Dahil fan ako ng Back to the Future at The Big Bang Theory...isa pa, parati na lang ba na iba ang susulatan? Bakit hindi naman ang sarili? Haha. Kaya heto. Kung makakausap ko ang sarili ko noong 10 years old pa lang ko sa pamamagitan ng isang sulat...
Dear Young Self,
Kumusta ka na ngayon?
So makalipas ang ilang dekada ng buhay natin, heto ako nagsusulat para sa iyo. Ilang taon na rin mula nang nawala ka na sa kalendaryo, pero pasok pa rin naman ang edad mo sa bingo at kaya pang umakyat ng mataas na mga hagdan.
Natandaan mo yun 7th birthday mo? Tapos noong sumunod na taon ay wala na halos handa?naubos na kasi noong 7th birthday mo. Haha. Ngayon taon, huwag ka mag aalala kasi wala ulit. Huwag ka rin mangarap na mag birthday sa McDonald's o Jollibee, hindi mangyayari iyon. Isa pa, maaari naman kumain doon kahit hindi birthday. Ikaw na mismo ang tatanggi. Haha. Sa totoo lang mula ng 7th birthday mo, hindi ka na muling mag cecelebrate niyan. Dahil ikaw na mismo yun ayaw.
Pagdating ng 18th birthday mo, pipilitin ka nilang mag celebrate. May pa surprise pa sila. Magpanggap ka na lang na natutuwa ka doon. Isang gabi lang naman iyon. Tiisin mo na lang. Yun araw na pinakasusuklaman mo sa buong buhay mo ay kinasusuklaman mo rin. Taon taon rin itong pinapaalala sa iyo, may babati pa ng 'happy', kahit hindi naman ito dapat tinatawag na masayang araw para sa iyo. Huwag ka mag alala, wala pa rin makakaintindi sa iyo.
Hindi ko mataandaan kung ano ang nangyari at imbes na excited ka dumating ang araw na iyon ay naiinis ka lang. Ayaw mo na magpapalit na naman ang edad mo? O ayaw mo lang ang ideya na buhay ka pa rin makalipas ang xx # of years? Akalain mo yun? Buhay ka pa rin kahit bata ka pa lang ay hinihintay mo na lang ang katapusan mo. Yun wish at prayer mo na kunin ka ni Lord, mukhang hindi niya naririnig. Huwag ka rin mag aalala kasi patience is a virtue. Wait ka lang, darating din ang panahon mo. Ito nga o nagsusulat ako para sa iyo para alam mo na hindi ka pa rin kinukuha ni Lord hanggang ngayon. Kadiri diba?
Habang naghihintay ay namnamin mo ang bawat minuto na kasama sila mommy at daddy. Ang dalawang taong tunay na naging masaya sa araw na pinakasusuklaman mo. Iiwan ka nila 5 taon bago ko maisulat ito. Kahit lagi ka pa napapagalitan lalo na ni mommy. Si daddy maghintay ka lang kasi makalipas ang ilang taon ay magiging mas madalas mo na siya kasama. Mas madalas rin kayong mag aaway dahil sa remote control. Kung ngayon si kuya pa lang ang kaagaw mo madalas, pag nag retire na si daddy, dalawa na sila. Haha. Kapag pinapagalitan ka nila, isipin mo lang na dahil sobra ka nilang mahal gusto nila na lumaki ka ng maayos. Gusto rin nila na lagi kang ligtas. Pero kahit na ganun mahal ka nila kaya huwag ka magtatampo sa kanila. Huwag mo rin pagduduhan ang pagmamahal nila sa iyo. Magiging proud rin sila sa iyo. Mapapatunayan mo rin sa kanila na maari ka nilang pagkatiwalaan.
Si kuya parati ka pa rin niya pinapaiyak? Ok lang iyan. Kapag nagka girlfriend na siya hindi ka na niya halos mapapansin kaya hindi ka na niya masyado aasarin. Hindi ka na rin niya maaalala. Siguro nga kinasusuklaman rin niya ang araw na pinakasusuklaman mo, dahil sa araw na iyon ay hindi lang siya nagkaroon ng kaagaw sa atensyon at pagmamahal nila mommy at daddy, pati na rin sa kung ano ang maiiwan nila. At least sigurado ka na dalawa naman kayong kinasusuklaman ang araw na pinanganak ka. Apir kayo! Haha. Sa totoo lang, mas maayos ang buhay nila kung hindi ka na lang sana nabuhay. Hindi sana sila nahirapan na palakihin ka pa. Hindi naman pwedeng ipamana sa iyo ang mga gamit ng kapatid mo. Kaya kinailangan pa nila ng gamit na pambabae para lang sa iyo. Kahit hindi ka naman mukhang babae. Sayang din ano? Nakaligtas ka na sana mula sa makasalanang mundong ito, nabuhay ka pa. Iyon iyak mo noong binuhay ka nila pagkapanganak ay hindi iyak ng pagka-gulat sa mundo, pero iyak na patuloy mong gagawin habang nabubuhay ka pa.
Huwag mo rin pansinin ang mga nanunukso sa iyo dahil sa itsura mo. Kapag lumaki ka pa, magiging katanggap tanggao kahit papaano ang itsura mo. Sila na mga nanunukso sa iyo, papangit rin sila kaysa iyo. Totoo yan. Promise! Nakita ko eh. Haha.
Iyon mga kaibigan mo ngayon at lagi mong mga nakakasama, makakalimutan ka nila. Marami ka rin makikilala na iba. Makakalimutan ka rin nila. Lahat naman kapag wala nang kailangan sa iyo iyo ay makakalimutan ka na. Pero ang pinakamahalaga ay ang maging kaibigan mo ang sarili mo. Huwag ka matakot na mag isa. Kasi darating ang panahon na maiiwan ka ng lahat. Magkakaroon sila ng sariling mga buhay at problema.
Yun mga crush mo, kalimutan mo silang lahat. Papangit rin sila. Makikita mo, mandidiri ka sa sarili mo kung bakit mo ba sila nagustuhan. Yuck talaga. Tsaka tigil tigilan mo yan paniniwala sa fairytale, hindi totoo yan! Hindi ka magiging isanh Disney princess at walang prince. Haha. Kung sa pag dating mo ng teenager ay parati ka nanonood ng mga mexican at iba pang Latin American na drama, naku pag napanood mo sila ulit, maiisip mo, ayaw mo pala ng mga ganun. Lalo na yun mhg mabalahibong dibdib haha. Paglaki mo pa ng konti, sa mga korean, japanese, at chinese drama na lang ang pag huhugutan mo ng kilig sa buhay habang naghihintay ng susunod na sweldo. Yun mga gwapo sa japanese anime, huwag mong hanapin sa Japan. Yun mga akala mong gwapo at machong lalaki sa mga drama, naku wala rin ganyan sa totoong buhay. Kung mayroon man ay may asawa na yan o kaya ay gwapong lalaki rin ang hanap.
Isang mahalagang bagay na dapat mong tandaan ay huwag na huwag kang magkakagusto kahit kanino man. Kasi lahat sila ay hindi ka rin naman pipiliin sa huli. Iba iba man ang dahilan nila, pero sa huli pare pareho lang sila na mga sarili nila ang mas pinahalagahan nila. Sa huli ay ikaw lang mag-isa. Kaya huwag mong sayangin ang oras mo sa kahit kanino man. Gamitin mo na lang ito para libangin ang sarili mo habang naghihintay ka na mamaalam sa mundong ito. Tama iyan na hindi ka nagmamadaling tumanda kasi masaya maging bata. Hindi naman ako nagmadali, eto nga minsan isip bata pa rin haha. Mas ok maging bata yun assignments at baon lang ang problema mo. Yun masaya ka na kapag walang pasok. Alagaan ang sarili para di magka wrinkles agad. Hindi mo naman gugustuhin na mag isa ka na, pangit ka pa. Tsaka hindi mo naman gustong mamaalam sa mundong ito na hindi maayos ang itsura mo. Ang diyahe naman nun. Darating din ang araw na iyon, pero sa ngayon habang sinusulat ko ito, ay asa ka pa! Tiis tiis muna sa mundo.
Hanggang dito na lang muna (hay),
Ako pa rin/The Old You.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento