Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2014

Anong Theme Song ng Buhay Mo?

Tayong mga Pilipino sobrang hilig sa musika. Sa una nagkakahiyaan pa kumanta sa videoke pero kapag may nauna na ay sunod sunod na. Halos hindi na mapigilan ang mga Pinoy. Paborito ng karamihan ng mga Pinoy ay yun mga kantang kailangang bumirit sa taas. Tawanan ang katumbas pag hindi naabot ang mataas na nota.  Balitang balita ang mga lasing na nahihilig sa "My Way". Mga ilan din sa kanila ang namatay dahil dito. Kaya nabansagan dati ang "My Way" na "deadly song". Mabuti na lang natigil rin ito. Pero patok na patok pa rin ang mga kanta ng Aegis, sikat rin ang mga pambirit na kanta nila Ate Regine Velasquez, Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston, at marami pa. Pagka nag-iinuman ang mga sawi sa pag-ibig ay mga kanta ng mga banda ang sinisigaw, este kinakanta pala.  Sa bawat yugto ng buhay natin ay mayroon tayong kanta na tila inaangkin natin bilang "theme song" natin.  Sa bawat nangyayari sa buhay natin ay may kantang nasasabi nati