Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. 'Eat Pray Love' (Part I)

 (PART I)

 

Pagdating ng Oktubre ay pumunta ako sa ibang bansa para sa una kong solo travel. Tinaon ko ito para sa kaarawan ko.

Pagdating ng Yangon ay nalaman ko na naiwan pala ang gamit ko sa Singapore ng airline. Ang galinh talaga.. Sa unang solo travel ko pa sa isang bansang ngayon ko pa lang pupuntahan naranasan ito. 

Pagkatapos ng stress sa pagka wala ng bag ko ay nakarating ako ng maayos sa Bagan.

Noong unang sunrise shoot ko ay medyo na stress na naman ako. Biruin niyo aga ko naghihintay sa lobby ng hotel. Tulog pa ang mga angel nandun na ako. Tapos dumating ang driver na kinausap ko nagliliwanag na! Iba rin ang amoy niya. Para siyang naka inom o naka batak noong gabi Kaya hindi nagising agad. 

Pagdating ko sa unang temple para sa sunrise nakita ko na marami nang tao. Kaya dapat talaga maaga pa lang nandun na ako. Napansin ko rin na. marami na rin ang mga naka tripod na kumukuha ng litrato. Habang unti unti nang lumiliwanag. Hinabol ang sunrise. Nagmamadali akong nag set up ng tripod at camera ko para kumuha. Siningit ko sa mga tao ang tripod at camera ko. Wala na akong pakialam sa iisipin nila. Pare pareho naman kaming nandun para makita ang view. Iniisip ko basta maka kuha lang ako dahil Iyon ang pinunta ko doon. Nang makakuha na ako ng gusto kong kuha ay naka relax na ako. Nakapag pakuha na ako ng litrato sa driver ko sa gitna ng ibang mag turista. Biglang may lumapit sa akin na isang lalaki mula sa mga kumukuha rin ng litrato na naka tripod. Nakipag kilala siya. Tinanong niya kung saan ako galing at bakit parang mag isa lang ako. Napansin niya kasi ang setup ng camera ko. Sinabi niya na isang group sila mula sa Thailand. Habang kausap niya ako ay parang ni loloko siya ng mga kasama Niya. Hindi ko man naintindihan ang sinasabi nila pero sa boses at sa tawa nila ay parang naintindihan ko na..tumatawa lang din ang kausap ko noong sinagot sila. 

Nang naubos na ang mga turista ay nag simula na rin akong mag ligpit at bumaba na papunta sa sasakyan nirentahan ko. Habang nilalagay ko ang gamit ko sa kotse ay sinabi ng driver ko na tawag raw ako ng mga tao sa bus. Pag tingin ko ay nakita ko na nakalinya ang mga Thai na kumukuha kanina sa taas. Kasama ang lalaki ng nakipag kilala sa akin. Kumakaway sila sa akin. Medyo nahiya ako pero kumaway na lang din ako. Ganun pala ang Feeling ng artista. Haha. 

Kung saan saan ako nag Punta buong araw. Pagdating ng hapon ay niyaya ko na ang driver ko pumunta kung saan ako mag shoot ng sunset. Sabi niya maaga pa. Sabi ko naman doon na lang ako maghihintay ng oras. 

Pagdating ko nga doon ay mainit pa. As in mainit.. Walang masisilungan. Tinignan ko yun lugar kung saan ako mag set up para sa sunset pero sobrang init talaga. Kaya umikot ikot muna ako. Pumunta ako sa isang parte na medyo may shadow Kaya makakapag tago sa init. Biglang unti unting mayroon mga taong nagdadatingan. Napansin ko na pamilyar ang nga mukha nila. Natawa ako noong nakita nila ako ay nagtawanan din sila. Binati nila ako. Naisip ko, pambihira hanggang dito ba naman magkikita kami ng mga ito . Akala ko makakapag shoot ako ng tahimik. Nakita ko dumiretso sila doon sa kung saan din ako mag se setup. Pero naisip ko, bahala kayo mauna kayo diyan. Ang init pa. Pupunta rin ako diyan mamaya. 

Sinubukan ko muna kumuha ng litrato mula sa cellphone ko. Habang nag papan ako ay nakita ko ang isang kalaking naka dilaw. Ang liwanag ng kulay ng damit niya kaya kita ng kita sa kuha ko. Sabi ko nakakainis naman ang kalaking iyon naka harang sa frame ko. Hindi siya halos gumagalaw sa pwesto Kaya sumuko na ako na may makukuha pa akong matinong litrato sa ang gulo na iyon. 

Tumingin ako sa kaliwa ko. Nag set up ako ng tripod at camera. Tinitignan ko kung mayroon ako makukuha mula doon. Hindi ko masyadong gusto kasi masyadong maliwanag. Sabog ang highlights sa langit. Tinignan ko kung ano mayroon makikita sa ibaba ng  templo. Kumuha ako ng ilang shots. Tapos tinigilan ko na. Ang init talaga. 

Niligpit ko na ang tripod at  camera. Nag simula na ako lumakad pabalik sa gitna. Pero napa tingin ako sa langit. Naisip ko thank you Lord. Kahit po grabe ang nangyari sa akin na naiwan ang gamit ko sa Singapore nung isang araw ay nakuha ko naman ito at nakarating ako sa Bagan. Thank you Lord nakakuha ako ng magandang litrato noong umaga. Kinikilig ako sa tuwa. Excited ako na makita rin ni Mr. 'Age is just a number?' ang mga kuha ko. May nakita pa ako na parang heart kanina. Arte lang. Haha. 

Habang nag mumuni muni ay di ko napansin na muntik ko na mabangga ang isang kalaking nakaluhod sa nilalakaran ko. Hawak niya ang camera niya kaya naisip ko na baka masira ko ang kuha niya. Nag lawak naman kasi ng lugar na iyon doon pa siya pupwesto kung saan ako naglalakad!!!!

Sorry, sorry. Sabi ko habang umiwas sa kanya. Napansin ko ang camera niya. Naisip ko ang Ganda ng lens niya. Nakaka inggit naman. Doon ako sa likod niya nag lakad na. Pero habang naglalakad ako papalayo ay bigla kong narinig:
Hold on, where are you from?  tanong niya sa akin. 
Philippines. Why? Sagot ko naman. 
Tumayo siya at lumapit sa akin. Sumabay siya maglakad. 
They were talking in the bus about a girl from the Philippines this morning. Sabi niya. 
Natawa lang ako. 
Nagsimula na siyang magtanong pa. Tinanong niya ako kung bakit ako mag isa. Ano ginagawa ko doon. Ano pangalan ko. Kung anong Plano ko. Saan ako nakatira doon. 
Sinagot ko naman isa isa. Samantalang ang tanong ko naman ay
Is that a 70-200 lens? Hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya.
Yes, Canon. Are you also using Canon? 
No, I use Nikon. But that's a nice lens. 
Doon ko napansin na cute pala siya o diba Mas una ko pa napansin ang camera niya kaysa kanya. Haha. 

Niyaya niya ako na sumama na lang sa kanila. Sa hotel na lang daw nila tumira. Sabi ko nakausap ko na kasi ang driver na hire ko siya ng tatlong araw. Kung di pa naman daw ako nagbayad sumama na lang daw ako sa kanila. Hindi ako pumayag kasi sigurado mapapamahal ako. 

Nang makarating kami sa kung saan kami mag shoot ng sunset, at nandun na ang mga kasama niya. Bigla silang umingay. At yun lalaking kausap ko noong umaga ay may sinasabi rin. Seryoso ang mukha niya habang kausap si Mr. Eat Pray Love. Pero sinagot naman siya ng kasama ko. Tinatanong ko siya kung anong pinag usapan nila pero hindi niya ako sinagot. Nagyaya rin mag picture ang mga kasama niya group picture daw namin habang naghihintay ng sunset. Kinakausap pa nila ako ng Korean akala kasi nila Korean daw ako. Haha.

Nag set up na ako sa tabi ng isang kasama niya. Tinanong niya ako kung nakarating na ako sa Thailand. Sabi ko oo. Pero yun huling beses ay matagal na. Pinakita ko yun kuha ko sa isang temple. Natuwa siya. Nag kwento siya na taga Chiang Mai pala siya. 

Habang kausap ko ang katabi ko ay bigla akong kinakabit ni Mr. Eat Pray Love. Pinakita niya ang kuha niya sa camera niya. Nalaman ko kung ano ang dahilan kung bakit muntik ko na siya masipa kanina. Kaya pala siya naka puwesto doon sa daan ko kasi ako pala ang kinukuhanan niya. Napangiti na lang ako sa kanya. Maganda ang kuha niya kaya natuwa ako. Doon na kami nagpalitan email address at Facebook account names. Kinuhanan pa niya ako gamit ang cellphone ko. Kinuhanan ko rin siya habang kumukuha siya ng picture sa harap ko. 

Noong matapos na ang sunset shoot namin ay nagligpit na kami ng gamit. Naglakad kami at pinakilala niya ako sa isang babae at lalaking kasama nila. Mag boyfriend raw sila na kasama niya sa ospital na mga doctor din. Sinabihan niya sila na kausapin ako ng English kasi nahihirapan siya. Pinasabi niya na sumama na lang daw ako sa kanila sa mga nalalabing araw ko sa Myanmar. Pero sinabi ko na hindi pwede. Pagbaba naming ay inalalayan niya ako kasi medyo malaki ang kailangan hakbangan ang dami ko pa naman gamit. Siyempre mas lalo naman ako natuwa sa kanya. Nakita ko na ang driver ko kaya nagpaalam na ako sa kanya. 


itutuloy...

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...