Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2023

Ano ang kuwento tungkol sa nanay ko?

Si mommy.  Tatlong taon na mula nang nawala siya. Tatlong Mother's day na rin pala ang lumipas na wala siya.   Noong bata ako, siya talaga ang lagi kong ginagaya. Kaya nga pati ang pagpapakulot niya ginawa ko. Kahit pinagtatawanan ako ng mga tao kasi mukha nga raw Sto. Niño. Pagpapa make up niya Kay Rodhang bakla ako ginawa ko rin. Ayoko na masasabi ng mga tao na kamukha ko ang tatay ko kasi gusto ko si mommy ang kamukha ko. Kaya lang medyo malayo pala talaga ang itsura namin kasi Maputi siya. Yun pag susuot niya ng daster ginagawa ko rin nung bata ako hanggang sa pinag sabihan na ako ng isang kamag anak na di raw maganda na lagi akong naka daster. Kaya rin siguro hindi ako natuto pumorma na sexy o sumunod sa uso kasi hindi ko nakitang ganun si mommy. Simple lang si mommy. Kaya masaya na rin ako sa ganun lang. Sa totoo lang noong napilitan ako matuto mag make up ay matagal na akong nag tatrabaho. Sa akin siya nagpapa makeup pag may event siya: kasal o kung ano man.   Si mommy rin a