Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Kaibigan-lang-pala

Matapos ang mga huling pangyayari sa amin ni Mr. Frie-lirt kung saan nagpakasal na siya ay nahirapan talaga akong maging masaya. Napuno na ng galit ang puso ko. Hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa pag-ibig.  

Nagpatuloy ako sa pag-aaral sa grad school. Pinanindigan ko na kahit minsan iniisip ko pa rin kung bakit nga ba ako nandoon.


Taon 2010 nang pinadala ako sa bansang iyon. Muli akong nakapunta sa mga lugar na pinupuntahan namin ni Mr. Frie-lirt. Marami rin akong nakilalang ibang mga tao. Mayroon ibang nagpaparamdam. Pero bitbit ko pa ang sakit na naramdaman ko dati. 


May isang naging kaibigan ko habang nandoon. Madalas kaming magkasama dahil magka-group kami. Mabait naman siya at maasikaso kaya nakakatuwa siyang kasama. Malayo sa itsura ni Mr. Frie-lirt. Hindi rin siya confident sa sarili niya. Ayaw niyang nagpapakuha ng litrato. Mas gusto niya siya ang kumukuha. Minsan tinanong ko siya, ilang litrato sa camera mo ang nandoon ka? Natawa siya kasi halos wala siyang kuha sa sarili niyang camera. Kaya kinuha ko ang camera niya at kinuhanan ko siya. 


Isang araw rin nag-uusap kami kung ano ang nangyari sa program na pinili niya. Kuwento niya tinuruan raw sila mag hand massage. Kinuha niya ang kamay ko at pinakita kung paano. Kaya lang bislang dumating ang mga kasama ko sabay sabing “ay, ano ‘yan?!” 

“Pinapakita niya lang paano ang tinuro sa kanila na hand massage haha.”  Sabay bawi sa kamay ko. Hindi man niya naintindihan ang sinabi ng kasama ko pero parang nakuha naman niya ang ibig sabihin.


Noong huling gabi namin sa bansang iyon ay nagkaroon ng hapunan ang mga lumahok. Niloloko siya ng mga kasama ko sa akin. Sabi niya “magpapakasal kami sa Pilipinas” sabay talikod sa aming lahat. Natawa naman ako.  


Pagbalik namin sa mga bansa namin ay nagpatuloy naman ang usapan namin sa Facebook. SInabi ko sa kanya na dahil sa trabaho ay madalas na ginagamit namin ang yahoo messenger. Kaya nag gawa siya ng account sa YM. Parati kaming nag-uusap. Natutuwa ako talaga sa kanya. Sinabi niya gusto niya akong dalawin sa Pilipinas. Ipagluto ko raw siya dahil kahit raw ano pang iluto ay kakainin niya. 


Sabi ng isang kasama ko sa trabaho na lalaki, “bakit iba ang itsura mo? May boyfriend ka na ba ngayon?” Napansin raw niya kasi na parang blooming ang mukha ko araw araw. Siyempre hindi naman kami close kaya hindi kinuwento. Feeling close lang ano. Intrigero. Hindi ba puwedeng blooming lang talaga? Kailangan may love life bago maging blooming????


Minsan nag-status siya sa YM ng “I miss…” 

Tinanong ko siya "Anong na-mimiss mo?”

“Ang bansa ko” sagot niya. 

“Bakit mo kailangan ma-miss ang bansa mo, eh nandyan ka naman?” Pag-usisa ko. 

Nagpadala lang siya ng icon na smiley. 


Ilang linggo rin ang nakalipas na ganoon kami. Mas madalas na rin siyang nagpapakuha ng litrato. Kaya may iba siyang kaibigan na natutuwa. 


Parati kaming magkausap sa YM kaya lang isang gabi mayroon siyang nasabing nagpaalala sa akin kay Mr. Frie-lirt. Bigla akong natakot. Naisip ko parang ganito rin kami ni Mr. Frie-lirt dati. Pero nakuha niya akong saktan. Baka ganoon ulit. Kaya unti-unti kong pinigilan ang sarili ko na magustuhan siya. 


Kaya nang minsan nag-status siya sa YM na "사랑해요"

Paulit-ulit niya pinapalitan kaya paulit-ulit lumalabas sa screen ko pero hindi ko pinansin. Alam ko na kaya lang siya nag YM ay para makausap ako. Pero ayoko nang magtanong sa kanya kung para saan o para kanino niya sinasabi iyon kasi hindi ko naman alam kung gustong malaman ang sagot. 


Binawasan ko ang pakikipag-usap sa kanya mula nang araw na iyon. Sinabi ko sa sarili ko na magkaibigan lang kami at hanggang doon lang iyon para sa akin. 


Ilang buwan ang nakalipas ay dumating naman sa opisina si Mr. To-Sir-with-Love….


Dumating ang pagkakataon na tinanong niya ako kung may nakilala akong nagustuhan ko. Inamin ko sa kanya na mayroon sa trabaho. Mula noon ay hindi na niya ako kinausap. Nagbura rin siya ng Facebook account niya. Ilang taon ang nakalipas ay nakita kong nag gawa siya ng bagong Facebook account at in-add ang mga kasama namin maliebaan sa akin. Ilang taon pa ang nakalipas ay in-add rin niya ako. Nagpadala siya ng mensae. Pero hindi casual ko lang din sinagot ang mensahe niya dahil sa panahon na iyon ay mayroon ulit iba akong nagugustuhan. Kahit saglit lang naging masaya naman ako dahil sa kanya. Naging blooming nga raw ako sabi ng intrigero kong kasamahan sa trabaho. Pero hanggang doon lang talaga kami eh. Hanggang kaibigan lang pala kami. At ngayon raw ay mayroon na siyang Pinay na nobya at gusto na niyang makipagkita sa amin ng isang kaibigan ko. haha. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...