Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2023

Bakit ang hirap maging babae?

  Mahirap maging babae period. Buwan buwan mula ng nagdadalaga ka hanggang sa bago ka mag menopause ay kailangan mo maranasan ang pinaka mahirap sa pagiging babae. Masakit. Minsan hindi lang ang puson mo pati ulo mo. Para sa mga kalalakihan na hindi naman nakakaranas ng nararanasan naming mga kababaihan, wala kayong karapatan magbigay ng komento tungkol dito. Hindi kami umaarte kapag bigla kaming sinusumpong o umiinit ang ulo dahil sa dalaw o sa hormones. Kaya huwag niyong gawing isang biro ang “may dalaw siguro” kapag hindi niyo maintindihan ang mga babae.  Kapag mayroon dalaw ay kailangan lagi malinis kung hindi at babaho ka. Dapat rin laging maghanda kung biglang dumating ang dalaw.  Hindi pa siya basta mapag-usapan. Mayroon iba na nahihiya kapag may mga lalaki makakakita ng sanitary napkin nila o mapag-usapan ang tungkol doon sa harap ng mga kalalakihan. Buti na lang lumaki ako na puro babae ang kasama ko, kaya hindi ko naranasan iyon. Bakit ka ba mahihiya sa normal na nangyayari s