Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2024

Anong New Year’s Resolution mo?

2024 na. Balik na sa normal ang mga tao. Ano naman ang “new year’s resolution” mo? Nakakatawa na hindi lang pala sa ating mga Pilipino uso na ang nangunungunang “new year’s resolution” ay ang pagpapapayat. Sabi sa BBC, ito pala talaga ang pangunahing resolution ng mga tao. Pagkatapos lumapang ng bongga nitong holiday season, balak ng mga tao na magbalik-alindog program bago naman daw dumating ang Valentine’s o summer season para ‘beach bod’ na. Pero kaya ba talagang mabawas ang timbang na dinagdag mo sa loob lang ng ilang linggo?   Siyempre iba-iba naman ang mga tao. Mayroon talagang magaling magpapayat. Disiplina, tamang diet, exercise. Kaya nila e. Habang ang iba, este karamihan ay nahihirapan dito. Paano? Akala nila sapat na ang pagpunta sa gym. Mayroon pa akong mga kakilala nagbayad talaga ng membership para daw mapilitan silang pumunta. Ayun, ganun pa rin naman.   Mayroon rin naman akala sa crashed diet, o kapag ginutom mo ang sarili mo, papayat ka na. Kaya lang, marami kasi ilang