Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2015

May naisulat ka na ba kapag mayroon kang nagugustuhan?

May naisulat ka na ba kapag mayroon kang nagugustuhan? Dahil buwan raw ng pag-ibig ngayon makiki-Feb-ibig muna ako. Sabi nila kahit hindi mo sabihin mapapansin ng mga tao kung mayroon kang inspirasyon. Noong nasa kolehiyo ako dumating ako sa pagkakataon na mayroon akong nagustuhan. Kahit na hindi ko pa sabihin ay natawa ako noong nilagyan ng propesor ko sa Malikhaing Pagsusulat (Creative Writing in Filipino) ang isang nilagay ko sa portfolio ko…. "Sa Piling Mo" (2006) Sa piling mo, o kwarto, ako'y nabubuhay Sa iyong piling lahat ng aking emosyon ay nailalabas Kung kaya't ika'y aking binabalik-balikan Kahit nasaan man ako mapunta'y ikaw lang ang hahanap-hanapin Sa piling mo, o kama, ako'y nahihimlay Ang iyong kanlunga'y parang duyan ni nanay Sa gabi'y ikaw sa aki'y naghehele Sa aki'y mawala ka'y hindi ako makakatulog ng mahimbing Sa piling mo, o unan, ako'y napapayapa Para akong nasa kandungan ni nanay Ika