niya sa akin na mayroon raw siyang nakuhang picture ko. Nasabi ko sa kanya, “ganyan ka naman e. Pero wala naman akong nakikita sa mga kuha mo sa akin…” Sabi niya, “huwag ka mag-alala. Mag-popost ako…” Iyon na ang huling beses namin nagkita at nag-usap. Pero pagbalik nga ng Manila ay nag-post nga siya ng kuha niya sa akin. Iyon may kasama ako habang nasa likod naming ang buwan. Doon sa isang picture na post niya, nag comment siya na “na-torpe ako eh…” Kung sino man ang tinutukoy niya, hindi natin masasabi. Tsaka parang si Mr. Teddy Bear na ang gusto ko noong panahon na iyon kaya bale wala na rin… 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...