Lumaktaw sa pangunahing content

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta. 

Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay. 

Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang theme park doon. Habang sumasakit ang ulo ay paulit-ulit kong naririnig ang kanta ng park. Naiinis ako sa tuwing naririnig ko iyon. Ang masama ay bago kami umalis ay bigla naming narinig ang isang bata na na-LSS ng kanta ng park. Asar! 

Maraming kanta ang nakaka-LSS. Nakaka-LSS sa masa ang mga katulad ng Otso Otso, Bulaklak, at iba pang kanta na sinasayaw kasama na ang mga kantang banyaga (Gangnam Style, Gentleman) na kahit hindi naiintindihan ay naalala pa rin natin. 

Mga kanta tuwing pasko na kadalasang nakaka-LSS sa atin ay mga kanta ni Jose Mari Chan (lalo na ang Christmas in Our Hearts), Ang Pasko ay Sumapit, pati na rin mga kanta ng ABSCBN. 

Mga kanta sa commercial rin ang madalas na tumatatak sa atin. Ang lakas maka-LSS ng mga ito lalo na sa mga bata. Parang may glue ang TV kapag commercial na ang pinapakita. Hindi maialis ng mg bata ang mga mata nila. 

Ang nakakainis na LSS ay ang hindi ka na LSS dahil ayaw mo ang kanta, ngunit na LSS naman ang mga tao sa paligid at pinauulit-ulit ang mga kanta na ayaw mong marinig. Parang isang madilim na anino na sumusunod sa iyo. 

Ginagamit rin ng mga kumakandidato ang pagkaka-LSS ng mga tao tuwing malapit na ang eleksyon. Sari-saring jingle na pilit mo mang pigilan na huwag marinig ay sumusuot pa rin sa tainga mo. 

Isa pang naka LSS sa akin ay ang mga voice recording sa mga hotline, lalo na ng mga bangko at airline companies. Sa tagal mo naka-hold ay hindi mo talaga mapipigilan ang hindi ma-LSS sa mga kanta nila. Minsan pati sa panaginip mo maririnig mo pa rin ang mga kanta nila pati ang boses sa voice recording. 

Sa iba parang isang recording na paulit-ulit nilang naririnig sa utak nila ang tunog ng telepono nila, bell, sumasarang pinto, lagitnit sa pag-apak sa sahig, atbp. Malaki rin ang nagagawa ng trabaho o tirahan. Ang iba LSS na sa kanila ang busina ng mga jeep, tunog ng makina ng mga tricycle, sumisigaw na kapitbahay, boses ng nanay tuwing umaga. Para naman sa iba naman huni ng ibon, kahol ng aso, sipol ng hangin ang nakaka-LSS sa kanila. Habang ang iba naman katulad ng mga sundalo at mga nakatira sa mga lugar na may gera ay nakaka-LSS sa kanila ang putok ng baril, pagsabog ng granada, pagbasag ng salamin. Ito ang ilan sa mga tunog na naaalala ng utak natin. 

Depende sa alaala natin sa mga tunog na ito ang dating sa atin ng mga ito. Ang iba ay pag-aalala sa panahon na narinig o naririnig pa natin ang mga tunog na ito. Minsan maganda ang alaala, minsan naman ay hindi. 

Minsan kahit pigilan mo man na maalala ang kanta o tugtog ay maririnig mo pa rin ito sa isip mo. Mayroon bang gamot sa LSS? Siguro parang kapag gusto mong maka-"get over" sa ex mo, makinig ng bagong musika. Iyong malayo sa tunog na naka-LSS sa iyo. Ano naman kaya ay hayaan mo lang ma LSS ka muna. Parang sa showbiz naman yan eh, lilipas rin. 

Pero sa totoo lang, kapag na-LSS ka, hindi ka dapat mainis o maasar. Bakit? Kasi ibig sabihin kapag na-LSS ka ay nakakarinig ka. Ibig sabihin gumagana ang pandinig mo. May mga taong hindi nakakarinig kaya hindi uso sa kanila ang LSS. Mas gusto mo bang hindi nakakarinig para walang LSS o nakakarinig pero may LSS?


Ikaw, na-LSS ka na ba?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...