Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Paano ba ang tamang pagdadasal?

Paano nga ba dapat magdasal?   Sabi nila dapat raw sincere ka. Kasi hindi mo pa nga sinasabi alam na ni Lord. Sabi rin nila sabihin mo kay Lord kung ano ang totoong gusto mo. Dapat raw specific para malinaw ang gusto mo.  Parang bang kapag humihiling sa  Genie  or sa fastfood restaurant lang? Ito po ang order ko…???? Naaalala ko kasi yun sa “Bedazzled”. Kahit anong hiling niya sa Devil may ginagawa ang Devil para patuloy siyang humiling (kasi hindi siya nagiging masaya sa mga binibigay sa kanya o kung paano binibigay sa kanya ang hiling niya). At kapag naubos na niya ang mga hiling niya o ang ‘credit line’ niya sa Devil ay makukuha na ng Devil ang kaluluwa niya.  Kaya naisip ko  kapag ba ganoon naman ang gagawin mo, iyon bang specific ang prayer mo, ano naman bayad mo sa dasal mo? Bakit sa mga wishing well, dapat maghulog ng barya. Sa genie, ang kondisyon ay dapat 3 lang ang wish. Sa fairy god mother, dapat aayusin na lang ang mga bagay—refurbishing kung baga ang peg tulad kay Cinderel
Mga kamakailang post

Paano mo masasabi na ‘totoong’ nagmamahal ka?

Paano nga ba natin malalaman na totoo ang nararamdaman mo?   Sa dami ng nagsasabi sa atin tungkol sa pagmamahal ang hirap malaman kung ano ba talaga ang dapat natin paniwalaan para sa sarili natin buhay. Ito ang ilan sa kanila:         “Love is blind and lovers cannot see the pretty follies that themselves commit” ― William                Shakespeare, The Merchant of Venice            “Love means never having to say you're sorry” – Eric Segal, Love Story           “Love never says I have done enough.” – St. Marie Eugenie of Jesus          “Can you explain away love too?' I asked. 'Oh yes,' he said. 'The desire to possess in         some, like avarice: in others the desire to surrender, to lose the sense of responsibility, the wish     to be admired. Sometimes just the wish to be able to talk, to unburden yourself to someone who     won't be bored. The desire to find again a father or a mother...” ― Graham Greene, The End of     the Affair           “Love is pa

Bakit mahirap mag 'move on' kapag namatayan ng minamahal?

Habang ang mga tao ay abala sa pag-celebrate ng Valentine's Day, ang mga nawalan ng mahal sa buhay ay aalalahanin rin ang pagmamahal sa mga nauna na.  Naalala ko noong namatay ang tatay ko. Pumunta ang mga kaibigan ko sa lamay. Doon ako kinausap ng isang kaibigan ko mula high school. Sa kanya naman kasi, namatay dahil sa cancer ang nanay niya bago siya kinasal. Sabi niya sa akin, kapag namatayan ka ng mahal sa buhay hindi siya parang pakikipag-break sa nobyo/nobya. Kahit matagal na, babalik at babalik pa rin sa iyo ang sakit. Hindi kasi siya parang nakipag away ka lang sa mga tao, na alam mo darating ang panahon na puwede kayong magkita ulit o makapag-usap. Yun bang pwedeng magkaroon ng 'closure'. Kaya lang kapag namatay na ang tao, kahit anong gawin mo, ay hindi na kayo magkikita o mag-uusap ulit. Wag niyo sabihin sa akin na mayroon naman mga multo dahil hindi iyon ang pakikipag usap na gusto natin. Gaano ba dapat katagal ang pagluluksa? 9 days, 40 days, 1 year sa babang l

Anong New Year’s Resolution mo?

2024 na. Balik na sa normal ang mga tao. Ano naman ang “new year’s resolution” mo? Nakakatawa na hindi lang pala sa ating mga Pilipino uso na ang nangunungunang “new year’s resolution” ay ang pagpapapayat. Sabi sa BBC, ito pala talaga ang pangunahing resolution ng mga tao. Pagkatapos lumapang ng bongga nitong holiday season, balak ng mga tao na magbalik-alindog program bago naman daw dumating ang Valentine’s o summer season para ‘beach bod’ na. Pero kaya ba talagang mabawas ang timbang na dinagdag mo sa loob lang ng ilang linggo?   Siyempre iba-iba naman ang mga tao. Mayroon talagang magaling magpapayat. Disiplina, tamang diet, exercise. Kaya nila e. Habang ang iba, este karamihan ay nahihirapan dito. Paano? Akala nila sapat na ang pagpunta sa gym. Mayroon pa akong mga kakilala nagbayad talaga ng membership para daw mapilitan silang pumunta. Ayun, ganun pa rin naman.   Mayroon rin naman akala sa crashed diet, o kapag ginutom mo ang sarili mo, papayat ka na. Kaya lang, marami kasi ilang

Anong Ginawa Ko sa Loob ng Taong 2023?

Ngayon malapit na naman matapos ang isang taon at dumating ang bago, panahon rin upang muling balikan ang mga nangyari nitong isang taon. Paano mo ginamit ang oras na binigay sa iyo nitong 2023? Masasabi mo bang naging makabuluhan ang 2023 mo? Dahil blog ko ito, siyempre ako muna ang mag-iisa isa ng mga nangyari sa akin. Kaya ang tanong ko sa sarili ko: anong ginawa ko sa loob ng taong 2023?   Enero   Tatlong taon na mula nang nagsimula ang taon ko sa balitang wala na ang tatay ko. sinabi ko sa sarili ko kailangan ko nang pagtuunan ng pansin ang sarili ko. Panahon na upang  – isang malaking desisyon ang ginawa ko. Isang mahal na desisyon na kailangan ko gawin para sa mental health ko at para makapagsimulang muli.    Kaya lang naging pagkakataon rin ito upang masimulan kong harapin ang isang bagay na matagal ko nang isinantabi…Makalipas ang ilang buwan na iniwasan kong buksan ang isang social media account ko ay nakilala akong bagong kaibigan na nagpapa-add doon. Kaya ayun pagbukas ko b

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal?   Para sa iba, dapat daw Unlimited . Parang unli rice , unli wings , unli sabaw . Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal.  Unlimited .   Sabi ng iba, 'habang may buhay' ang peg kasi habang nabubuhay ay maaari pa rin magmahal muli. Habang may asim pa ay hindi pa isasara ang tindahan haha...isa pa pwede naman daw ang try and try until you succeed  ang motto sa pag ibig. Trial and error . Hanggang sa makilala mo na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga. Kaya ba dapat may divorce para may room for mistakes?   Kung 'learning from our mistakes' ang magiging basehan naman ay maaaring magmahal muli hanggang sa matutunan ang mga dapat matutunan sa

Bakit gusto ng mga tao ang ‘hugot’ lines?

Noong isang araw ay napunta ako sa restaurant kung saan kinuhanan ang pelikulang “One More Chance”. Sigurado kung halos magkalapit ang edad natin ay kilala mo si Popoy at Basha. Pati na rin ang mga iconic lines sa pelikula. Mga linya na may ‘hugot’. Bakit nga ba ang benta ng mga ‘hugot’ lines sa mga tao? Minsan itong mga ‘hugot’ lines ay pareho ng gusto natin sabihin pero ginawa itong magandang pakinggan. Parang kapag nakikinig ka ng mga kanta ni Taylor Swift. Ang daming hugot lines. Sbai ng ani Raj sa ‘The Big Bang Bang Theory’, ‘not because she sings my truth…’ Yun mga bagay na hindi mo masabi ay nagagawa nila.    Minsan rin ay dahil mayroon tayong naaalala sa mga ito. Hindi man kapareho-kapareho sa nangyari sa atin, pero malapit na rin. May kurot (pwede naman related diba? Haha). Drama lang?   Minsan rin kaya ito mabenta sa mga tao ay dahil gusto lang nila ang usapin ng ‘heartache’. Naalala ko yun isang anak ng pinsan ko dati. Hindi pa ata siyanag-aaral noon pero dahil lagi niyang n

Naniniwala ka ba sa ‘fate’?

Kasalanan siguro ng mga nobela at mga palabas, tulad ng pelikula kaya marami ang naniniwala sa konsepto ng kapalaran o ‘fate’. Masyado siyang na-romanticize para sa mga tao.  Isa ka ba sa naniniwala dito?    Marami kung hindi man lahat ng hopeless romantic ay naniniwala sa ‘fate’. Kahit nga si Taylor Swift sinulat sa kanta niya na ‘Invisible String’:   “Time, curious time Gave me no compasses, gave me no signs Were there clues I didn't see? And isn't it just so pretty to think All along there was some Invisible string Tying you to me? ”   Totoo nga kaya ang ‘fate’? Pero ano ba ang ibig sabihin nito? Ayon sa Dictionary.com, fate is “ the development of events beyond a person's control, regarded as determined by a supernatural power.” Katulad rin ito ng ‘destiny’ na itinuturing bilang “the events that will necessarily happen to a particular person or thing in the future.”     Ito ang isang bagay na tinalakay sa pelikulang ‘Only You’ (1994), kung saan sa sobrang paniniwala ng

Paano ba mag-‘unlike’ ng taong gusto mo?

Mayroon akong isang kaibigan na matindi ang pinagdadaanan dahil sa kanyang pagka-gusto sa isang taong sa tingin niya ay malabo siyang magustuhan. Kaya naisip ko, paano ba mag-‘unlike’ ng gusto mo? Paano makakalimutan ang taong gusto mo ng mabilis?   Paano nga ba ito gagawin kung gustong gusto mo pa siya? Paano mo malalaman kung kailan mo dapat simulan kalimutan ang taong iyon? Mahirap itong gawin lalo na kung matagal mo na siyang gusto.    Paano nga biglang ma-‘unlike’ ang gusto mo?   1.       Make up your mind.   Tanongin ang sarili kung handa ka na bang ma-‘unlike’ siya? Sa aspetong iyan, ikaw lang ang makakasagot. Kung ‘oo’ ang sagot mo, maari ka nang pumunta sa mga susunod na numero. Kumbinsihin ang sarili kung ito na talaga ang gusto. Kailangan rin na sigurado ka na sa sarili mo na ito ang gusto mo, lalo na dahil hindi ka naman niya gusto. Paalala mo yan sa sarili mo ng paulit-ulit.    2.       Be strict   Dapat maging mahigpit ka sa sarili mo tungkol sa mga bagay na ito. Hindi pw

Saan ka nga ba pagkatapos ng graduation?

Sa mga mag-aaral, graduation ang pinakahihintay na araw. Madalas natin naririnig ang ‘congratulations’ bilang pagbati sa mga nagtatapos ng pag-aaral. Pagkatapos ng graduation ay susunod na ang tanong kung ‘saan ka na pagkatapos ng graduation?’ Dahil sa totoo lang ang isa rin sa mga dapat na sinasabi pagkatapos ng congratulations ay ‘welcome to the real  world’ na ang kasunod. Simula pa lang ito ng panibagong yugto ng kanilang buhay.    Naalala ko tuloy noong graduation ko sa college. Bago pa dumating ang araw ng graduation ko ay mayroon na akong trabaho. Kung nabasa niyo ang kwento ni Mr. Fire-lirt ay mainit indian niyo ito. Sa totoo lang, sinabi ng isan professor namin na mas maganda raw na magpahinga muna o magbakasyon pagkatapos ng graduation. Sabi niya lalo daw para sa mga lalaki kasi inaasahan na silang tuloy tuloy na magtatrabaho hanggang retirement age. Samantalang ang mga babae naman  daw ay maaaring tumigil sa trabaho kung manganganak. Pero ako, hindi pa man tapos ang final ex