Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. "Age is just a number?"

Ano ba ang plus or minus mo sa pag ibig (para sa makaka relasyon)? Narinig niyo na siguro yun 'May-December Love Affair'. Minsan madaling natatanggap ng lipunan ang match, pero mas madalas ay parang hindi sila agad naiintindihan. Para bang masama ang pakay ng babae kapag siya ang mas bata sa matanda na mayaman. Habang ang matandang lalaki naman ay iniisip na mahilig sa bata, 'sariwa'. Pero ilan ba talaga ang open sa mga ganito? 

Noong unang chapter, parating malapit sa edad ko ang nagugustuhan ko. Isa siguro ako sa hindi komprtable makakita o makarinig ng tungkol sa isang May-December love affair. Hindi ko sila maintindihan. Pero yun biggest mistake ko noong huling chapter, ay produkto ng isang ganyan. Matanda na ang tatay niya noong pinakasalan ang nanay niya. Hindi lang doble ang edad ng tatay niya sa nanay niya...pero dahil matanda na nga ang tatay niya noon, ay sawa na sa maraming babae ang tatay niya. Matatag na rin ang kabuhayan ng tatay niya bago pa magpakasal kaya naging sobrang komprtable ang buhay nila. Naibigay sa kanila lahat ng nais nila. Pero hindi dahil alam ko ang tungkol dito ay bukas na rin ako sa ganito para sa akin.

Paano ang nangyari?

Isa sa mga bagay na sinabi ko sa sarili ko ay hindi ko na ipagpapaliban ang pag-photography. Matagal ko na kasing gustong gawin ito. Mula noong nakasubok ako gumamit ng camera noong highschool ako ay naisip ko na isa sa mga bagay na gagawin ko kapag nag-retire na ako ay ang mag-photography. Pero katulad ng maraming bagay sa buhay ko matapos ang mga nangyari sa Chapter 1, naging bukas ako sa lahat ng possibilities sa buhay ko. Hindi ko man magawan ng paraan na mahanap ang tamang tao para sa akin ay maaari ko naman gawan ng paraan na mabuhay ng walang pagsisi sa ibang aspeto. Isa na rin ang hindi pag papaliban sa pag pursue ng photography Pati na rin ang pag travel kahit walang kasama o kakilala. 

Dahil sa pagmamahal sa photography ay napasama ako sa isang lugar sa Pilipinas. Konti lang kami. Maliban sa teacher ko ay wala na akong kakilala ko sa grupo na kasama ko. Halos isang linggo ko rin sila kasama. Kung sa dating ako yun ay hindi ko magagawa na sumama sa mga hindi ko kilala. Pero bilang "blank space", go lang ako. 

Tinignan ko ang profile niya. Maganda ang mga kuha niya. Marami rin akong nalaman sa kanya dahil sa mga post niya. Oo na guilty na ako sa pag-stalk. 'Di ba pwedeng 'researcher' lang kasi ako? haha. Kailangan ko malaman e. Sa totoo lang kaya may isang profile picture sa Facebook ko dati ay para sa kanya iyon. Haha. 

Balik muna tayo sa unang araw na nagkakilala kami. Pagsakay namin ng jeep patungo sa una naming pupuntahan ay iniisip ko na sana may maganda akong makuhang mga litrato. Pagtingin ko sa may dulo ng jeep ay napansin ko na ang isang kasama ko ay nakatutok ang compact camera sa akin. Doon ako nakaupo sa likod ng driver. Wala naman akong katabi. kasi hiwa-hiwalay kami ng pwesto ng mga kasama ko. Sa laki ng jeep, bakit naman kami magsisiksikan sa isang lugar? Iniisip ko ako ba ang kinukuhanan niya? Sabay ngumiti ang may hawak ng camera sa akin. Noong napansin ko na nakaharap sa akin ang camera niya, tumingin ako sa malayo sabay buntong hininga kasi naalala ko ang nangyari noong isang workshop ko ng portrait. Hindi ko napansin na ako pala ang kinukuhanan ng litrato noong isang nag-attend ng workshop. Naisip ko parang ang weird naman. Bakit ako? Kaya ganoon din ang naisip ko noong nakita ko ang kasama ko doon sa biyahe. Naisip ko, hanggang dito ba naman may ganito? Bakit ba ako ang kinukuhanan, wala nga akong makeup ngayon?!

Sumunod na araw ay gumising kami ng madaling araw para sa sunrise shoot. Pero napurnada ang balak namin kasi ang lakas ng ulan. Nasabi ko bang Hunyo ito? Kaya hindi nakakapagtaka kung maulan. Dahil hindi kami makakalabas ay nagkwentuhan na lang kami sa gitna ng mga kwarto namin. Nagkwento siya tungkol sa buhay niya. Nabanggit niya ang tungkol sa trabaho niya pati na rin ang divorce niya. Mas nakilala namin siya. Naisip ko, hindi naman pala siya creepy at weird
 
Araw-araw kaming magkakasama. Mula umaga hanggang gabi bago matulog. Mabait naman siya. Maayos rin siya makipag-usap sa amin. Mas nalalalaman ko kung paano siya mag-isip tuwing kumakain kami. Madalas kasi siyang nagkukwento. Napag-usapan din ang pagpunta sa Mt. Pulag para mag shoot. Naikwento ng isang kasama namin na nakapunta na siya. Kinwento niya ang karanasan niya. Sinabi ko sa kanila na sa susunod mag-organize ng lakad doon ay balak kong sumama. Naikwento rin niya na nagpunta raw siya sa El Nido mag-isa. Mayroon raw siyang nakasabay na isang magandang Filipina sa El Nido. Kinihunanan pa nga raw niya ng litrato. Nalaman niya na artista pala iyon. Pagbalik raw ng Manila ay nagkita pa sila dahil binigay niya ang kopya ng mga kuha niya. Kaya lang nung sinabi niya sa amin ang pangalan, nasabi namin na sexy star yun! Sinasabi ko na nga ba iba ang mga tipo nitong si kuya. haha. 
 
Pumunta kami sa isang isla para mag-shoot. Para sa sunrise shoot ay nagpunta kami sa isang tabing dagat. Habang naghihintay ng oras ay nakita namin ang isang grupo ng mga mangingisda na nagtutulong buhatin ang mga bangka. Wala silang mga pantaas kaya kita ang kanilang mga dibdib. Swimmer ang isang kasama ko (habang babaeng bakla naman ako) kaya naman hindi ako nagtataka na sabay naming nasabi habang palapit ang mga mangingisda na “wow, abs”. haha. Akalain mo dapat pala nagbubuhat ng bangka para magkaroon ng magandang abs?! Pagkasabi namin ng kasama ko ay biglang nagsalita si Mr. “Age is Just a Number?” sa amin nang “pagbalik ng Manila magpupunta talaga ako kay Belo para magpa-abs!” Natawa kami sa kanya. "At bakit ka naman kailangan magpa-Belo? Dapat mag-exercise ka! haha" nasabi ko sa kanya. 
 
Pagkatapos ng isang sunset shoot naming sa isang isla ay tinanong niya ako tungkol sa lovelife ko. Haha. Noon pa naman ay kakatapos ko lang ma resolve ang mga nangyari sa unang chapter. Pero ang pinaka huling nangyari lang ang na kwento ko. Ang kwento tungkol kay Mr. To-Sir-With-Love. Hindi ko na kinuwento ang iba, siyempre mahabang usapan pa iyon. 
 
Pagkatapos ng isang sunrise shoot namin sa isa pang isla ay kumain kami ng umagahan. Doon nakita ko kung paano niya ako tinignan habang pinapaliwanag ko sa isang kasama naming na hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi niya. Dahil ang sinasabi niya ay alam na alam ko ipaliwanag sa kanila (Hello, ilang taon ko na iyon pinag-aralan). Napangiti siya sa akin. Pagkatapos noon ay napansin ko na mas pinapansin niya ang mga ginagawa ko. Pinapagalitan na niya ako na hindi raw ako masyado umiinom ng tubig kaya sumasakit ang ulo ko. Ayoko na magpaliwanag pero sa totoo lang masyado kasing mainit ang araw kaya masakit ang ulo ko. Hinahayaan ko na rin siya kuhanan ako ng litrato kahit mukha akong ewan. Magaling din siya mambola na akala mo maganda ka sa kuha kahit hindi naman.
 
Pagbalik namin sa main na isla para mag shoot ulit ay kinukuhanan naman niya ako ng litrato habang kumukuha ako ng litrato. Hindi na siya nahihiyang sabihin sa akin na “ayan, sexy pose”.  Hindi na ako naiinis o iniisip na creepy at weird siya. Natatawa na lang ako sa kanya. Naging magaan na rin ang loob ko sa kanya. Lalo na pareho kami na hilig ang photography. Tinatanong rin niya ako kung ano ang plano ko. Sabi ko balak ko talaga sana magturo sa college doon sa kung saan ako nag-aral ng kolehiyo kaya lang hindi ko alam kung handa na akong sumuong sa baha at trapik sa Manila. Natawa lang siya sa akin.  
 
Noong huling gabi namin doon ay nagpunta kami sa katabing hotel/guesthouse para kumain ng hapunan. Nauna sila doon dahil mayroon pa ako kinuha sa kwarto. Pagpasok ko ng kainan ay nakita ko ang isang kaklase ko noong kolehiyo na palabas. Natawa ako na nagulat dahil maraming kwento sa kanya noon. Pero dahil hindi ko naman siya nagustuhan ay hindi ko iyon nailalagay dito.

Nagkamustahan kami tapos ay nagpicture magkasama at kinuha niya ang number ko. Wala lang sa akin ang lahat. Hello, apat na taon kaming araw-araw magkasama. Hindi kailan man nagustuhan ko ang taong iyon. 
 
Noong umalis na ang kaklase ko ay tinanong ako ng mga kasama ko kung sino raw iyon. Tinutukso nila ako. Sabi pa ni Mr. “Age is just a number?”  sa akin: “nagpa picture ka pa na kasama niya at binigay mo pa ang number mo!” Nagging si kuya? Haha
 
Natatawa ako kasi wala talaga sa akin ang mga nangyari. Pinapaliwanag ko na hindi ko iyon nagustuhan noon, lalo pa ngayon haha. Hanggang sa nasa eroplano na kami ay inuusisa ni Mr. “Age is just a number?” ang kwento tungkol sa kaklase ko. Inuulit niya sa akin ang mga nangyari noong gabi. 
 
Pagdating sa airport sa Manila ay kinuha niya ang mga number ng mga kasama ko maliban sa akin. Nakatingin lang kasi siya pero hindi naman niya sinabi sa akin na pwede ba niya makuha ang number ko kaya hindi ko binigay. Pero naisip ko nakakatuwa siya. Siguro naman tapos na siyang tumingin sa kung sino-sinong babae. 
 
Nag-usap usap kami ng mga kasama ko na magkita ulit. Nagyaya kasi ang isang kasama naming sa bahay nila doon mag-hapunan. Sabi niya gusto raw niya tawagin siyang “kuya”. Sabi ko sa kanya “oo, tatawagin kitang ‘oppa’” haha. Hindi niya kasi alam na pwedeng sa mas matandang kapatid na lalaki siya, pwede rin sa nobyo. Haha. Pero mukhang hindi niya naintindihan. Old school si kuya. Hindi siya updated. Sinabi niya na gusto raw talaga niya ay ang mga babaeng matalino.

Sinabihan ako dati ng isang kaibigan ko noong naikwento ko ang tungkol sa kanya na mag-ingat raw kasi raw “old men can be really funny”. Nakakatawa kasi siya talaga. O siguro bumebenta lang sa akin ang mga joke niya. Bago ang birthday niya ay kasal ng isang kaibigan ko. Kinuha ako maging host, kaya naman nagsuot ako ng maayos at nagpa-make up rin. Siyempre nilagay ko ang picture ko mula sa araw na iyon sa Facebook. Ginawa ko pang profile picture para makita niya. May isa pa rin akong picture na nakapost mula naman sa bridal shower ng kaibigan ko bago siya kinasal para makita niya rin iyon. haha. 
 
Kaya lang....
 
Pagdating ng Setyembre ay birthday niya. Nagpunta siya sa ibang bansa para doon mag celebrate ng birthday niya. 50 na siya. Pero mukha pa naman siya 40s. Kaya lang doon sa mga litrato na pinost niya ay may napansin ako na nagcocomment na isang babae. Nag-rereply naman siya dito. Lalo na ang isang comment nito na "parang masarap yan..." sa post niya na picture ng gelato.  Sabi ba naman niya: "dapat kasi sumama ka kasi dito..." Wow! Ano yun? Anong mayroon?Siyempre inalam ko kung sino ba iyon babaeng iyon. Dito nagagamit ang research skills ko talaga. haha. 

Nalaman ko na dati pala niya na-date ang babaeng iyon. Nagtatrabaho sa ibang bansang katabi ng US. Doon sila nagkakilala habang nasa US pa siya naka-base. Naisip ko baka may nararamdaman pa siya sa babaeng iyon. Doon na lang siya. Ayoko na sa kanya…kaya hindi ko na siya pinansin mula nang malaman ko iyon. Naisip ko na lang, next please!

 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...