Lumaktaw sa pangunahing content

Ano ang mga bagay na nakakainis na ngayon kapag Panahon ng Kapaskuhan?

Noong bata ako, isa sa mga panahon na inaabangan ko ay ang Pasko. Mahaba ang bakasyon habang malamig ang simoy ng hangin. Mayroon rin mga nagbibigay ng regalo at pera sa iyo. Ibang iba kaysa summer vacation. Bakasyon nga, pero mainit at matagal na walang natatanggap na allowance. 

Marami rin kaming mga tradisyon sa pamilya kapag kapaskuhan. Kadalasan masaya ang lahat lalo na kapag Christmas Party at reunion. 


Lumipas ang maraming taon ay malaki na ang pinagbago ng sitwasyon ko. Kung dati ay ako ang binibigyan ng regalo at pera, ako na ang inaabangan magbigay ng pera. Bukod dito ay kabi kabila rin ang mga kailangan gawin at puntahan kapag ganitong panahon. Noong buhay pa ang mga magulang ko, hindi kami napipirmi sa bahay kapag ganitong panahon. Nagsisimula ng ika-15 ng Disyembre ay nagsisimbang gabi kami hanggang bisperas ng Pasko. Pagdating ng Pasko ay magsisimba ulit bago mag reunion kasama ng kamag anak ng nanay ko. 


Nakakatuwa rin kapag ganitong panahon noong bata ako. Ang sipag ng nanay ko mag decorate ng bahay namin. May Christmas Tree, may mga garland, Christmas lights. Pati ang kurtina namin, table runner, table cloth, pillow case, lahat ay para sa Pasko ang design. Habang ang casette tape ng album ni Jose Mari Chan na "Christmas in our Hearts" ang paulit ulit na pinapatugtog sa bahay. Kapag natapos na ang isang side ay babaliktarin upang yun kabilang side naman ang tumugtog. Kaya nakakabisado namin ang lyrics ng mga kanta doon sa album. 


Dahil bakasyon ay dinadala kami sa mall. Binibili kami ng bagong damit na isusuot sa Pasko. Nanonood rin kami ng palabas sa COD Department Store sa Cubao. 


Pero sa ngayon ay nakakainis na ang panahon na ito para sa akin. Nakakainis pumunta sa mall kasi naparaming tao at napaka trapik. Ang taas ng anxiety ko kapag maraming tao sa paligid. Ayokong nakikipagpalitan ng mukha sa mga tao sa labas. Hangga't maari sana ay ayokong lumalabas na. 


Hindi na rin gaano kaganda ang panahon ngayon. Hindi katulad dati na kapag ganitong panahon na ay hindi na umuulan. Malamig lang ang simoy ng hangin. Masarap maglakad lakad sa paligid. Pero hanggang ngayon ba naman umuulan pa rin araw araw???? Kailan ba matatapos ang ganitong panahon ng tag-ulan?????


Napakagastos rin kapag ganitong panahon. Kailangan bumili ng mga regalo lalo na sa mga Christmas Party at reunion na pupuntahan. Marami rin mga Christmas Party at reunion na pupuntahan. Minsan hindi mo na alam ano uunahin. Yun iba ay nagsasabay sabay pa. May kunwari sale pa, hindi pa rin naman mura ang bilihin. Ang mamahal na ng mga bilihin ngayon. Hindi na sapat ang 1000 pesos para makapaghanda ng maayos para sa Pasko ay Bagong Taon. Kapag reunion, ikaw na rin ang inaasahan magbibigay ng pera at regalo. Kanya kanya rin ang mga taong tingin sa mga cellphone nila kapag reunion. Wala na sa party ang buong atensyon nila, hindi na kagaya ng dati na lahat nada program nakakatutok. Kailangan sumali sa mga laro kasi ano ba gagawin mo doon? Kapag may games, yun mga may trabaho rin ang hinihingan ng pa premyo.


Hindi na rin nakakatuwa ang mga sinasabi ng mga kamag-anak mo sa iyo kapag reunion. Dati ping-uusapan lang ang pag-aaral mo, o kung anong grade ka na ba, hanggang sa naging kung ano ang kukunin mong kurso sa kolehiyo, hanggang sa kung matatapos ka na. Pati na rin ang mo komento nila sa damit mo. Pero simula noong nakapag trabaho ka na, nakakainis na ang mga tanong at sinasabi nila. "Bakit ang taba mo ngayon?" o "May boypren ka na ba ngayon?". Mas lalo na noong nagsimula na silang magtanong nang, "kailan ka na mag-aasawa" o ano naman kaya ay, "bakit wala ka pa rin asawa?" Sa dami nilang nakakainis na comment na nakakababa ng self-esteem ay mas gugustuhin mo nang hindi na sila makita.


Mayroon rin mga batang sasabihin mag carolling daw sila pero hindi naman inaayos at tinatapos ang mga kanta. Ang matindi pa doon ay inaasahan nila na kapag magbibigay sa kanila ay isa isa silang bibigyan ng pera! Samantalang dati ang mga nag carolling ay maayos ang pagkanta at masaya na sa kahit magkano ang ibigay ng mga kapitbahay. Naabutan ko pa noong 25 centavos hanggang piso lang ang binibigay. Paghahatian pa iyon ng grupo. 


Ikaw, mayroon ka na bang mga kinakainisan kapag dumarating na ang panahon ng Kapaskuhan ngayon?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...