Dahil Araw ng mga Patay ngayon at mahilig ang mga tao sa nakakatakot, naisip ko: paano kung isang araw ay binisita ka ni kamatayan at sabihin sa iyo na susunduin ka na niya pagkalipas ng 24 oras? Anong gagawin mo kung sinabi sa iyo na 1 araw na lang natitira sa buhay mo?
Gagawin mo na ba ang mga bagay na matagal mo nang gustong gawin? O pag-iisipan mo pa lang ano ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang masulit ang mga huling oras mo sa mundo? Sa lahat ng mga nais mo, ano sa mga ito ang mga uunahin mo? Kaya mo ba magawa lahat sa loob ng 24 na oras?
Kikitain mo na ba o kakausapin ang mga taong mahalaga sa iyo o ang mga taong mayroon kang hindi pa nasasabi?
Kikitain mo na ba o kakausapin ang mga taong mahalaga sa iyo o ang mga taong mayroon kang hindi pa nasasabi?
Mayroon nang mga pelikula tungkol sa ganitong kwento. Yun "Life or Something Like It" (2002) na si Angelina Jolie ang bida ay nalaman niya na 7 araw na lang ang mayroon siya sa mundo. Nakaka distract ang blonde na buhok niya, pero doon sa pelikula ay noong nalaman niya na ilang araw na lang ang panahon niya para mabuhay ay napaisip siya tungkol sa buhay niya. Ginawa niya ang mga gusto niya. Binago niya ang pamamaraan ng pamumuhay niya sa araw araw.
Kailangan ba malaman natin na bilang na lang ang mga araw natin upang gawin ang mga gusto natin sa buhay? Kailangan ba alam natin kailan ang deadline ng buhay natin upang "mabuhay" tayo?
Para sa akin, sa tingin ko una, ma excite na ako. Mas mabuti nang mayroon ka pang ilang oras para magawa ang mga maaaring gawin. Pangalawa, matutuwa ako kasi makikita ko na ang dalawang taong nagmahal sa akin. Ikatlo, ihahanda ko ang mga damit at kung saan ako dapat makita kapag wala na akong buhay. Dapat maayos pa rin ako. haha. San ba mas ok, sa ospital, sa bahay ng kamag-anak para sa magpapalibing sa akin, o dapat ba dumiretso na ako sa funeral parlor para hindi na ako para kunin pa sa bahay?

Wala naman akong pakialam na sa mga maiiwan ko na gamit o materyal na bagay sa buhay ko kasi hindi ko naman sila madadala kung saan ako pupunta. Hindi ako magpapaalam sa mga tao, para suprise! hehe.
Panigurado naman na kapag nawala na ako ay ito ang mga tanong ng mga tao:
1. Paano siya namatay o ano ang ikinamatay niya? (Nakakatawa yun mga tao kung makapagtanong tungkol sa kamatayan ng mga tao, akala mo naman maiiwasan nila ang sarili nilang pagkamatay.)
2. Kailan siya namatay?
3. Saan nakaburol?
4. Kailan ang libing?

Huwag kayo mag-alala yun number 3 and 4, walang ganoon na magaganap. haha. Para hindi niyo na mahusgahan ang itsura ko kung para bang natutulog lang o hindi. Kung maganda ba ang pagka-makeup o hindi. Para hindi na rin mahirapan
Ikaw, ano ang gagawin mo?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento