Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Look-a-Like




Si Mr. Look-a-Like ay ang naging estudyante ng tutor ko noong second year high school ako. Isang taon lang tanda niya sa akin pero dahil nag Grade 7 ako ay dalawang taon siya nauna sa akin. 

Grade 7 ako unang sinabi sa akin na mayroon daw kamukha si Mr. Simba-hun sa pinapasukan ng pinsan ko. First year siya. Sabi nila sobrang kamukha raw talaga. Syempre, dahil patay na patay pa ako kay Mr. Simba-hun ay na-curious ako. Tinignan ko. Kamukha nga!!! Pero pag nakaharap lang, wala kasi siyang baba kaya pag nakatagilid iba na itsura niya kaysa kay Mr. Simba-hun.  Well, pwede na rin. 
Summer bago ako mag 2nd year, parati kami nagkikita kasi lagi rin siya nakakalat. Lagi naman ako nakadisplay sa tindahan ng tita ko pag umaga at sa tindahan ng kuya ko pag gabi. Parati siya dumadaan sa may tindahan ng tita ko. Hindi ko sure pero feeling ko type niya ako. Kasi lagi siya nakatingin. Doon siya sumasakay sa labas ng tindahan ng tita ko kung saan madalas akong nagbabantay. Minsan nga may mga nakikipagtextmate sa akin. Nakita raw ako sabi ng nagtext. Feeling ko si Mr. Look-a-Like na agad. Yun pala kapareho lang niya ng pinapasukan, pero hindi siya yun. 

Hindi ko matandaan paano nagsimula pero nalaman ko na type niya ako. Sa pinsan ko ata o sa tutor ko sa Math na teacher niya. Nalaman rin ng tutor ko kaya minsan ay sinama niya ako sa trip ng org nila sa bahay ampunan at parke sa Quezon City. Mayroon kami moments. Noong panahon na iyon ay kilig moments iyon. Sa ngayon ay alaala na lang ang mga iyon. Wala na itong halaga para sa akin.   

Pasko ko nalaman na may girlfriend siya na pumapasok sa iskul niya. Kasing edad ko yun babae. Sabi nila siya raw ang may gusto sa kanya at siyang nanligaw. Feeling ko mas maganda ako at mas gusto niya yun nga lang lumapit na ang palay, choosy pa ba siya? 
Ayun, naging sila nga. Siyempre, selos naman ang lola mo. Pasko pa naman. Diyos ko! Malungkot ako. Nag caroling pa sila sa amin. Kumanta siya ng "Pasko na Sinta Ko." Napansin ng kapatid ko na parang may iba. Nakaramdam ang lolo niyo na may something. Pero nandoon yun kalungkutan sa akin. Half hearted lang ang saya na nararamdaman ko kasi alam kong mayroon akong kahati. At ang pinakamasakit doon ay ako ang walang karapatan, dahil hindi ako ang legal wife. haha. 

Natutuwa ako sa atensyon na binibigay niya sa akin noon. Feeling ko ang ganda ko! Feeling eh! haha. Pero napasaya niya talaga ako. Kahit alam kong hindi kami maaaring maging kami dahil bawal akong mag boyfriend ay naging masaya pa rin ako. Naalala ko pa na binigyan niya ako ng pangalan ko gawa sa metal. Pinabigay niya sa tutor ko. Iniisip ko noon na kaya di niya kaya na manligaw ng diretso ay dahil tingin niya sa akin ay mahirap abutin. Naks! Nagfififeeling lang. haha

Noong graduation niya ay binigyan niya ako ng picture niya. Nagulat ako sa nakasulat. Hindi ko alam kung siya talaga ang nagsulat pero nakalagay kasi sa ibaba "Love, (pangalan niya)." Haba ng buhok ko ano. Pero natakot akong may makakita sa picture niya. Baka tanungin ako ng pamilya ko bakit ako may graduation picture niya. 

Pagkatapos ng graduation niya ng high school ay hindi nabalitaan kong nakipaghiwalay siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan, feeling ko lang ako ang dahilan kasi minsan sinusuri ako nung babae. Feeling ko gusto niyang malaman kung sino ba ang ipinagpalit sa kanya. Feeling lang ulit! (ako na ang feelingera. minsan lang naman, tsaka buhay ko ito walang pakialamanan) Binigyan ko rin siya ng greeting card, sinamahan ko pa ng picture ko noong Grade 7 ako. 

Lumipas ang summer vacation di pa rin niya ako nililigawan ng bongga. Medyo natakot ako sa ideya na ibang mundo na ang gagalawan niya sa kolehiyo. Sa Maynila pa naman siya mag-aaral. Inisip ko marami siyang babaeng makikilala sa mundong iyon. Naisip ko rin na kailangan kong maghanda sa kolehiyo. Natakot rin akong hindi ko kayanin magkaroon ng karelasyon. Natakot ako sa sasabihin ng mga magulang ko. Baka pagalitan ako at hindi na nila ako pag-aralin. Baka bumaba grades ko. Ang dami kong iniisip.

Pumasok siya bilang kolehiyo. Ako naman pumasok bilang third year high school. Itinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral ko. Naging assistant head rin ako sa isang committee sa school namin na nasa ilalim ng student council. Sumubok rin along magtraining para maging CAT officer sa susunod na taon, pero sumuko ako bago pa matapos ang training sa dami kong ginagawa ay hindi ko matutukan ang mga kailangang gawin sa COCC. Sa dami kong ginagawa nang panahong iyon ay hindi ko siya halos naiisip. Mas naiisip ko si Mr. Extra Joss. Hindi rin naman siya nakikipag-usap sa loob ng panahong iyon. 

Nakita ko siya isang araw na naglalakad malapit sa bahay ng mga lolo ko. Iba na istura niya. Mahaba na buhok niya, tumaba at umitim pa siya. Hindi na niya kamukha si Mr. Simba-hun. Doon nawala na ng tuluyan ang pagkagusto ko sa kanya. Doon ko naintindihan na gusto ko lang siya dahil sa kamukha niya si Mr. Simba-hun. Kaya nang minsang nagtext siya sa akin na nangangamusta ay hindi na ako nagreply. Umiwas na ako. 

Nagtanong siya sa pinsan ko bakit ayoko siyang kausapin. Hinayaan ko lang makalimutan namin ang isa't isa. Pakiramdam ko ang lahat ay isang malaking pagkakamali lang. Nahihiya ako sa nangyari. Pero dahil mas mahalaga pa rin sa akin si Mr. Extra Joss ay madali ko siyang nakalimutan. 

Magkalapit kami ng pinasukan unibersidad pero hindi ako mascado lumalabas o lumalayo. Ayokong magkasalubong kami. Hindi ko rin alam paano siya kakausapin kapag nakita ko siya. Pero hindi ko na maibabalik ang nakalipas. 

Sana hindi talaga ko sila nasaktan pareho ng dati niyang nobya. Gusto ko talagang humingi ng paumanhin sa kanilang dalawa. Nahiya lang ako talaga. Ayoko rin namang baka biglang may sumaksak na lang sa likod ko dahil mayroon pa lang naitanim na galit sa akin. Pero ang nangyari na ay hindi na natin mababago. Sana lang ay pareho na silang maayos at masaya sa buhay. Sana lang naitapon niya na ang picture ko.

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...