Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2016

Natatakot ka bang Mag-isa?

Marami sa atin ay ayaw mag-isa. Sabi nga ni John Donne, "No man is an Island." Lahat raw tayo parte ng isang malaking populasyon ng mga tao. Ito nga kaya ang dahilan kung bakit ayaw natin mag-isa?  Mayroon sa atin ang natatakot mag-isa sa bahay. Ang iba ay natatakot matulog ng walang kasama habang buhay. Hindi ba mas mabuti nang matulog ng walang kasama kasi tahimik kaysa naman mahirapang matulog dahil humihilik ang katabi mo? Marami sa atin ang ayaw mag-isa lalo na kapag kumakain. Mas gusto natin kumain ng may kasama. Mas masarap raw kasi kumain kapag may kasalo lalo na kung mainit ang chismisan. Malungkot raw kumain mag-isa. Yun iba kapag walang kasabay ay mas pipiliin na lang magutom. Para daw wala silang gana kumain. Noong bata bata pa ako ay ayaw ko rin kumakain mag-isa sa labas. Hinihintay ko ang mga kaibigan ko noong nasa kolehiyo pa ako upang makasabay ko kumain. Ayoko kumain mag-isa noon kasi baka isipin ng mga tao loner ako. Nakakahiya. Ewan ba. Pero noong