Bakit ba Kailangan Maki-Uso?
Nakiki-Uso ka Ba? Ewan ba bakit ang hilig nating mga Pilipino na maki-uso. Gusto natin lagi tayong 'in'. Parang kanta lang ni Sandara "In or Out". Ang iba wala kahit na walang makain basta makasunod lang sa uso ayos lang.
Ano ba nakukuha natin sa pagsunod sa uso? Hindi naman dahil uso ay maayos. Hindi dahil uso ay tama at dapat sundin. Hindi dahil uso ay nababagay sa lahat.
Bakit nga ba may nauuso pang uso? Katulad ng showbizness, minsan sila ay 'in' minsan sila ay 'out'. Minsan sikat sila, minsan laos na. Minsan cute, guwapo, maganda, sexy, biglang pa-cute na lang, feeling guwapo, nag-mamaganda at nagpapaka-sexy na lang.
Bakit ba may 'in' at 'out'? Ewan. Naalala ko pa noon bata pa ako. Uso ang kulot (hindi digi perm). As in kulot na maliliit. Ganun klaseng kulot. Lahat ng mga tiyahin ko nagpapa-kulot. Kapag may kasal, nagpapa-kulot. Kaya gustong-gusto ko kapag may ikakasal at kinukuha akong abay kasi malamang kukulutan ako. Sobrang diretso kasi ng buhok kaya pangarap ko ang maging kulot. Muntik ko nang makalimutan na minsan nagpakulot ako ng buhok noong bata ako. Na minsan nagmukha talaga akong Aeta dahil hindi lang ako maitim, kulot pa buhok ko. Kung hindi lang pinaalala sa akin ng isang kaibigan. Sabi niya, "nagpakulot ako katulad ng buhok mo noong Grade 2 tayo…parang Sto. Niño." Grabe ang tawa ko. Akalain niyo yun may nakaalala pa pala sa itsura ko noon. Kahiya! Buti na lang "may igaganda pa pala ako." hehe (Nag Pond's lang haha)
Sino ba nagpa-uso ng uso? Kung sino man siya, hindi siya uso. Karma lang. Kahit sa tawag maraming pauso. Dati jologs, naging jejemon, ngayon pabebe. Textmate at eyeball dati ngayon cyber na.
Naisip ko tuloy, ano nga ba ilan sa mga naging uso noon na hindi na uso ngayon?
- Game Boy (Brick Game), Family Computer Games (Super Mario Bros., PacMan), Sims, Nintendo
- Board Games (Millionaire's Games, Word Factory, Snakes and Ladders)
- Baby All Gone, Polly Pocket, Tamagotchi, Troll
- Walk man, Walkie Talkie, Pager, Payphone
- Film camera, Betamax, VHS, CD Player
- Funny comics
- Bazooka bubblegum na may comics
- Maggi Noodles
- Kisses na nilalagay sa bulak
- Care Bears, Rainbow Brite
- Arnold Schwarzenneger, Steven Seagal, Jean Claude Van Damme
- Doogie Houser MD, MacGyver, Ally McBeal, Beverly Hills 90210, Friends, Melrose Place
- Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa
- Flare pants at Oversized shirts sabay tiklop sa balikat
- 5110 at 3210 at papalitan ng backlight ng iba't ibang kulay ng ilaw
- Voltes V, Masked Rider Black, Bioman, Power Rangers
- Backstreet Boys lalo na ang kanta nilang "Get Down", Spice Girls "Wanna Be", Hanson "Mmmbop"
- Meteor Garden (San Cai at F4)
- Thalia (Mari Mar, Maria la del Barrio, Maria Mercedes, etc.) at iba pang Latin American Telenovela
- April Boy Regino "Di ko kayang tanggapin", Bayani Agbayani "Ocho Ocho", Viva Hot Babes "Bulaklak"
- Joe D' Mango's Love Notes
- Drama Special (Connie Reyes, Maricel Soriano)
- Radio Drama sa hapon
- Zagu
- regalo mula sa Blue Magic, Papemeloroti
- Hair Doctor na suklay, butterfly clip
- at marami pang iba.
Bakit kailangan sumunod sa uso? Para sa ibang tao, mas nararamdaman nila na tanggap sila sa lipunan kapag nakakasunod sila sa "in". Sa pagsunod sa uso sila nakakakuha ng kasiyahan. Kaya lang ang problema doon ay mabilis nagbabago ang mga uso. Ibig sabihin ay mabilis rin magbabago ang dahilan ng kasiyahan ng mga tao. Ang dami pa namang bago ngayon. Minsan hindi ko na halos maintindihan bakit nagiging uso ang uso. Hindi na ako natatawa o natutuwa sa sinasabi nilang 'trending'. Bago sumunod sa uso dapat matutong suriin muna ang mga bagay-bagay. Huwag pilitin makiuso dahil uso. Hindi ko alam kung bakit, para sa akin kapag marami na ang may gusto ay mas lalo kong hindi gusto. Ayoko ng sikat. Ayokong nakikisabay sa karamihan. Walang dating sa akin. Mas gusto ko ang hindi pa sikat o ang sawa na ang mga tao.
Ikaw, nakiki-uso ka ba?
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento