Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Fair-e-view

Noong Summer vacation ng 2002 naisip kong mag-enrol para sa review sa college entrance exams kasama ang mga kaklase at kabatch ko. Unang araw namin sa review, paglabas namin ng building para kumain ng tanghalian ay mayroon isang mukhang nangibabaw sa dami ng tao. Siya Si Mr. Fair-e-view. Doon ko siya unang napansin. Parang nag-goglow ang mukha niya habang naglalakad papunta sa direksyon namin. Hindi ko alam lahat kaming magkaklase sa review na babae ay napansin siya. Maganda yun buhok niya parang commercial ng shampoo ang moment na iyon. Para bang tumigil ang mga mundo namin nang makita namin siya. Hay, bakit ba may mga ganito kaguwapong lalaki? Parang panaginip lang. Pero totoo, nag-slow mo ang lahat sa isip namin.

Pagbalik namin sa klasrum ay nag-uusap na ang mga babae tungkol sa kanya. Halos lahat ay gustong malaman ang pangalan ng lalaking iyon. Isa ako sa mga kinilig sa pangitain haha. Inalam ng isa naming kaklase ang pangalan niya. Natuwa naman kami na kaklase niya sa review ang isa namin kaklase sa school. Sinabi namin sa kanya na type namin ang kaklase niya. Sabi niya hindi lang pala kami kami ang nagkakagusto kay Mr. Fair-e-view dahil mayroon kaming isang kabatch na may gusto rin sa kanya. Siya ang dahilan kaya excited kami maglunch at umuwi sa hapon. Siya ang source ng kilig namin sa review nang summer na iyon. 

Isang araw habang nagpapa-cute kami sa labas ng klasrum namin ay nakatambay naman sila ng mga kaibigan niya sa lobby ng building. Siyempre meg-papansin kami sa kanya. Todo project ang mga lola mo sa kanya. Smile kung smile kami sabay tingin kung nakatingin siya sa amin. Nakatingin siya sa amin ng matagal. Siyempre nag-fifeeling na kami na isa sa amin ay gusto niya siguro. Siguro mas maganda kami sa girlfriend niya. Siyempre parepareho kaming nag-iisip na baka kami ang tinitignan niya! Kahit ang bestfriend ko pansin rin na nakatitig siya sa amin. Hindi lang namin masigurado kung bakit siya nakatitig. 

Natapos na ang review ko, hindi ko na siya nakitang muli. Hindi pa nga uso ng Friendster lalo na ang Facebook noon kaya hindi ganoon kadaling magstalk. Hindi ko rin nakuha ang epilyido niya (sinabi ata nila nakalimutan ko lang haha). 

Ilang taon ang lumipas, college na ata ako nang maalala ko ang isang pangyayari sa buhay ko. 1998 school fair namin noong Grade 7 ako. Unang pagkakataon namin na magkaroon ng booth sa fair. Lahat kami hyperactive na manghuli ng mga bisita para pumunta sa booth namin lalo na mga bisita galing sa mga panlalaking paaralan. Oras ng shift namin ng kaibigan ko nang may makita kaming bagong dating na dalawang lalaki. Tamang tama dalawa sila, dalawa kami. Huli! Nahuli ko iyon mas may itsura sa dalawang lalaki, habang ang kaibigan ko ay nahuli ang chubby na kasama ng nahuli ko. Sabay sabay kaming apat na naglakad papunta sa booth namin. Wala akong pakialam sa nahuli ko dahil si Mr. Extra Joss at Mr. Simba-hun ang iniisip ko. Bigla akong kinausap ng nahuli ko. Tinanong niya ang pangalan ko. Nabad trip ako kasi may ID naman ako tinanong pa ang pangalan ko. Sinagot ko naman. Sinabi ko na ang totoo kong pangalan pati na rin ang nickname ko. Sabi niya kapareho ko raw ng pangalan ang kapatid niya. Sabay bulong sa kasama niya. Inisip ko, kung pickup style niya ito hindi effective ha. (feeling eh!)

"Ah ok." Sabi ko. "Ganoon ba? E di para na rin akong sister mo. hehe. Ikaw, anong name mo?"  (Wala na bang mas deadma pa sa sagot ko? Ang bano! Ang pangit!!! Shocks panira talaga...)

Sinabi niya pangalan niya. "____. As in yun pangalan ng isang president natin?"  

"Oo." sagot niya. 

Sa isip ko parang pang matanda naman ang pangalan na iyon. haha. Pero mas pinili kong maging NR na lang pagakatapos niya sabihin iyon. Wala talaga akong pakialam. Gusto ko lang makarating na kami sa booth para maiwan na namin sila at makahuli na kami ng marami pa. Pagdating namin sa booth, tinalikuran ko na siya agad. Hindi ko na alam ano ang nangyari sa kanya pag-alis namin ng kaibigan ko. Basta tuloy ang panghuli namin ng mga bisita. Hindi ko alam na ilang taon ang lilipas at magsisisi ako na hindi ko siya tinrato ng maayos. haha.

Ang moral lesson ng kuwento ay 'wag maging deadma sa mga tao sa present mo! haha. 


--------

Ilang taon ang lumipas mula ng araw na nagkakilala kami sa fair. Naghahanda na kami para mag-apply para sa kolehiyo habang summer bago mag fourth year high school. Sumama ako sa mga kaibigan ko na mag-review sa isang unibersidad ginagawa. Dahil gusto namin matapos agad ang review, pinili namin ang buong araw ang schedule. Matatapos kami sa loob ng dalawang linggo lang. Habang ang ilang kaklase ko ay doon sa kalahating araw lang papas pero apat na linggo. Tuwing hapon lang sila. 

Pagkatapos ng unang session sa umaga, lumabas kaming magkakaibigan para humanap ng kakainan ng tanghalian. Paglabas namin ng building ay sabay sabay na rin ang lahat ng nag-rereview. Galing kaming lahat sa iba't ibang paaralan sa Metro Manila. Sa karamihan ng taong naglalakad papalayo ng building ay mayroon mga ilan na papasok naman. Doon namin nakite ang isang matangkad na lalaki. Para siyang lumulutang sa gitna ng mga ulo ng tao. Maliwanag ang mucka niya na parang may sariling spotlight galing sa araw. Makakasalubong namin siya. Hindi ko alam lahat pala kami ay napansin siya. Ang guwapo!

Pagbalik namin ng building ay nandoon sa sala ang guwapong nakita namin noong bago kami kumain. Parating ganoon ang eksena pagkatapos ng tanghalian namin. Excited kami bumalik ng building kasi alam namin na nakatambay doon sa sala ang guwapong lalaki. Sino kaya siya? Kahit mga kaklase namin sa review ay pinag-uusapan siya ilang araw na. 

Isang araw pagkatapos ng tanghalian, habang naghihintay kami magsimula ang panghapon na session ay tinawag kami ng dalawang kaklase ko (galing sa high school ko). Nasa ibang schedule sila. Yun isa ay kaklase nung guwapong lalaki. 

Habang kausap namin sila ay kami ang nakaharap sa sala kung saan nakatambay ang guwapong lalaking crush namin lahat. Doon ko lang siya natignan ng mas matagal. Siyempre habang nag-uusap kaming magkakaklase ay sabay na ang pagpapa-cute namin kay crush. 

Nakita ko nakatingin siya sa amin. Nakita rin pala ng kaibigan ko. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa amin. Doon ko naisip, kilala ko ba siya? Parang familiar siya...

Hanggang sa sinabi ng kaklase ko na kaklase ni crush ang pangalan niya. Hindi ako makapaniwala. Si Mr. Fair-e-view pala iyon! Grabe, guwapo na siya dati, pero mas guwapo siya ngayon naisip ko. Sino ba ang mag-aakalang magkikita pa kami ulit? Hindi ko alam kung nakilala niya ako pero hindi niya talaga inaalis ang tingin niya. Pagkakataon nga naman. Pero hindi rin nagtagal ay nalaman namin na may girlfriend na siya noon panahon na iyon. Kaya noong matapos na ang review namin, bye! Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko matandaan ang buong pangalan niya. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...