Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2013

Nasaan ang Katarungan?**

Kay sakit isipin na sa minamahal nating bayan ay kung sino pa ang dapat magprotekta sa mga tao ay siya pang kadalasang nagdudulot ng kasawian sa mga nilalang na katungkulan nilang ingatan. Nasaan ang hustisya? Paano ba ito makakamit? Mahal ko ang bayan ko, ngunit kalian magbabago ang mga taong may kapangyarihan? Kailan magagamot ang kanser na patuloy na sumisira sa ating lipunan at sa ating bansa? Darating pa kaya ang araw na maari kang maglakad sa kalsada sa gabi na ‘di kinakailangang matakot para sa iyong buhay? Kailan kaya darating ang panahon na hindi ka matatakot na makikita ng pulis o mga nagtatrapiko na pinapara ka dahil malamang ay kailangan mong ihanda ang bulsa mo? Mahirap tanggapin na pinapayagan nating maluklok sa kapangyarihan ang mga taong walang malasakit sa mga taong nagpapasuweldo sa kanila. Bulok ang sistema at bulok rin ang mga taong nagpapalakad at bahagi ng sistemang ito. Paano mo makakamit ang katarungan kung ang mga taong may kapangyarihan ay mismong

Bakit Mahirap Magsimulang Magsulat?

        Bakit nga ba mahirap magsimulang magsulat? Hindi madaling magsulat. Lalo na kapag sa malikhaing pagsusulat ito. Minsan hindi mo alam kung ano pa ang maaari mong isulat na hindi pa naisulat ng iba. O ano pa ang puwede mong maisulat na hindi mo pa nailahad?      Tuwing nag-iisip ako paano magsisimulang magsulat, naiisip ko ang mga linya sa isang awit na sinulat ni Ryan Cayabyab: "Di biro ang sumulat ng awitin para sayo, Para akong isang sirang ulo, hilo at lito Sa akin pang minanang piyano Tikladoy pilit nilaro Baka sakaling merong tono Bigla na lang umusbong Tungkol saan naman kayang awiting para sayo Di biro ang gawing sukat ang titik sa tono Sampu man aking diksyonaryo Kung ang tugmay di wasto…"      Ang hirap magsimula. Mahirap lalo na kung hindi mo alam kung ano ang isusulat mo. Mahirap kung hindi malinaw sa iyo kung bakit mo ba ginagawa ang isang bagay. Alam ko kung bakit ko ginagawa pero mahirap pa rin. Katulad ng hirap sa pag "move on&q

Paano ang Pang-amoy ko?

Hindi ko alam kung bakit pero isa sa mga bagay na hindi alam ng mga tao ay sensitibo ang pang-amoy ko. Very Active ang mga smell receptors ko kasi kahit may sipon ako ay hindi uso sa akin ang kawalan ng pang-amoy. Kadalasan ako ang unang nakakaamoy.  Ako: "Anong amoy yun?"  Kasama ko: "Anong amoy? Wala naman ah."  Ako: "Ayun oh. 'Di mo ba naaamoy?" Pagkalipas ng ilang segundo.  Kasama ko: "Ay, oo nga noh. Ambaho naman." Ako: "Sabi ko sa iyo eh." Ganyang parati ang nangyayari sa akin. Hindi ako nauunahan pagdating sa amuyan. Naalala ko noong college ako. Sa isang subject ko ay kinakailangan kaming mag experiment. Nagkataon na isang grupo sa mga kaklase ko ay tungkol sa amoy ang experiment. Kumuha sila ng ilang babae at ilang lalaki na pinaghugas nila ng kamay ng walang sabon. Habang namili sila ng ilang kaklaseng huhulaan kung ang kamay na ipaamoy ay sa lalaki o babae habang may piring ang mga mata. Isa ako sa nap