Lumaktaw sa pangunahing content

Para saan ka bumabangon?

Para saan ka ba gumigising sa araw araw? Tanong nga ng Nescafe, "para kanino ka bumabangon?" (hindi ito sponsored, promise!)

Para sa pangarap?

Para sa pamilya?

Para sa mga bayarin?

Para saan?

Paano kung wala ka nang nakikitang dahilan upang gumising sa araw araw-araw? 

Paano kung wala ka nang dahilan para bumangon? 


Buti pa ang iba na nabigyan na ng karapatan mamahinga ng tahimik habang buhay. Hindi na nila kailangan bumangon araw araw. Hanggang ngayon willing volunteer pa rin ako kapag nangailangan nang magbawas ng tao sa mundo. Pero araw araw pa rin akong nagigising.  Dati bumabangon ako para sa mga magulang ko. Para sa kanila kaya ako may pangarap. Para sa kanila kaya ako nagsusumikap. Para maging proud sila. Para maging masaya sila. Para masuklian ang hirap nila sa pagpapalaki sa akin. Pero ngayon na wala na sila, wala na rin akong dahilan para bumangon sa araw araw. Wala na rin akong dahilan para mangarap. Sinusubukan ko naman, pero wala naman nangyayaring mabuti. Parati lang pinamumukha sa akin na, tama na. Wala na akong maaari pang gawin dito sa mundo. Ang progreso ko bawat taon ay yun may isang hakbang para mayroon magbago sa maayos ang buhay ko, pero tatlong hakbang pabalik naman ang nagiging resulta. 


Nakakainggit rin ang mga taong nagpapagala gala lang. Wala silang iniisip. Wala nga sila sa sarili eh. Ano pa ba iisipin nila? Buti pa sila hindi na kailangan magkaroon ng dahilan para bumangon. 


Para saan pa ba dapat ako bumangon? Kung wala na ang mga dahilan. Pwede na sana hindi na ako bumangon. Personal choice lang naman. Minus one warm body. Hindi naman malaking kabawasan sa mundo. Parating pinag-uusapan na ang problema sa dami ng tao, marami rin ang resources na kailangan. Eh paano ba mababawasan ang tao? Sabi ko nga, the offer stands. I volunteer. 


Paano bang hindi na lang bumangon isang araw? Eternal rest in peace. Tapos lahat ng alaala tungkol sa akin ay bigla na lang din maglalaho kasabay ko. Na parang hindi ako nag exist at all. Pwede kaya iyon? Parang sa pelikula lang. Hay, that's the ultimate dream. Isang pangarap na hindi ko alam paano matutupad. 


Ikaw, para saan ka ba bumabangon?

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...