Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2023

Ilang beses ba tayo pwedeng magmahal?

Mayroon bang bilang ng pagkakataon sa buhay ng isang tao ang pagkakataon magmahal?   Para sa iba, dapat daw Unlimited . Parang unli rice , unli wings , unli sabaw . Tignan mo nga ang mga artista sa Hollywood ordinaryo na lang usapin ng divorce at remarrriage. Tulad na lang ni Elizabeth Taylor. Sa sobrang ganda niya ay naka ilang asawa siya. Pero hindi naman dahil lang maganda siya kaya ganoon. Malamang para sa kanya ilang beses kasi siya nagmahal.  Unlimited .   Sabi ng iba, 'habang may buhay' ang peg kasi habang nabubuhay ay maaari pa rin magmahal muli. Habang may asim pa ay hindi pa isasara ang tindahan haha...isa pa pwede naman daw ang try and try until you succeed  ang motto sa pag ibig. Trial and error . Hanggang sa makilala mo na ang makakasama mo hanggang sa huling hininga. Kaya ba dapat may divorce para may room for mistakes?   Kung 'learning from our mistakes' ang magiging basehan naman ay maaaring magmahal muli hanggang sa matutunan ang mga dapat matutunan sa