Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2026

Paano malalaman kung tapos na ang "papel" ng isang tao sa buhay mo?

Paano nga ba natin malalaman kung hanggang doon na lang sila sa kuwento ng buhay natin? Sa buong buhay natin ay marami tayong nakikilala. Mula pa lang pagkabata natin ay marami tayong nakakasalamuha.   Sa kanilang lahat, ang pamilya ang parating nandyan para sa karamihan. Sila ang mga taong hindi basta-basta natatapos ang papel sa buhay mo, ang mga “constant” sa buhay mo. Pero sa labas ng bahay ay marami pa tayong nakikilala.  Noong bata ka ang ilan sa kanila ay ang: Mga kapitbahay.  Mga kalaro noong bata ka.  Mga kaklase sa pre-school, elementary, at high school.  Sila ang mga kasama sa mga alaala ng pagkabata mo. Sila ang mga saksi sa paglaki mo. Ang mga kasama mo habang marami kang sinusubukan at inaalam. Sila ang mga nakakakilala sa batang wala pa masyadong naiintindihan sa buhay. Ang mga nakilala sa pagkatao mo noong unti-unti ka pa lang ay hinuhubog ng panahon. Depende sa kuwento ng buhay mo ang papel na ginagampanan ng mga taong  ito. Kadikit na...

Paano mo malalaman kung emotionally mature na ang isang tao?

Paano nga ba natin masasabi kung ang isang tao ay emotionally mature na? Sa edad ba? Sa itsura? Paano siya kumilos o magsalita? 1. May Pananagutan / Taking Responsibility Kapag may "pananagutan," hindi ibig sabihin na dapat mayroon siyang pamilyang pinapakain o inaalagan. Pananagutan para sa mga desisyon at mga pagkakamaling nagagawa. Dapat kayang panindigan ang mga ginagawa. Hindi biglang naghuhugas ng kamay o tumatakas para lang manatiling maganda ang imahe natin. Marami kasi na kahit matanda na, mas pinapahalagahan ang sariling reputasyon o kung paano sila makikita ng mga tao kaysa aminin ang katotohanan kapag sila ay may nagawang mali o hindi maganda. Ang iba naman ay naghahanap o gumagawa ng mga masisisi o mga dahilan para lang mawala sa kanila ang responsibilidad sa mga nagawang hindi maganda sa kanilang imahe. Ang emotionally mature na tao ay handang harapin ang ginawa at mula doon ay gagawa ng paraan para ito ay maiayos. Kayang mag-sorry nang hindi napipilitan lang. ...

Takot ka ba sa "Friday the 13th"?

Kailan mo ba unang narinig ang tungkol sa Friday the 13th? Kailan ba ito nadagdag sa dinamiraming pamahiin na nalalaman mo habang lumalaki ka?  Naalala ko noong bata ako bago ko malaman ang tungkol doon ay ordinaryong araw lang ito. Sa loob ng isang taon ay kadalasan may isang ika-13 ng buwan ang natatapat ng biyernes. Minsan ay higit sa isang beses rin.  Para sa ibang kultura, ang numerong 13 ay may dalang kamalasan. Kaya rin marami ang natatakot dito. Lalo na raw ang Friday the 13th. Bakit nga ba sa dinami-raming numero ay ipinalagay na malas ang 13? Bakit hindi ibang numero na lang? Katulad ng paniniwala ng mga Chinese na malas daw ang numerong 4 kasi ibig sabihin raw ay kamatayan. Pero bakit naman kaya biyernes? Pito naman ang araw sa loob ng isang linggo, bakit hindi ibang araw? Monday the 13? Tuesday the 13? Hindi ba maganda pakinggan? Iba iba ang paliwanag nila kung bakit ito ipinalagay na malas na araw. Pero para sa akin, nalaman ko ang tungkol dito ay noong nasa eleme...

Bakit mahirap masunod ang 'New Year's Resolution'?

Bagong Taon na naman, bukod sa inaabangan pasabog na couple reveal ng Dispatch kapag January 1 ay maririnig na naman natin ang New Year's Resolution. Ilang araw makalipas ang mga kasiyahan na kasabay ng pagpapalit ng taon, kamusta na ang pagtupad sa nga 'New Year's resolution' ng mga tao? Marami na ba ang sinabing sa susunod na taon na lang ulit? Bakit nga ba ang hirap panindigan ang New Year's Resolution? Pagpapapayat pagkatapos kumain ng marami ng Pasko at Bagong Taon (pati na rin sa iba't ibang mga Christmas party at reunion sa panahon na ito), pag-iipon o pag-invest ng pera, atbp. Taon taon naman ganyan. Pero karamihan naman ay ilang araw lang ay sumusuko na. Bye New Year's resolution parating na kasi ang Three Kings, Lunar New Year, Valentine's, at sari saring piyesta at okasyon. Sa susunod na lang ako magpapapayat. Sa susunod na lang ako mag exercise kasi busy na ulit pagkatapos ng bakasyon. Sa susunod na lang ako mag-iipon ng pera, kasi may seat s...