Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2016

Totoo bang "Love is 'Smell-Blind'"?

Sabi nila kapag ang isang magandang babae ay nagmahal ng pangit na lalaki o ang isang gwapong lalaki nagkagusto sa isang pangit na babae, "love is blind" daw kasi. Halos lahat ng tao ay hindi maintindihan kung ano ang nakita nung magandang babae o gwapong lalaki.  Nagugulat ang mga tao.  Ano ba yan?!   Hindi sila bagay! Maganda/gwapo pa ako diyan eh! Hindi kaya ginayuma siya? O baka naman mayaman yun kahit pangit. Malay mo naman "true love"...   Pero paano kapag ang isang babae/lalaki na naliligo araw araw ay magkagusto sa taong hindi gaano malinis sa katawan? Alam mo yun kahit anong mangyari ay ginugusto pa rin niya kahit alam niyang hindi naglilinis ng katawan. Anong itatawag doon: "love is 'smell-blind'" ? Inaamin ko na sensitibo ang pang amoy ko. Ayokong paulit-ulit ang amoy ko. Ayokong naamoy ko ang sarili ko. Kaya nga nakakatawang isipin na kahit anong sensitibo ng pang amoy ko ay minsan ko nang hindi pinansin ito. Yun tipong &q