Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Frie-lirt (Part VI)

         “Moosta” 

        Ilang araw matapos ang insidente sa bahay namin ay nakatanggap ako ng  ganyan mensahe mula sa isang hindi kilalang sender. Base sa numerong ginamit ay galing ito sa ibang bansa. Alam ko rin naman na isang tao lang naman ang nagsasabi sa akin ng ganyan—si Mr. Frie-lirt. Siguradong nakabalik na siya sa ibang bansa. Pero hindi niya alam na nakita ko siya noong araw na iyon na may kasamang iba. May isa pang mensahe ang natanggap ko gamit ang chikka account niya. Pareho kong hindi sinagot. Agad kong pinalitan ang numero ko. 


    Nalaman ko rin mula sa isang kaklase na mayroon pa lang feature ang Yahoo Messenger na “permanenty invisible" para hindi niya makikita kapag nag online ako. Pinagsasabihan ko ng bestfriend ko na hindi dapat ganoon. Pero hindi ko talaga mapigilan maging bitter. Napaka-immature ko pa noon para malaman ang dapat kong gawin. Noong huling beses kami nagkita sa bahay ay hindi ko na siya ulit kinausap. Bakit ko siya kakausapin? Anong sasabihin ko? Basta naiinis ako sa kanya. 


       Pagdating ng Pasko at Bagong Taon ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa tatay niya at kaibigan niya. Binabati nila ako siyempre kasama siya sa bumabati. February 14 nakita ko na in-add niya ako ulit sa Friendster. Binura niya Kasi dati ang account niya noong panahon na nag-uusap pa kami. Siyempre hindi ko naman tinanggap ang request. Bakit pa?


        Bago pa man ako maka graduate ay naghanap na ako ng trabaho. May nakita ang tatay ko sa dyaro. Sinubukan ko naman mag apply para lang hindi ako mababakante sa oras pagkatapos ng graduation. Natanggap ako at gusto nila makapag simula ako agad. Sinabi ko sa unang sabado ng Marso ang huling exams namin. Maaari na ako magsimula kina-lunesan. Ganoon nga ang ginawa ako. Isang araw lang ang naging pahinga ko sumabak na ako agad sa mundo ng trabaho. 


        Isang araw ng Hunyo ay biglang nagpadala ng mensahe si Mr. Frie-lirt sa pinsan ko na kilala niya. 

“Ate, bakit siya nagalit sa akin? Hindi na niya ako kinausap. Pakisabi sa kanya na nakakuha na ako ng trabaho sa Singapore. Nakahanap na rin ako ng titirahan doon. Pupunta na ako doon ngayon Agosto..."  


     Dahil bitter pa rin ako sa mga ginawa niya, hindi ko siya kinausap. So? Imbes na matuwa ako na sinunod niya ang gusto ko ay nainis pa ako sa kanya. Nasip ko kasi bakit niya binago ang plano niya at sinunod ang gusto ko pero hindi niya hinihiwalayan yun babae na nakilala niya pag uwi ko? Nang-aasar ba siya at kailangan ipaalam pa sa akin? O baka naman ginagaya lang niya ang plano ko kasi nalaman niya na mas maganda doon kaysa doon sa bansa ng nanay niya (kung saan talaga niya gusto dati mag trabaho pagkatapos niya ng kolehiyo). 


    Pagdating ng Disyembre ay nakipagkita ang mga kasama namin dati sa ibang bansa para sa isang hapunan. Pagdating ko doon ay nakita ko ang tatay niya. Pinaupo ako sa tapat niya. Masaya pa rin Siyang kausapin ako kaysa ibang kasama namin doon. Kinamusta niya ako at nasabi ko na nagtatrabaho na ako dito. Binigyan ko siya ng calling card ko baka raw kasi mayroon siyang kailagan. 


    “Pumunta ka na sa Singapore. Nandoon na si______ (Mr. Frie-lirt).” Bigla niyang sinabi sa akin. 


    Ngumiti lang ako. Alam ko wala sa kanila ang nakakaalam ng nangyari. Mabait ang tatay niya at ayokong pakitaan siya ng magaspang na ugali dahil lang galit akosa anak niya. Ayoko na rin sanang makarating pa sa kanila ang mga nangyari. Kung maaari nga lang ay ayoko na pag-usapan si Mr. Frie-lirt dahil naririnig ko pa lang ang pangalan niya ay kumukulo na ang dugo ko. 


    “Tamang tama naipasok ko siya doon sa kakilala ko…” sunod na sinabi ng tatay ni Mr. Frie-lirt.


        Dito hindi ko na napigilan sumagot na “ah kaya po pala siya natanggap sa trabaho doon…” 


       Hindi naman. Kung hindi rin naman siya qualified hindi siya matatanggap sa trabaho doon.” Sagot ng tatay niya. Siyempre ipagtatanggol siya ng tatay niya. Matagal na kasing gusto ng tatay niya na magkatuluyan kami. Hindi ko lang alam kung nalaman niya ang tungkol sa babaeng nakilala ng anak niya pag-alis ko. 


        “Hindi ko po alam kung pupunta pa ako sa Singapore…." 'Yan na lang ang nasabi ko sabay pilit na ngumiti sa kanya. Sasabihin ko ba na, Wala na po talaga akong balak pumunta doon dahil nandoon na ang anak niyo!? Masyadong bitter. Masisira image ko. 


        “Pumunta ka pala sa bahay namin pagkatapos nitong hapunan natin. Diyan lang naman bahay namin. Maglalakad lang tayo.” Bulong ng tatay niya sa akin. Sa loob-loob ko: hello, ano po gagawin ko doon? Bakit ako pupunta sa bahay ng kinakainisan ko???? Pero siyempre hindi na lang ako sumagot.


        Bigla niyang sinabi “nandyan kasi si _____ (Mr. Frie-lirt). Para magkausap kayo…"

Siyempre uminit na naman ang ulo ko dahil narinig ko ang pangalan niya. Pero para hindi lang masyadong halata ngumiti lang ako ng konti kahit pilit. 


     “Naku hindi po puwede. Susunduin po kasi nila daddy. Nandyan lang po kasi sila sa malapit hinihintay ako…” sabi ko sa tatay niya. 

    “ah ganoon ba?”

    "opo eh..."

        Hindi na niya ako pinilit na sumama pa sa kanya para makita si Mr. Frie-lirt. 


        Pagdating Enero naisip ko na ok na ako. Hindi na ako nasasaktan. Siguro nga ito na ang sinasabi nilang ‘time heal all wounds.’ Dahil bagong taon na, panahon na para mag-simula ng bago. Panahon na upang tuluyan na i-let go si Mr. Frie-lirt. Kaya naman tinanggal ko na siya sa YM ko…ang hindi ko alam ay kapag pala tinaggal sa mga kaibigan mo sa YM ay matatanggal ang setting. Iyon dating setting ko sa kanya na ‘permanently invisible’ ay nawala at naging visible na ako sa kanya. Dahil iyon ang ginagamit noon sa trabaho.


        Mga ilang minuto lang ang lumipas ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. 

“Moosta? Balita ko nagtatrabaho ka na sa _____ (pangalan ng pinapapasukan ko noon)”


      Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Nagulat ako. Paano ko ba kakausapin ang talong ayokong kausapin?

        “Ok naman ako. Oo, dito na ako nagtatrabaho. Paano mo nalaman? Sinabi ng tatay mo?” Sagot ko.

        “Oo"


       Hindi ko na alam ano pa sasabin ko. Ayokong kamustahin pa siya. Ayokong kausapin siya. Kaya kung ano lang ang tinanong niya oron lang ang sinagot ko. Hindi ko naman mapalitan ang status ko doon dahil nga hindi ko na siya kaibigan. Sinarado ko na lang ang usapan. Hindi ko na siya kinausap. Nainis lang ako ulit. Akala ko ok na ako. Bakit ba kailangan kausapin pa ako? HIndi ba dapat nagpapakasaya na siya sa piling ng babaeng pinili niya? Nagbalik lang ulit ang lahat ng sakit sa akin. Hindi ko kayang pakitaan siya ng kabutihan. 


      Ilang araw matapos niya ako sinubukang kausapin ulit ay mas lalo pang pumait ang panlasa ko. Biglang nabanggit ng kasama ko sa trabaho na kilala yun babaeng iyon na nakita niya sa post nung babae na niyaya na siya magpakasal ni Mr. Frie-lirt. May balak naman pala siya yayain magpakasal yun babaeng iyon, bakit pa niya ako gusto kausapin? Anong problema niya??? Unti-unti rin kong naiinis sa kasama ko sa trabaho na kaibigan nung babae na ‘yon. Bakit pa niya pinapasakit ang kalooban ko? Dahil ba masaya siya sa nobyo niya kaya wala na siya pakialam kung masasaktan ako?


        Sa sobrang irita ko sa mga ginawa ni Mr. Frie-lirt ay kung anu-ano ang inisip kong gawin. Naisip ko lumipat ng trabaho—kapag bagong trabaho magiging busy na ulit ang utak ko kasi mas mahirap na ang gagawin ko. Siyempre ayaw ng nanay ko. Ayaw niyang umalis ako sa trabaho. Magtiis raw ako. Ayaw rin niya na sa gobyerno ako mag-aapply. 


        Naisip ko mag-apply sa grad school. Gusto kong maging busy ang utak ko lalo. Patutunayan ko rin kay Mr. Frie-lirt na ako ang hindi niya pinili ay mas magaling kaysa babaeng iyon. Gusto ko magsisi siya sa ginawa niya. Pumasa ako kaya pagdating ng Nobyembre ay nakapasok na ako sa grad school para sa second semester. Minsan ay tinatawagan ako ng tatay niya para magtanong sa papeles na aayusin niya sa opisina namin. Ewan ba bakit ba kailangan ako pa.


        Nasabi ko na ba na tumaba ako noon kahit napaka bitter ko? Nakakainis talaga isipin na nakaka-pangit at nakaka-taba ang pagiging bitter para sa akin. Sumikip ang mga damit ko. Lahat na ata ng paraan para magkasya na uit ang mga damit ko sa akin ay nasubukan ko pero hindi talaga: fasting, walking, pampapayat na tea, supplements na nakaka-tunaw raw ng taba, atbp. Kaya kapag tinitignan ko ang ID ko sa grad school naaalala ko ang panahon na iyon. 


        Sinubukan ko mag focus sa bagong challenge na pinasok ko. Kaya lang hindi ko maiwasan na maglakad ng bitbit ang sakit at galit. Hindi ko maaamin sa mga tao ang nangyari. Hindi ko maamin ang dahilan ng bigla kong pagpasok sa grad school—kahit dati ang plano ko ay matagal pa ako papasok doon. Kung para sa iba ang sagot sa tanong ni Tita Whitney Houston sa “Where do broken hearts go?” ay lugar na malayo o hindi pa nila napupuntahan, para sa akin ang naging sagot ay trabaho sa Makati at grad school sa Quezon City. 


        Akala ko magiging ok na talaga ako. Magsisisi rin siya. Mali pala. Kasi pagdating ng Enero ay nakatanggap ako ulit ng mensahe mula kay Mr. Frie-lirt. Katulad ng dati sinusubukan niyang makipag-usap. Kinakamusta niya ako—kung ano raw ang ginagawa ko sa buhay. Katulad rin ng dati ay hindi ko siya hinayaan na malaman ang ginagawa ko. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon magpaliwanag sa mga nangyari. Mas matimbang pa rin ang galit ko at mas nangingibabaw pa rin ang pride ko. Hindi ko kayang sabihin ang totoo sa kanya. 


        Katulad rin ng dati ay mas lalong pumait ang panlasa ko. Parang isangdaang kilong ampalaya ang pinakain sa akin. Lalo na ilang araw makalipas ng araw na iyon… Isang umaga sa trabaho ay nagbubulungan ang mga kasama ko sa trabaho. Kausap nung kaibigan ng babaeng nakilala niya ang isa pa niyang kaibigan sa opisina. Naririnig ko na sinasabihan nung isa yun kaibigan ng babae na huwag raw gawin ang balak. Hindi ko initindi pero patuloy pa rin sila sa may tabi ko. Hanggang sa pinatayo ako ng kaibigan nung babae mula sa upuan ko. Sinusubukan pa rin siyang awatin nung isa pero hindi siya nagpapigil. Nagbukas siya ng window sa computer na ginagamit ko at doon pinuntahan niya ang isang account sa Multiply. Pinakita niya sa akin ang mga litrato ng kasal ni Mr. Frie-lirt. Nakalagay pa sa ilalim ng pangalan ng account parang “heavens brought us together”. Nainis ako lalo. Naisip ko: so ano ako: epal sa kuwento niyo? Extra sa love story niyo? 


        Pero habang tinitignan ko ang mga litrato ay hindi ko pinapahalata sa kaibigan ng babaeng iyon na apektado ako sa mga nakita ko. Ayokong ipahalata na nanlalamig ang mga kamay ko. Parang nawala ang dugo ko. Nahihilo ako. Parang unti-unting lumulubog ang upuan ko sa lupa. Pagtalikod ng mga kasama ko, ay nagpatuloy ako sa trabaho. Noong napansin ko na busy na sila sa trabaho nila ay tahimik kong pumunta sa toilet. Sinugurado kong walang tao bago ako umiyak. Ang sakit ng puso ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Ang ingay ng utak ko hindi ko alam paano ako makakapagtrabaho sa araw na iyon. Bakit pa siya ulit nakikipag-usap kung ikakasal na pala siya? Ano bang gusto niyang mangyari? Pero higit sa lahat, wala na akong papatunayan. Tapos na ang lahat nagsisimula pa lang ako. 


        Lalo rin akong naasar sa kasama ko. Naisip ko napaka-insensitive naman niya. Hindi ba puwedeng hindi na lang pinaalam sa akin? Palibahasa masaya siya sa love life niya. Hindi pa magaling ang sugat ko tapos sasaktan pa niya lalo? Siguro ganoon ang pakiramdam ng pagpatak ng dayap sa sugat sa kuwento ng Ibong Adarna. Kailangan ang kirot para imagining ka. Pero noong panahon na iyon ay hindi ko maintidihan kung bakit nangyari ang mga nangyari. Sa dami ng babae sa mundo, bakit ako pa?  Bakit sila lang ba ang may karapatan maging masaya?


        Hindi ko rin napansin na tumindi ng tumindi ang pagka-inis ko sa kasama ko. Pati mga kaibigan namin ni Mr. Frie-lirt dati ay hindi ko kinausap kahit pa isa lang ang may alam ng ilang mga detalye. Hindi ko alam na unti-unti na pa lang naapektuhan ng galit ko kay Mr. Frie-lirt ang mga desisyon ko sa buhay noon. Ekis ang lahat ng mga magpapaalala sa akin sa kanya. Mainit ang ulo ko tuwing mayroon magtatanong tungkol sa kanya. Wala rin akong magustuhan, hindi ko alam na hindi lang pala dahil natatakot ako na baka masaktan ako katulad sa mga ginawa ni Mr. Frie-lirt, pati rin pala dahil ang gusto ko ay yun hihigit sa kanya. Hindi katulad ng ginawa niya na ganoong babae ang pinalit niya sa akin. Nakakainsulto eh. Pero sa tuwing nahihirapan ako sa grad school dahil nga full time ako sa trabaho ay tinatanong ko ang sarili ko bakit nga ba ako nandoon? Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko? 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...