Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2024

Paano ba ang tamang pagdadasal?

Paano nga ba dapat magdasal?   Sabi nila dapat raw sincere ka. Kasi hindi mo pa nga sinasabi alam na ni Lord. Sabi rin nila sabihin mo kay Lord kung ano ang totoong gusto mo. Dapat raw specific para malinaw ang gusto mo.  Parang bang kapag humihiling sa  Genie  or sa fastfood restaurant lang? Ito po ang order ko…???? Naaalala ko kasi yun sa “Bedazzled”. Kahit anong hiling niya sa Devil may ginagawa ang Devil para patuloy siyang humiling (kasi hindi siya nagiging masaya sa mga binibigay sa kanya o kung paano binibigay sa kanya ang hiling niya). At kapag naubos na niya ang mga hiling niya o ang ‘credit line’ niya sa Devil ay makukuha na ng Devil ang kaluluwa niya.  Kaya naisip ko  kapag ba ganoon naman ang gagawin mo, iyon bang specific ang prayer mo, ano naman bayad mo sa dasal mo? Bakit sa mga wishing well, dapat maghulog ng barya. Sa genie, ang kondisyon ay dapat 3 lang ang wish. Sa fairy god mother, dapat aayusin na lang ang mga bagay—refurbishing kung baga ang peg tulad kay Cinderel

Paano mo masasabi na ‘totoong’ nagmamahal ka?

Paano nga ba natin malalaman na totoo ang nararamdaman mo?   Sa dami ng nagsasabi sa atin tungkol sa pagmamahal ang hirap malaman kung ano ba talaga ang dapat natin paniwalaan para sa sarili natin buhay. Ito ang ilan sa kanila:         “Love is blind and lovers cannot see the pretty follies that themselves commit” ― William                Shakespeare, The Merchant of Venice            “Love means never having to say you're sorry” – Eric Segal, Love Story           “Love never says I have done enough.” – St. Marie Eugenie of Jesus          “Can you explain away love too?' I asked. 'Oh yes,' he said. 'The desire to possess in         some, like avarice: in others the desire to surrender, to lose the sense of responsibility, the wish     to be admired. Sometimes just the wish to be able to talk, to unburden yourself to someone who     won't be bored. The desire to find again a father or a mother...” ― Graham Greene, The End of     the Affair           “Love is pa

Bakit mahirap mag 'move on' kapag namatayan ng minamahal?

Habang ang mga tao ay abala sa pag-celebrate ng Valentine's Day, ang mga nawalan ng mahal sa buhay ay aalalahanin rin ang pagmamahal sa mga nauna na.  Naalala ko noong namatay ang tatay ko. Pumunta ang mga kaibigan ko sa lamay. Doon ako kinausap ng isang kaibigan ko mula high school. Sa kanya naman kasi, namatay dahil sa cancer ang nanay niya bago siya kinasal. Sabi niya sa akin, kapag namatayan ka ng mahal sa buhay hindi siya parang pakikipag-break sa nobyo/nobya. Kahit matagal na, babalik at babalik pa rin sa iyo ang sakit. Hindi kasi siya parang nakipag away ka lang sa mga tao, na alam mo darating ang panahon na puwede kayong magkita ulit o makapag-usap. Yun bang pwedeng magkaroon ng 'closure'. Kaya lang kapag namatay na ang tao, kahit anong gawin mo, ay hindi na kayo magkikita o mag-uusap ulit. Wag niyo sabihin sa akin na mayroon naman mga multo dahil hindi iyon ang pakikipag usap na gusto natin. Gaano ba dapat katagal ang pagluluksa? 9 days, 40 days, 1 year sa babang l

Anong New Year’s Resolution mo?

2024 na. Balik na sa normal ang mga tao. Ano naman ang “new year’s resolution” mo? Nakakatawa na hindi lang pala sa ating mga Pilipino uso na ang nangunungunang “new year’s resolution” ay ang pagpapapayat. Sabi sa BBC, ito pala talaga ang pangunahing resolution ng mga tao. Pagkatapos lumapang ng bongga nitong holiday season, balak ng mga tao na magbalik-alindog program bago naman daw dumating ang Valentine’s o summer season para ‘beach bod’ na. Pero kaya ba talagang mabawas ang timbang na dinagdag mo sa loob lang ng ilang linggo?   Siyempre iba-iba naman ang mga tao. Mayroon talagang magaling magpapayat. Disiplina, tamang diet, exercise. Kaya nila e. Habang ang iba, este karamihan ay nahihirapan dito. Paano? Akala nila sapat na ang pagpunta sa gym. Mayroon pa akong mga kakilala nagbayad talaga ng membership para daw mapilitan silang pumunta. Ayun, ganun pa rin naman.   Mayroon rin naman akala sa crashed diet, o kapag ginutom mo ang sarili mo, papayat ka na. Kaya lang, marami kasi ilang