Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2014

Na Friend-Zoned at Seen-Zoned ka na Ba?

Sabi nila imposible raw na ang isang babae at lalaki ay maging magkaibigan ng hindi nagkakamalisya ang isa o pareho sa kanila. Kapag pareho silang may malisya, ibang usapan na iyon. Mutual understanding. Pero kung isa lang ang may malisya. Malas niya. Dahil malamang mafe-friend-zoned lang siya. Masakit lang isipin na kahit gaano pa niya kagusto o kahit tunay pa ang nararamdaman niya para sa kaibigan niya ay mananatiling "Friend of Mine" ni Odette Quesada (mas gusto ko ang version ni Lea Salonga) ang kanyang theme song. Pwede rin ang "Why Can't It Be?" ni Rannie Raymundo (version ni Nina).  Nagpadala ka ng mensahe sa taong gusto mo pero wala siyang reply kahit na nakalagay "seen" matapos mo lang ipadala ang mensahe mo? Ang tawag daw diyan ay "seen-zone". Nakita niya ang mensahe mo pero hindi niya nais pansinin. Sakit sa damdamin at pride na deadma ang pinadalhan mo ng mensahe.  Hindi katapusan ng mundo kapag na friend-zoned