Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2013

Baha, Baha, Paano ba naman ako Kapag Panahon ng Tag-ulan?

Baha, Baha, Baha na naman?! Paano ba ako kapag panahon ng Tag-ulan? Siyempre, kung mayroon tag-init, mayroon din tag-ulan. At oo, pansin naman natin, panahon na naman ng tag-ulan. Naalala ko tuwing umuulan madalas ang baha dito sa Pilipinas. Sabi ko nga dati sa isang isinulat ko, "when it rains, it floods" imbes na "when it rains, it pours." Baha, more fun in the Philippines?  Tignan mo nga sa news at makikita mo ang mga taong todo ngiti pa rin kahit lubog na ng baha ang paligid. Pero siyempre isang apseto lang ang nakikita natin doon.  Sa bayan namin madalas bumabaha dati pa. Kaya siguro malapit sa puso ko ang baha. Chos! Pero sa totoo lang ay marami talaga akong alaala kapag may baha. Naaalala ko pa maliit pa ako ay nakagisnan ko na ang pagbabaha sa amin. Wala pa akong isang taon ay binaha ang bayan namin. Akala ko noon ay isang malaking swimming pool ang bahay ng mga lola't lolo ko. Kulay tsokolate nga lang ang tubig. Lubog sa baha ng ilang

Bakit Masarap Maging Mag-aaral?

Pasukan na naman. Simula ng bagong school year. Kabalikat ng pagtatapos ng nakalipas na school year ay isang bagong school year. Natapos ang school year na excited ang mga estudyante sa bakasyon, ngayon naman ay excited na ang mga estudyante sa bagong school year, sa bagong notebook, sa bagong ID, sa bagong mga gamit (sapatos, libro, uniporme), sa bagong adviser, sa bagong section, atbp. Pero siyempre ang pinakakinaka-excite ng mga estudyante ay ang muling panghihingi ng baon sa araw-araw.  Ngunit pagdating ng sangkatutak na assignment magsisimula nang mapalitan ang excitement ng pagod, katamaran, at pag-aabang sa class suspensions tuwing may bagyo pati na rin ang deklarasyon ng mga national holiday.  Exciting maging isang estudyante, dahil bukod sa mga tinuturo sa atin ng ating mga guro at nababasa sa libro ay marami tayong ibang nalalaman tungkol sa kapwa natin, in short KALOKOHAN. hehe. Exciting sa school kasi nandoon parati ang kaba kung paano ka bibigyan ng grado ng