Tanong sa Inquirer, paano ba malalaman kung sumakses ang isang tao? Ano ba raw ang mga sign na sumakses niya?
Career/Karir.
Iniisip kasi natin na susi sa pag-unlad ang magandang trabaho, kasi malaki rin ang sweldo. Pero hindi lahat ng magandang pakinggan na trabaho ay maganda rin ang kondisyon. Kadalasan mukha lang maganda ang trabaho pero hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng isang tao para kumita lang ng pera. Mas malaking sweldo, mas malaki ang tax. Mas malaki ang tax, malaki ang mapupunta sa korupsyon. Mayroon iba na akala mo sila ang may-ari o boss kung makapag post tungkol sa trabaho. Sakses diba?
Kumakain sa mga mamahalin resto.
Ito ang pinaka madalas na post ng mga tao. Iyon bang kumakain sila sa mga mamahalin restaurant. Minsan wala naman sa mahal ng restaurant ang dapat na hinahabol ng mga tao, iyon totoong masarap. Akalain niyo ba na mayroon mga kainan na higit sampung beses ata ang halaga kung ihahambing sa ibang kainan. Pero, dahil sakses naman sila, wala lang kung doon sila kumain. Barya lang daw nila iyon. Kayamanan na ng mga ordinaryong manggagawa. Hay.
Travel Junkie.
Ang iba akala mo sa airport na tumitira sa dalas ng post na nasa biyahe sila. Sabi nila kapag parating nagbibiyahe, masasabi raw na sumakses na ang isang tao. Hindi ba depende sa pinupuntahan? Kung saan tumitira? Ano ang kinakain o binibili? Kahit gaano rin naman kamahal ang mga tinitigilan na hotel, pagkain na kinakain o mga binibili, hindi naman natin alam kung paano siya nakarating doon? Alam ba natin kung nabayaran niya ang mga iyon ng cash o kung utang lang naman ang mga iyon. Paano kung libre lang siya ng mayaman na kakilala niya o dahil iyon sa trabaho niya? Sakses agad?
Mayroon mga luxury gamit.
Grabe ang iba kung makapagpost tungkol sa mga luxury na gamit. Nakakahiya naman sa mga taong walang makain, samantalang sila sweldo na ng isang ordinaryong manggagawa ang halaga ng mga gamit nila. Sabagay mayroon naman na iba utang lang naman ang mga luxury na gamit. Yun iba second hand, masabi lang na mayroon. Mahirap magkaroon ng mga luxury na gamit kasi mahal din ang pag maintain ng mga ito. Ang iba kailangan pa ng insurance. Masakit kapag masira o magka damage. Pero sabagay ang tunay na sumakses sa buhay ay yun hindi nanghihinayang sa mga ito dahil madali naman itong palitan para sa kanila.
(Mamahaling) Kotse.
Kapag mayroon raw sariling kotse ay masasabi na sumaskses na sa buhay ang isang tao. Biruin mo sa hirap mag commute sa Pilipinas at sa mahal ng gasolina, aba, sakses talaga kapag may sariling kotse ka. Hindi lang mahal ang kotse, mahal rin ang pag maintain ng isang sasakyan. Mas mataas na halaga ng sasakyan, mas malaki rin ang kinakailangan halaga para mag maintain nito. Mas mahal rin ang insurance. Tapos idadaan mo lang sa mga sira-sirang daan sa Pilipinas? Ano naman kaya ay kakatukin ka ng mga nasa kalsada. Mas mainit rin sa mga mata ng mga magnanakaw ang sasakyan mo.
Bahay + Mayroon latest appliance sa bahay at mga gadget.
Malaking bahay? Condo? Ang mahal ng upa sa Metro Manila kaya dapat may sarili kang bahay. Bago ka pa magkaroon ng maayos na bahay ay talaga naman magbabayad ka. Kung mayroon bahay na maganda, dapat latest rin ang mga appliance. Gadget naman dapat latest rin. Lahat ng mga miyembro ng pamilya dapat mayroon rin. Lahat ng ito, sana hindi inutang. Sana full/straight payment lahat o cash. Iyon ang sakses.
Pero ang pagkain, nauubos, nasisira. Ang travel, natatapos (back to reality na). Ang luxury na gamit, kotse, bahay, gadget, appliance atbp. ay naluluma, nasisira. Lahat ng mga ito ay panandalian lang. Ang trabaho, maaari kang ma promote, mabayaran ng sweldo at benefits, pero sana hindi kasama ang prinsipyo at dignidad sa mga nawawala sa ngalan ng pera.
Masayang buhay kaya? Paano mo ba malalaman na sumakses at masaya sa buhay? Paano ba magiging masaya sa buhay? Paano ba sumakses sa buhay?
Ikaw, paano mo ba masusukat ang sakses ng isang tao?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento