Isang hapon bago matapos ang ikalawang semester noong ikalawang taon ko sa kolehiyo ay sumama sa aming klase ang mga nasa ikatlong taon na kapareho namin ng major para sa botohan ng opisyal ng organisasyon ng aming major sa susunod na academic year. Doon pinakilala sa akin ng isa kong kaibigan na kaklase niya. Siya si Mr. Fish Ball. Lagi siyang makikitang nakatambay sa may likuran ng school namin noon. Semi-kalbo ang hairdo niya, at dahil may dating sa akin ang mga walang buhok kaysa sobra ang buhok noon ay napansin ko siya. Kaya Fish Ball ay hindi lang dahil ang tambayan nila sa may likuran ng school namin ay may mga nagtitinda ng Fish Ball pero iyon ang itinawag ko sa kanya dahil sa ulo niya na wala halos buhok. Siya kasi ang naaalala ko sa isang nabasa ko noon na ang mga kalbo raw ay hindi pwedeng sabay-sabay na magswimming sa pool kasi para daw nagluluto ng fish ball. hehe.
Ok naman siya naisip ko. Biglang tukso naman ng isang kaibigan ko na kaklase niya sa amin, "Yiheeee". Wala siyang nasabi, binirahan na lang niya ng talikod sa amin. At siyempre ang classic reaction ko: DEADMA. Kunwari hindi ko na-gets na tinutukso niya kami. Una siya sa akin ng isang taon pero magkasing edad lang kami. Wala ako masyadong kuwento tungkol sa kanya kasi mabilis ko naman siya nakalimutan. Ang taray noh! haha
Ok naman siya naisip ko. Biglang tukso naman ng isang kaibigan ko na kaklase niya sa amin, "Yiheeee". Wala siyang nasabi, binirahan na lang niya ng talikod sa amin. At siyempre ang classic reaction ko: DEADMA. Kunwari hindi ko na-gets na tinutukso niya kami. Una siya sa akin ng isang taon pero magkasing edad lang kami. Wala ako masyadong kuwento tungkol sa kanya kasi mabilis ko naman siya nakalimutan. Ang taray noh! haha
Natatandaan ko kasi nalaman ng mga kaklase ko na gusto ko siya kaya parati nila akong niloloko. Lalo na kapag sumisilip siya sa klase namin. Minsan mayroon siyang mga kaibigan na kaklase ko sa isang subject. Nanghihiram sila ng mga notes ko bago mag exam. Kinontrata pa ako ng isa sa kanila na pakopyahin siya sa exam namin! Sinabi ko, "grabe ah, may kapalit na ito…" Sabay ngiti sa kanya. Sa loob loob ko, date with Mr. Fish Ball ang ibayad mo sa akin. haha. Pero hindi ko sinabi siyempre, dalagang Pilipina ang drama e. haha. Napansin ata ng propesor namin na balak niyang kumopya sa akin kaya nilipat siya ng upuan bago pa magsimula ang exam namin.
Pero pagkalipas ng ilang buwan ay nalaman namin na nagkaroon na siya ng girlfriend. Hindi naman siguro ako katulad ng bida sa Good Luck Chuck na nagkakaroon ng relasyon na nagiging masaya ang ending ang lahat ng nagugustuhan niya. Pero pangalawang pagkakataon na ito. Natawa nga ako kay Mr. Clean kasi minsan tinanong niya ako kung mas maganda raw ba sa akin ang girlfriend ni Mr. Fish Ball. Ibig sabihin ba maganda ako para sa kanya? haha
Mabilis ko rin naman nakalimutan si Mr. Fish Ball noong napunta ako sa ibang bansa para mag-aral ng ilang buwan. Maraming umagaw ng atensyon ko kaya mabilis siyang napalitan sa isip ko. Pagbalik ko galing sa ibang bansa para sa huling taon ko sa kolehiyo ay naka-graduate na siya kaya wala na talaga siya para sa akin.
Minsan noong nagtatrabaho na ako ay nagkita kami ng mga kaibigan ko sa isang mall. Biglang nagsabi ang kaibigan ko na halos nakasalubong namin si Mr. Fish Ball pero hindi ko naman talaga nakita. Malabo mata, sorry! Pero ayos lang walang kaso sa akin. Hindi naman mahalaga. Taray!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento