Lumaktaw sa pangunahing content

Gaano katagal tumatagal ang sweldo mo?

Para sa iba parang multo ang sweldo. Alam nilang dumarating pero hindi na nila nahahawakan. Dumadaan ang araw ng sweldo na hindi nila nararamdaman ang sweldo. May sweldo pala? Ano ba ang ibig sabihin ng sweldo?

Para sa iba naman ubos na hindi pa dumarating. Kaka cash advance yan. Tumagal naman, kaya lang hindi sa kasalukuyan.

Para sa iba ay parang Cinderella. Hanggang alas-12 lang ng gabi ang sweldo. Kinabukasan ay balik na ulit sa pagka-alipin ang peg. Hindi muling sinisikatan ng araw ang sweldo.

Mayroon iba na mahigit sa isang araw naman ang buhay. Mga dalawa hanggang tatlong araw na sa kanila ang sweldo, sabay pasok ang mga gastos: sa pagkain, pamasahe/pang gas, kuryente, tubig, upa sa bahay/monthly due sa condo, bayarin sa credit card, atbp. Pagkatapos ng lahat ng mga iyon ay taghirap na ulit. Petsa de peligro na agad.

Dati isang beses lang ang sweldo namin sa loob ng isang buwan. Buti na lang buhay pa ang mga magulang ko noon kaya nabubuhay ako kahit na maliit ang sweldo at tuwing 20 ng buwan lang ito. One time big time. Kaya nga talagang mahigpit ang pag budget ko sa sweldo ko. Nagbabaon din ako para may maipon. Nakakapag bigay ako kahit konti sa bahay. Pero mas malaki ang gastos ng mga magulang ko sa akin kaysa naiaambag ko kada buwan. Haha.

Para saan ba dapat ang sweldo? Nagtatrabaho tayo pero parati naman petsa de peligro. Marami lang ba tayong gastos o hindi lang talaga sapat ang sweldo natin para sa mahal ng mga bilihin at gastusin natin? Sadyang magastos lang ba tayo? O baka naman, hindi kasi tayo nakikinig noon itinuro sa paaralan ang pag budget ng pera kasi ayaw natin ng math? Ayaw ng math, pero gusto natin ang pera.

Paano pa tayo makakaipon? Maraming budol at scam ngayon. Hindi mo na kailangan lumabas ng bahay para ikaw ay mabiktima ng mga ito.

Paano ba lalaki ang sweldo? Mayroon bang pampa-alsa ng sweldo? Extender kaya? Parang sa pagluluto lang. Hay, sweldo. Sana ay humaba ang paglagi mo sa ATM o bulsa namin. Ganito daw ang mga millenial. Ang nga underpaid overworked generation.

Kapag mas malaki ang sweldo, mas malaki rin ang gastos. Pero sana nakakaipon rin sila. Siguro hindi uso sa kanila ang tipid mode at hindi naman parte ng bokubolaryo nila ang "petsa de peligro". Sa ating mga nasa laylayan lang daw uso iyon.

Hindi pa nga malaki ang sweldo, iniisip na agad ano ang pwedeng gastusan kapag lumaki na ang sweldo. Haha.

Ikaw, gaano katagal tumatagal ang sweldo mo?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...