Yun estudyanteng umaasa na malamig raw sa classroom kasi sayang naman daw ang pagsuot niya ng panlamig. Pagtingin ko nga sa kanya amg suot niya yun ginantyilyo na sweater! So dapat yun classroom ang mag adjust sa outfit niya?
Ano naman kaya ang mga sa second floor lang pala pupunta, pero mas pipiliin maghintay sa elevator mula first floor. Mas matagal pa ang tinayo nila kaysa kung aakyat ng hagdan. Iniisip ko, imbalido ba sila? Disabled? May pilay? Wala naman mga dala kung hindi cellphone. Minsan mayroon maliit na bag. Pero hindi naman masyadong makakadagdag sa sakit ng tuhod nila iyon.Sabagay marami ngang nag-eenroll pa sa eskwelahan pero ayaw naman na may pasok. Kapag nag-enrol, ang tawag sa iyo ay mag-aaral, pero bakit maraming ayaw naman mag-aral? Yun iba nagbabasa lang, pero hindi iniintindi ang binabasa. Pumapasok ang pisikal na katalan, pero hindi ang utak/kamalayan.
Mayroon rin yun mga mahilig mag coffee shop pero ayaw uminom ng kape. Haha. Guilty! Gusto ko yun amoy ng kape pero ayoko ng epekto aa akin ng kape. Buti mayroon tea hehe.
Yun gustong gusto ng mga tao ang mainit na lugaw sa meryenda kapag summer. Mas nakakagutom ata ang mainit na lugaw. Tsaka partner naman daw ay halo halo. haha
Yun pag bawal mas gusto ng mga tao. Yun iba kapag pinagbabawalan, lalong gusto gawin. Nung mayroon diabetes ang nanay ko, mas lalo pa siyang naghahanap ng mga matatamis. Akala mo naglilihi. Pero nung hindi pa pinagbabawal sa kanya ang matamis, hindi naman niya ito hinahanap. Yun isang pinsan ko mas malala pa. Sinabi na sa kanya na bawal siya sa macyadong matamis, pati sa mga baboy, pero ang softdrinks ginawa pa rin tubig. Tuloy pa rin sa pagkain ng mga baboy. Para daw kasi siyang magkakasakit kapag hindi iyon ang mga iniinom at kinakain niya. Ayun, wala na siya.
Yun tatay ko nga dati ganyan din. Mas pinagbabawalan namin, lalo niyang tinatago sa amin. Mas lalo niyang hinahanap. Ayun, wala na rin siya ngayon.
Bakit nga ba, mayroon mga ganito?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento