Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Simba-hun



Siya ang una kong nakita isang beses na nagsimba kami ng pinsan ko. Anak siya ng bestfriend ni mommy. Pagkakataon talaga. Di ko alam ngkikita pala kami nung bata kami kasi nga mgkaibigan pamilya namin. Mababait ang mga magulang niya at gwapo siya. Naging crush ko siya hanggang high school ako. Di ko alam ay mgkaibigan pala sila ni Mr. Extra Joss at ka batch siya nung high school ng kapatid ng kaibigan ko. Dati excited ako mgsimba ng alas 8 ng umaga kasi ganung oras sila madalas magsimba ng pamilya niya.

Nagpupunta sila sa amin. Dumating ang pagkakataon noong first year high school ako na pinag-usap kami ng mga pinsan ko. Binyag ata o birthday ng pamangkin niya. Nakatingin sa amin ang lahat. At ang tatay ko siyempre lumapit ba naman at kunwari nagbubukas ng sasakyan malapit sa amin. Ang isang tita ko naman ngreact na bata pa daw ako. Moment iyon. 

Crush ko si Mr. Extra Joss pero crush ko rin si Mr. Simba-hun. 'Di komplikado iyon. Bata pa ako eh. Sabi nga diba, collect and collect then select! At sa totoo lang, crush lang naman eh. 'Di ko nga alam ano tingin niya sa akin. 'Di ko nga alam kung ano iniisip niya sa akin noong panahon na iyon. 

Dumating yun panahon na iyon magulang lang niya nakakausap ko. Parang ang perfect ng kuwento. Kaya hindi pwede. 

Nanood pa ako dati ng basketball games niya kahit parati silang talo. Nandoon siya eh. Iyon ang pagkakataon kong makita siya. Kahit mega display ako doon ay hindi rin naging more than just magkakilala ang kuwento namin.  

Bakit di pwedeng maging simple ang buhay ko, gusto ko siya, gusto niya ako? Maraming nakakaalam sa mga pinsan ko na gusto ko siya. Pero naman, inaaasahan na bigyan naman nila ako ng kahihiyan. Isang beses nalaman kong naikwento ng isang anak ng pinsan ko sa taga-laba nila na taga-laba rin pala nila Mr. Simba-hun.  At ang mabuting taga-laba naman ay sinabi sa kanya! Nakakahiya!!! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. 

Nagbukas ng tindahan ng school supplies at panregalo ang isang tita ko isang bakasyon. Dahil nga nasa bahay lang kami ay tumulong kami sa pagtitinda. Isang hapon nagpunta si Mr. Simba-hun para bumili ng pambalot ng regalo. Di ko alam anong gagawin ko. Lumabas ako. Nahihiya akong humarap sa kanya na alam kong alam niyang may gusto ako sa kanya. Hinintay kong makaalis siya bago ako bumalik. Malay ko bang pwede naman pala akong maging deadma! Nauna pagiging conscious ko eh, dyahe!

Lumipas ang panahon, naging mas gusto ko na si Mr. Extra Joss kaysa kanya. Nakikita ko si Mr. Simba-hun pagkatapos noon pero nababawasan ang pagkagusto ko sa kanya. Nag-iba ang nararamdaman ko sa ka niya. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Natatawa na lang ako tuwing nakikita ko ang pamilya niya. Minsan nakapunta ako sa bahay nila para sa 40 days ata ng tatay niya noong isang taon. Sabi ng mommy niya naroon daw siya sa itaas kasama ang girlfriend niya. Eh ano naman? Wala naman effect sa akin. haha. Parati rin akong tinutukso ng isang katrabaho ko sa kanya tuwing nakikita ang pamangkin niya. Wala na talagang effect sa akin kahit ilang beses pa niya sabihin sa harap ng nanay ko tungkol doon. Natatawa na lang ako tuwing sinasabi niya yun lalo na kapag nakaharap ang nanay ko. Wala na naman sa akin eh. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noong buhay siya?

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang t