Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. D-reamboy


Sabi nila "when it rains, it pours" ganyan ang feeling kapag 'in love' ang isang babae. Kapag tunay na 'in love' ang isang tao ay makikita raw ito sa itsura niya. Ang isang babae kasing 'in love' ay mas nag-aayos at laging masaya. In short, kapag in love mapapansin ang babae na mas blooming. 

Noong bumalik ako para sa huling taon ko sa kolehiyo ay mayroon akong iniisip. Akala ko 'in love' ako kay Mr. Frie-lirt. Siya ang iniisip ko pero nandoon pa rin ang pagpigil ko sa sarili kong nararamdaman. 

Isang hapon bago magsimula ang isang klase namin ay tumayo kami ng dalawa kong kaibigan sa labas ng klasrum namin. Chika chika lang sana kami sa hallway nang biglang may nakita kaming dalawang lalaking parating sa direksyon namin. Naisip ko agad na may itsura yun isa sa kanila. Potential kong maging inspiration sa academic year na iyon. Para kasing every academic year ay mayroon at least isang guy na nakakatuwa lang makita sa school or ang tinatawag nilang crush. So naisip ko na pwedeng siya na iyon. Uy, pwede!

Pero bigla ko napansin na pamilyar ang mukha ng kasama niya. Naging kaklase namin siya noong huling semester bago ako umalis para sa program sa isang bansa. Naaalala ko pa na sa harapan ko siya nakaupo. Pansin niyang masyado siyang matangkad para mapaupo sa pinakaharap ng klase kaya nagpapaliit siya kapag nakaupo. As in slide pag nakaupo. Buti nga at ginagawa niya iyon kung hindi ay hindi ko na talaga makikita ang sinusulat ng professor namin sa board. Agad siyang lumapit sa amin at kinausap ang bestfriend ko. Pagkakita ko pa lang sa dati naming kaklase ay naisip ko agad kung ano siya sa school namin. Mayroon kasi hindi magandang impresyon sa akin ang mga katulad nila: wala sa pag-aaral ang utak nila, puro laro lang ang iniisip. Ang matindi pa ay alam kong hindi sila nananalo kaya mababa talaga ang tingin ko sa kanila. Kaya naisip kong hindi si Mr. D-reamboy ang aking magiging crush for the year. Akala mo ang kinis ko kung maka husga haha.

Pinakilala ng dating namin kaklase si Mr. D-reamboy. Sinabi niya kay Mr. D-reamboy ang major namin. Halatang hindi niya talaga kami kilala sa pangalan. haha. Tumango lang si Mr. D-reamboy sa amin. Deadma lang naman kami ng mga kaibigan ko sa kanya dahil hindi rin naman namin siya kilala at kung bakit ganoon ang pagpapakilala sa amin ng dati naming kaklase. Naisip ko pa nga baka siguro mayroon silang gusto sa ibang kaklase naming maganda. Biglang dumaan ang isang ka-batch ko noong high school ako. Siyempre binati ko siya with a smile. Pinaalala ko sa kanya ang hiniram niyang uniporme sa akin para sa play. Medyo nagchikahan pa kami tungkol sa mga klase ko sa sem na iyon. Nagtatawanan kami. Pagkatapos namin mag-usap ng ka-batch ko noong high school ay napatingin ako kay Mr. D-reamboy. Nandoon pa iyong ngiti ko mula sa pag-uusap namin ng batchmate ko. Nakatingin si Mr. D-reamboy sa akin. Hindi ko naman tinanggal agad ang ngiti ko. Nakatingin pa rin siya sa akin. Hindi ko na matandaan paanong biglang umalis na sila at kami naman ay lumabas para bumili ng merienda. 

Pagbalik namin sa labas ng klasrum ay dumaan silang dalawa ulit. Napansin kong parang nakatingin siya sa akin habang naglalakad. Tumingin ako sa hawak kong libro at baka alisin na niya ang tingin niya sa akin. Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin pa rin siya sa akin. Naisip ko: nakatingin ba siya sa akin? O iniisip niya ako ang tumitingin kaya siya nakatingin? Hindi ko sana papansin na nakatingin siya sa akin pero paglagpas nila sa amin ay biglang nagsalita ang isang kaibigan ko, "bakit nakatitig sa'yo iyon?" Shocks, hindi lang pala ako ang nakapansin na nakatingin sa akin ang lalaking iyon! Siyempre medyo nagsisimula akong bumuo ng kuwento sa utak ko na mukhang effective ata ang pag-ngiti ko. haha. "Napansin mo rin? haha. Hindi ko alam sa kanya." Sinubukan kong ideadma kasi nga mababa ang tingin ko sa mga katulad nila. Nakakatawa lang isipin na akala ba niya type ko siya? Haha.

Pagpasok namin ng klasrum ay nakaupo silang dalawa sa likod. May sinasabi ang dati naming kaklase sa kanya habang nagtuturo ng mga tao. Naisip ko agad na baka tinuturo ng dati naming kaklase ang mga magaganda sa klase. At alam kong hindi naman ako kasama doon. haha. Hindi naman ako magsisinungaling sa sarili ko para paniwalain ko ang sarili ko na maganda ako. haha. Dahil naisip ko na nga na hindi siya ang aking magiging crush for the year ay wala na akong pakialam. Kaya naman hindi ako nahihiyang kumain ng marami habang nagkaklase kami. Iintindihin ko pa ba ang iisipin niya kaysa sa kalagayan ko. Nagpapakatotoo lang! 6-9pm yun klase na pinapasukan niya. Samantalang kami ay mula 4pm pa lang nakaupo na doon para sa una namin klase. Kadalasan clubhouse sandwich at hotdog sandwich lang naman ang hapunan ko sa klase na yun. Hindi naman parang patay gutom diba? Haha. 

Sa klase namin ay sa likuran ng mga kaibigan ko siya nakaupo. Habang ako ay nasa harap ng mga kaibigan ko nakaupo. Kaya sa tuwing haharap ako sa mga kaibigan ko sa likod ko para magtanong o magbigay lang ng komento tungkol sa diskusyon sa klase ay nakikita kong nakatingin siya sa direksyon namin. Minsan rin kapag umuupo ako ng medyo paharap sa gitna ay nakikita kong nakatingin siya sa direkyson ko o namin. Hindi ako sigurado kung ako ba talaga ang tinitignan niya pero madalas talaga ang tagal niyang nakatingin lang sa lugar ko! Ayoko mag feeling maganda kaya deadma na lang. Iniisip ko na lang na baka nagkakataon lang na nakatitig siya sa lugar namin. Hindi ko naman puwedeng isipin na mga katabi ko at mga nasa harapan ko nakaupo ang tinitignan niya dahil mga lalaki yun. Puwera na lang kung boy pala ang type niya! Pero sure naman kami na straight siya (yata). Minsan hindi ko napigilang mag-feeling maganda kaya naisip ko, "hay naku pasensya ka na lang (kasi mayroon akong ibang iniisip si Mr. Frie-lirt nga). Ang tanging paraan lang para pansinin kita ay kung mag Champion kayo sa UAAP!" Noong inisip ko iyon ay alam ko na iyon ay malayong mangyari dahil sa tagal na parating talo ang team nila. 

Prelims namin. Habang sinusulatan ko ng pangalan ko ang test paper ko ay naisip ko, "kapag bumagsak ba ako dito ay ibig sabihin ay hindi na ako maaring mag-asawa?" Kaya naman bago ko ipasa ang exam ko ay maraming beses kong nireview ang sagot ko. Habang mabilis na tumayo si Mr. D-reamboy at nagpasa ng papel niya. Bigla akong kinalabit ng kaibigan ko na nasa likuran ko nakaupo, "hintayin mo ako ha. Sabay tayong magpasa ng papel." Natakot kasi siyang maiwan siya. Sabi ko, "sige." Kahit na tapos na akong sagutan ang exam ko. Review ko na lang ng paulit-ulit ang sagot ko. Hindi ko nga alam bakit sa lahat ng mga kaibigan namin ay sa akin niya naisipang magpahintay noong gabing iyon. 

Napansin ko kahit na madaling nagpasa ng papel si Mr. D-reamboy ay bumalik pala siya sa upuan sa likod. Hindi pa pala siya umuwi. Hanggang sa natapos na ang lahat ng kaklase ko ay ang kaibigan ko na nagpapahintay na lang at ako ang hindi pa nagpapasa. Umalis na ang mga kaklase namin dahil gabi na, puwera lang sa mga kaibigan namin na balak kaming hintaying umuwi. Sinama na lang kami ng propesor namin sa faculty room para mapatapos ang exam namin. Hindi ko lang pinapasa ang papel ko dahil nga hinihintay ko ang kaibigan ko na matapos. 

Pagkapasa namin ng papel ay lumabas na kami ng faculty room. Napansin ko na palabas pa lang ng building si Mr. D-reamboy. Hindi naman siguro ako ang hininhintay niya diba? Kasi wala naman siya talagang kasabay umuwi parati para maghintay pa siya sa loob ng klasrum namin kahit na matagal na siyang natapos sumagot ng exam...(itutuloy) 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noo...

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ...

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko s...