Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. D-reamboy (ulit) at Si Mr. Clean


Panahon ng mga laban nila sa UAAP kaya minsan ay hindi siya nakakapasok ng klase. Pero kapag pumapasok naman siya ay sumasagot siya sa klase kaya natutuwa sa kanya ang propesor namin. Dumating ang mga huling buwan ng semester ay pinasa ko ang isang portfolio na pinaghirapan ko para sa isang subject na naiwan ko noong umalis ko para mag-aral sa ibang bansa. Natuwa ako dahil para sa akin ay maganda ang kinalabasan ng paghihirap ko. Kaya naman pumasok ako ng klase namin na masaya rin. Dahil masaya nga ako ay nagkuwento pa ako tungkol sa mga magulang ko sa klase. Ang hindi ko alam ay habang nagsasalita ako ay pinag-uusapan pala nila ako ng katabi niya. 

Maya-maya lang ay siya naman ang nagtaas ng kamay. Bago siya bigyan ng pagkakataon ng propesor namin na sumagot ay tinanong siya nito, "Iho, maitanong ko lang, may girlfriend ka ba?" Siyempre mga chismosa at chismoso lang kami tumahimik kami para marinig ang sagot niya. "Wala po." "Bakit naman?" Agad na tanong ng propesor namin sa kanya. "Pag-aaral po muna," sabi niya sabay ngiti. Napatingin siya sa lugar namin para siguro makita ang reaksyon namin. Parang hindi kami naniniwala sa kanya. Alam kasi namin ang dahil isa siyang manlalaro ng basketball ng unibersidad namin ay siguradong hindi siya nawawalan ng nobya. Sigurado kaming maraming babae ang nagkakagusto sa kanila pero ang nobya niya ang siguradong maganda. 

Hindi ko alam bakit ako biglang nagsalita. Siguro masaya lang talaga ako. "Nakuuuuu, ganyan din ang sinasabi namin parati ni (pangalan ng kaibigan ko). Diba (pangalan ng kaibigan ko)?" Naghanap pa ako ng karamay. Ngumiti lang ang kaibigan ko sa sinabi ko pero hindi na siya nagsalita. Kami kasi ang parehong walang boyfriend sa klase. Sinasabi na lang namin pag-aaral ang prioridad namin kaya hindi na namin naasikaso iyon. Nabawi naman ito ng kaibigan kong iyon dahil bago matapos ang semester na iyon ay nakahanap na siya ng "special someone" na itinatanggi na niya ngayon. haha. 

Balik tayo sa gabing iyon. Pagkasabi ko ay napansin kong nabigla siya. Halata ang pagka-gulat niya sa mukha ni Mr. D-reamboy. Hindi siya makapagsalita. 

Ang ikinagulat naming lahat ay ang biglang salita ng katabi niya. Nais ata niyang iligtas ang katabi niya na hindi makapagsalita. Napansin siguro niya na nagulat si Mr. D-reamboy sa komento ko kaya sinabi niya, "bakit, masipag rin naman siyang mag-aral ah. Tsaka sabi nga niya maganda ka raw at pang wife material…." Ngunit hindi nakatulong na makapagsalita upang maipagtanggo ang sarili ni Mr. D-reamboy ang pahayag ng katabi niya. Lalo lang natigilan si Mr. D-reamboy. Lalo siyang hindi makapagsalita habang nanatiling nakatayo. 

Ayoko pa rin magfeeling kaya humirit ako na katulad ng pagsakay ko sa mga kaklase kong lalaki tuwing niloloko ako, "ah talaga? Thanks! haha" Sabay harap sa propesor namin at talikod sa kanya pinipilt kong deadmahin ang pangyayari. Natawa rin ata ang mga kaklase ko. Narinig ko si Mr. Clean sa tabi ko na tumatawa. Inisip ko na doon na matatapos ang usapang iyon at makakabalik na kami sa orihinal na diskusyon sa klase namin.  

Sabay salita ni Mr. Clean na nakaupo sa tabi ko noon na, "sorry ka na lang may bumabakuran na dito." "Naku, 'di totoo yun!" Sabi ko kay Mr. D-reamboy. Sa loob-loob ko, "bad trip. panira naman ito. kung may gusto sa akin iyon eh 'di nawalan na ng pag-asa iyon. Wala naman talaga kaming opisyal na relasyon ni Mr. Frie-lirt!" Sinundan pa ng bestfriend ko na, "oo nga malapit na yan." Na dinagdagan pa ng isa pang kaklase kong babae, "foreigner pa." Agad akong humarap kay Mr. D-reamboy at sinabing, "'wag ka maniwala sa kanila. Hindi totoo ang sinasabi nila." Hindi siya nagsasalita. Binalik ko ang tingin ko sa propesor namin para bumalik sa diskusyon ang klase. Biglang nagsalita ang propesor namin, "bakit, foreigner rin naman si Mr. D-reamboy ah! Tignan niyo nga 'yan. Kapag nanonood nga kami ng laro nila sa TV halatang may dugong foreigner yan."

"Mam, hindi po totoo ang sinasabi nila! Wala po talaga, promise!" Sabi ko. Ayaw naman akong suportahan ng mga kaibigan ko at mga kaklase ko. Mga lokong iyon nilaglag ako. 

Sinubukan na ibalik sa diskusyon ng propesor ang klase namin. Tinanong niya ng orihinal niyang tanong si Mr. D-reamboy bago niya ito tinawag. Pero hindi na talaga makapagsalita si Mr. D-reamboy. Umiling na lang ito. Pinaupo na lang siya ng propesor namin. Noong gabing iyon pakiramdam ko ang haba ng buhok ko bigla. Sa dami ng babaeng ang laki ng ganda sa akin napansin niya pala ako. (Sabi ko ganda ha, period!) Unti-unti rin kasing mas napapansin si Mr. D-reamboy sa unibersidad dahil magaling siya mag 3-point shot at hindi rin naman masama ang itsura niya. Mabait rin naman siya sa mga tao kahit hindi niya close. Pero higit sa tingin niyang 'maganda' raw ako ay ang komentong 'wife material' raw ako ang talagang nagpahaba ng buhok ko bigla. Alam kong hindi lang siya ang unang lalaking nagsabi na ganoon raw ako. Hindi ko alam kung bakit nila naisip iyon sa akin. Mukha pala akong pinapakasalan, hindi lang girlfriend. Pero naisip ko paano kaya si Mr. Frie-lirt? Medyo naguguluhan ako.

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...