Sa tagal nang nangyari nito hindi ko na halos maalala ang lahat ng mga detalye. Maraming taon na rin ang nakalipas kaya malaya ko nang mabibitawan ang kuwentong ito. Noong una hindi ko alam paano at dapat ko bang ikuwento ito. Hanggang sa nakalimutan ko na dahil hindi na mahalaga sa akin.
Hindi ito katulad sa kanta ni Lulu. Hindi siya nangyari sa paaralan. Noong nag-aaral ako, sinabihan talaga ako ng magulang ko na hindi ako puwede mag nobyo. Tapusin raw muna ang pag-aaral. Siguro masyado kong tinandaan ito kaya pati sa mga guro o propesor ay hindi ko naisip kailan man magustuhan. Pakiramdam ko magulo para sa akin ang pagkakaroon ng ibang tingin sa kanila bukod sa pagiging guro o propesor. Dapat kapag nasa eskwelahan ako, pag-aaral lang ang isipin ko. Noong magtrabaho na ako, ganoon din ang naisip ko. Dapat sa trabaho, trabaho lang. Ang mga katrabaho, dapat katrabaho o kaibigan lang, ang mga boss ay dapat boss lang.
Noong una, madali lang naman ito kasi lahat ng boss ay matanda naman at pamilyado na. Katulad rin ng ibang kuwento ko, mayroon nangyayari na maganda sa simula, pero natatapos ng hindi. Ganito rin ang nangyari sa kuwento ni Mr. To-Sir-With-Love. Nitong iniisip ko ang mga nangyari para maisulat dito, ngayon ko naisip, sa araw-araw na magkasama kami, marami rin pa lang mga nangyari. Marami-rami rin pala ang mga naging ‘moment’ namin. Para hindi mabato ang magbabasa, pinili ko na lang ang iba.
Ilang taon ang nakalipas na nagtatrabaho ako doon ay dumating ang isang bago kong boss. Ibang opisyal na dumarating sa office. Unang beses siya napadala sa ibang bansa. Unang beses rin niya sa Pilipinas. Halos apat na taon lang ang tanda niya sa akin at wala pa siyang nobya at asawa. Hindi rin naman masama ang itsura niya at matangkad pa. Yun mata niya light brown. Mabait rin naman siya sa amin lahat. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit nagustuhan siya ng ilang kasama ko.
Hindi ko talaga siya masyadong pinapansin noong una. Kasi baka magkaroon ng usapan sa office lalo na lagi kaming magkausap. Ayoko ma-chismis sa opisina. Para sa akin trabaho lang ang usapan. Ayokong nagtatagal sa opisina niya. Ayoko rin sanang pag-usapan ang mga personal na bagay. Kaya lang nakakahanap siya ng pagkakataon na ma-corner ako. Nagulat ako minsan na nag-inspect ako sa stock room. Pinuntahan niya ako at doon niya ako kinausap ng matagal. Kung anu-ano ang napag-usapan namin. Sa huli nagpaalam siya na kailangan raw niya pumunta sa airport. Siya ang inatsan pumunta noong huwebes na yun. Ok, sige. Naisip ko, bakit siya nagpapaalam? Haha.
Pagbalik ko sa kwarto ko, nabanggit ko sa roommate ko ang nangyari sa stock room. Sabi niya “kanina pa hinahanap yan nandoon lang pala siya!” Tapos ngumiti na si roommate sa akin.
“Bakit ka nakangiti diyan?” Tanong ko sa kanya.
“Cute naman siya ah. May nunal pa. haha.” Sagot niya sa akin.
“Parang kay Lorna T. LT. haha"
Natawa na lang din ako. Naintindihan ko na anong gusto niyang sabihin. Pero mula noong araw na iyon ay LT na ang codename namin sa kanya.
Pagbalik ni To-Sir-With-Love noong kinahapunan, pumunta siya agad sa kuwarto namin ng roommate ko. Sabi niya sa akin nakabalik na raw siya habang may hawak na cup ng kape. Sabi ko lang, “ok” sabay balik sa ginagawa ko. Sumunod na inutusan siya ulit magpunta sa airport, ganoon ulit. Nagpapaalam siya bago umalis, pagkatapos dumidiretso sa opisina ko pagbalik ng opisina.
Minsan niyaya niya kami ng roommate ko kumain ng tangahalian sa labas. Dahil ako ang mas kakilala niya, dorn siya sa harap ko naupo. Medyo sumama lang tingin noong biglang nilagay ng waiter ang table napkin sa kandungan ko. Sumenyas ako na hindi ako alam bakit.
“Sir, anong balak niyo ngayon walang pasok? Hindi ba kayo pupunta sa ibang lugar dito sa Pilipinas?”
“Hindi eh.”
“Bakit?” Sabay namin tanong ni roommate sa kanya.
Tumingin siya sa akin habang sinasabi “wala kasi akong kasama…"
Sabi namin sa kanya mayroon mga intern na babae na kalahi niya baka magustuhan niya. Mayroon rin daw mga sinasabi sa kanya na dapat makilala niya ang sang kalahi nila na sikat dito sa Plipinas. Sabi ng kasama ko bakit raw hindi ko gusto naghuhugas naman daw kamay dahil bago kami kumain naghugas muna siya ng kamay. Ibig sabihin niya malinis naman kumpara sa ibang kalahi niya.
Ang dami kong dahilan na hindi ko maamin kung bakit ayaw ko sa kanya. Basta ayaw ko sa kanya. Ayokong magustuhan siya. Hindi ko alam na ang totoong dahilan ay hindi ko pa kasi naisara ng maayos ang kuwento ni Mr. Frie-lirt. (itutuloy)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento