Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2022

Bakit ba masyadong binibigyan ng halaga ang ‘Bagong Taon’?

Bagong taon na naman, may bago ba ngayon bagong taon?  Naaalala ko dati noong wala pang Facebook at Twitter, ay uso ang mga unlitext lalo kapag Pasko at Bagong taon. Para hindi sayang ang unlitext ay send to all ang ginagawa ng mga tao. Pare parehong pagbati para sa pasko at bagong taon.    Sa ngayon ay halos sa social media na lang bumabati ang mga tao. Konti na lang ang nagpapadala ng mga mensahe para bumati. Madalas pa sa kanila ay generic ang pagbati. Nakakatawa yun mga bumabati sa akin ng may kasunod na ‘to you and your family’ kasi wala na naman akong pamilya. (parang yun mga nambabati ng happy mother’s day or father’s day kahit wala na ang mga magulang ko)   Tuwing bagong taon ay nagdiriwang ang mga tao. Mayroon pang countdown bago mag alos-12 ng hating gabi. Minsan wala pang alas-12 ay may mga atribido nang nagpapa-putok. MInsan nga hindi pa ika-31 ng Disyembre nagpapa putok na! Hindi mo alam kung marami lang ba silang paputok, marami ba silang pera pambili o sadyang iba lang a