Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2015

Pagod Ka Na Bang Maging "Bitter"?

Pagod ka na bang maging "Bitter"? "Bitter" ka ba? Aminin na. Minsan parang alcoholism ang pagiging bitter, ang hirap aminin. Ang pagiging "bitter" parang "butter" may expiration. Matutunaw ka pag biglang nag-like sa post mo o nagparamdam ang nagustuhan mo na hindi ka naman gusto. Aasa ka na naman. Ngunit kapag nagsimula ka naman kumagat sa paasa niya, madagdagan lang ang galit mo sa kanya na parang nagdadagdag ka ng cholesterol sa puso mo sabay inom ng malamig na beer. In short, pinapatay mo ang sarili mo ng dahan dahan. Life is short para maging bitter habang buhay. Marami nang martir ang iba ginawa nang Santo at Santa, pero sila naging martir hindi dahil nagpakatanga sa love life. Kaya kung puwede lang, bigyan mo ng deadline ang pagiging bitter mo. Hindi dapat applicable ang "forever" sa pagiging bitter. Or else, mamatay kang bitter may love life ka man o hindi.  Hindi masamang ma heartbroken kahit hindi naging kayo ng gusto