Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2022

Paano Lumandi sa Panahon ng Pandemya?

Paano nga ba lumandi sa panahon ng pandemya? Lalo na Pebrero na naman at ilang tulog na lang ay Valentine’s Day na naman.   Siyempre para sa mga may love life, ito ang araw na mag celebrate sila. Makikiisa sa mga kapwa nila may kapareha. Panahon din ito para kumita ng pera ng mga may negosyo tulad ng mga nagtitinda ng cakes, chocolates, flowers, jewelry stores, restaurants, at hotels (pati motels). Kumikita rin ang mga nag dedeliver sa panahon na ito. Lalo pa ngayong pandemya na ang iba ay pinipiling magpa deliver.    Pero paano naman ang mga walang love life? Sigurado mula December pa lang parati nang nakabukas ang online dating apps ng mga gusting humabol sa Pasko, hindi umabot, New Year sana, kaya pang Valentine’s na lang. Pero kung hindi pa rin umabot, may next year pa naman.    Sa totoo lang, maraming naging epekto ang pandemya sa buhay natin. Bukod sa takot na baka mahawa ka ng Covid ay kailangan ng physical distance. Kailangan mag-ingat sa pakikisalamuha sa mga tao sa labas. May