Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2023

Ano ang Kuwento ng Tatay ko?

Si Daddy.  Paano ko ba sisimulan ang kwento tungkol sa tatay ko? Siguro kung sino muna siya?   Si Daddy ay ikalawa sa sampung magkakapatid mula sa isang simpleng pamilya sa Ilocos. Magsasaka ang Lolo Francisco ng kanilang lupa kaya hindi nila problema ang pagkain. Kaya lang kulang sila sa pera upang mapag-aral sila Daddy lahat. Kaya naman noong papasok na siya ng kolehiyo ay tumira siya sa kapatid ni lolo sa Laguna na nagpa-aral sa kanya. Nagloko raw kasi sa pag-aaral ang kuya ni Daddy kaya siya muna ang pinag-aral. Kaya lang pagkatapos ng second year ng college ay kinausap na ng kuya niya ang tiyo nila na gusto na raw nitong mag-aral ulit. Kaya lang isa lang pwedeng pag-aralin ng tiyo nila. Bilang ang tatay ko ay mapagbigay sa pamilya ay nagbigay siya ng daan. Tumigil na lang siya sa pag-aaral at nagtrabaho sa talyer. Natutunan niyang magdrive at magkumpuni ng mga sasakyan.    Kinumbinsi ang tatay ko ng isang kamag-anak nila na mag-apply sa US Navy. Kaya lang noong huling interview ra