Lumaktaw sa pangunahing content

Si Mr. Clean


    

        Pagdating ko ng kolehiyo ay malaki ang pinag-iba ng buhay ko. Sa Maynila na ako pumapasok. Hindi katulad dati na madalas presko at malinis ang nalalanghap namin na hangin sa school, biglang kailangan ko nang pumasok sa mainit at mausok na paligid. Paglabas pa lang ng campus halu-halong usok mula sa tambutso ng mga sasakyan, yosi, at mga nagluluto ang maamoy.  

        Ganoon din ang pagbabagong kailangan kong harapin sa mga klase ko. Bagong mga kaklase, bagong iskedyul, bagong mga propesor, atbp. Dati ay puro babae ang kaklaseng nakakasama ko sa araw-araw pero kailangan ko nang masanay na mayroon na rin akong kaklaseng lalaki at bakla. Mayroon naman akong kuya, mga pinsan na lalaki at mga pamangkin kaya hindi ako nahirapan mag-adjust kontra sa inaasahan ng karamihan sa akin. Iba siguro talaga kapag galing ka sa malaking pamilya. Pero isa sa aking nakilala rito ay si Mr. Clean. 

        Siya yun mukhang malinis. Boy-next-door ang dating kasi mukhang di pa siya nagbibinata pagdating sa height. Yun uniporme niya parang nilabhan ang sikat na sabon panlaba sa puti. Matalino rin siya at may mataas na pangarap kaya matutuwa ka sa kanya. Alam na niya agad ang gusto niya pagpasok pa lang ng kolehiyo. Kaya siguro rin napansin ko siya kasi maliban sa panlabas na itsura na mukhang malinis ay nandoon ang maturity na hindi ko pa naaabot. 

    Naaalala ko pa dati na may mga babae mula sa kabilang klase ang nagpapapansin sa kanya. Pero siya deadma lang. Maayos siya tignan noong simula. Marami rin pala sa klase namin na may gusto sa kanya noong simula. Nakakatawa na niloloko ako sa kanya dahil lang nagkokompitensya kami sa grades sa klase. Parati niya akong tinatanong ng grade ko sa mga exam at quiz. Mayroon lang siyang ugaling hindi ko masyadong maintindihan. Kaya ingat akong magkagusto sa kanya. 

        Dati tinanong ako ng isa niyang kaibigang lalaki kung sino gusto ko sa klase. Sa bawat banggitin niyang pangalan ng kaklase namin na lalaki ay may comment ako. Pero pagdating kay Mr. Clean ay binago ko na lang ang usapan. Kanya kanyang strategy yan eh! haha

        Naaalala ko pa may isa kaming klase na sa tabi ko siya umuupo. Dinadaldal niya ako. Tuwa naman ako. Nagsisimula akong mag-feeling na may gusto siya sa akin. Lalo na ako lang ang binigyan ng CD na may mga kanta ng recommended songs niya. Sige na, ako na naman ang feelingera. haha

        Nalungkot ako noong sinabi niya na lilipat na siya sa susunod na taon sa ibang school. Kaya tinext ko siya ng bakasyon at tinanong ko siya paano ko makukuha yun isa ko pang CD. Text text kami bago ako umalis patungo sa ibang bansa. Dalawang buwan akong mawawala, mamimiss ko siguro siya. Iniisip ko habang nasa malayo ako kung kamusta siya at kung naiisip niya kaya ako. Pero hindi naman niya ako in-add sa friendster! haha

        Pagbalik ko mula sa bakasyon, siya ang una kong hinanap sa klase. Nakita ko naroon pa rin siya. Palihim akong natuwa noong unang araw. Kaso unti-unting nawala ang nararamdaman ko, kung ano man ang tawag doon. Hindi na siya mukhang malinis. At hindi ko na rin nagugustuhan ang pagiging mukha niyang marumi. Minsan parang hindi ko rin gusto amoy ng damit niya parang hindi nalabhan ng maayos. Yun dating parang laba sa kilalang sabon ay wala na. Mukha nang laba sa poso ang uniporme niya. Minsan iniisip ko kung sa manukan ba sinampay ang polo niya o napapadaan siya bago pumasok sa manukan. Amoy chicken feeds kasi ang damit niya minsan. Hindi naman siguro pabango iyon diba? haha.  Pero sa totoo lang pakiramdam ko napabayaan niya rin sarili ang niya. Humaba ang buhok niya. Buti na nga lang hindi siya nagpatubo ng bigote. Pero nakaka-turn off talaga. Wala na ang dating mukhang malinis na image niya na na-"gustuhan" ko. Hanggang sa nagkagusto na rin ako sa iba. Una si Mr. Hair Gel. 

       Niloloko pa ako dati ng isang kaibigan ko noong muntik na kaming magkasama sa isang program sa isang bansa. Parati kaming naguusap tungkol sa pag asikaso ng mga requirement namin. Minsan hinati na namin ang gagawin para bumilis kami. Siya ang kumausap sa propesor namin para humingi ng recommendation letter. Ako naman sa pag request ng transcripts sa Main Building. Pinang-uusapan namin ang mga klase na kukunin namin. Medyo nag-alala ako na baka maging close kami masyado at bumalik ang dati kong feelings ko. Kaya lang noong malapit na ay hindi na siya pinayagan ng mga magulang niya. Pero dahil hindi siya pinayagan ay nakahinga ako kahit papaano sa aspetong iyon. Alam kong mas magiging madali sigurong mag-adjust doon kung may kasama akong mas matagal ko nang kilala. Nakakahinayang rin ang pagkakataon na ibinigay nila pero hindi siya nakasama. 

    Nagdiwang ang mga kaibigan niya na sa klase na matagal na rin palang nagtataka kung bakit napabayaan niya ang sarili niya  noong nagdesisyon siya magpagupit. Umayos na rin ang amoy ng damit niya. Nagpagupit man siya ng buhok noong huling taon namin sa college ay hindi na bumalik ang dating tingin ko sa kanya. Pagbalik ko para sa huling taon namin sa kolehiyo ay may isang klase pa kaming magkatabi. Sa ibang klase naman ay malapit sa akin siya umuupo. Alam ko naman na wala siyang balak making fashion designer noon sinabi niyang nakikita niya akong naka suot ng Filipiñana noong may nakita kami sa magazine. Wala na talaga eh.  Hindi ko na siya tinignan ng katulad noong gusto ko pa siya. Nabaling na rin kasi ng tuluyan ang atensyon ko. Noong mga panahon na iyon si Mr. Frie-lirt na ang iniisip ko. 

Mga Komento

Mga Mabebentang Kuwento

Paano ba kami kapag may patay?

I sa sa iniiwasang pag-usapan ang tungkol sa patay. Pero paano ba kapag may patay kami? Katulad ng maraming pamilyang Pilipino, marami kaming sinusunod na pamahiin kapag mayroon kaming patay. Noong college ako ay nagsulat ako tungkol sa mga pamahiin ng mga Pilipino sa patay. Marami tayong mga pamahiin dito sa Pilipinas. Nag-iiba, nadagdagan at nababawasan ang mga ito depende sa lugar o probinsya. Pero sa mga pamahiin natin, ang mga pamahiin sa patay na ata ang pinakamarami.  Hindi man madaling isipin ang mamatayan  ng isang mahal sa buhay dahil lungkot ang una nating nararamdaman pero ito ay isang kaganapan kung saan dumarating ang mga kamaga-anak at nagkakaroon ng instant reunion. Umuuwi ang mga nasa ibang lugar na hindi madalas umuwi o nagpapadala ng pera ag dating mahirap hingan ng pera. Dumarating din ang mga outside the kulambo na pamilya sa mga lalaking may itinatago sa tunay na pamilya.  Habang nag-lalamay, inaalala ng mga tao ang namayapa. Paano ba siya noong buhay siya?

Bakit Tayo Makasarili?

Bakit nga ba tayo makasarili? Ako, ako, ako, parati na lang ako sabi nga sa pelikula. Para sa iba, hindi nila maamin na makasarili sila, kasi para sa kanila perpekto sila. Sige na, kayo na. Pero para sa atin na aminado sa ating pagiging makasarili, bakit nga ba tayo ganito? Paano ba tayo nagiging makasarili? Sabi nga mahalin muna natin ang ating mga sarili bago tayo magmahal ng iba. Hindi masamang mahalin ang sarili. Kaya lang, lahat ng sobra ay  masama. Lahat rin ng bagay na sumasagasa na sa interes ng iba ay maaari na rin makasama. Dahil hindi natin maiiwasan ang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. Dito nasusukat ang ating pagkatao. Dito rin nalalaman kung paano natin tinitimbang ang mga bagay sa buhay natin.  Tignan natin ang mga ebidensya ng ating pagiging makasarili sa araw-araw. Kalamidad. Bakit nga ba nagbabaha? Isa na ata sa mga bagay na nakasanayan na ng mga nakatira sa siyudad ay ang karanasan sa baha. Bakit nga may baha? Paano imbes na itago muna ang balat ng kendi

Na-LSS Ka Na Ba?

Na-LSS ka na ba? (LSS = Last Song Syndrome pero puwede rin naman na Last Sound Syndrome) Ito ay nangyayari tuwing mayroon tayong paulit-ulit na kanta na naririnig. Minsan tinatamaan tayo ng LSS dahil gusto natin ang kanta, minsan naman dahil ayaw natin sa kanta.  Natutunan ang tungkol sa pagkakaroon ng LSS noong ako ay nasa elementarya at high schol pa lang ako. Parati namin naririnig ang mga nagtitinda ng Selecta na tumutugtog upang manawag ng mga bibili lalo na mga bata. Dahil dito ay inuulit na ng kaibigan ko ang tugtog. Pero bago pa lang nangyari iyon ay naalala ko na sa sobrang pagkagusto ko sa isang kanta ni Ate Regine ay minsan kahit antok na antok na ako ay hindi ko mapigilan na hindi kumanta habang pinatutugtog ito sa radyo sa service. Nakakahiya man na nakikita ng mga ka-service ko na kumakanta ako habang natutulog bago ko napansin na ginagawa ko ang pagkanta at pagtulog ng sabay.  Noong nag-aral ako sa ibang bansa ay minsan pumunta kami ng mga kaibigan ko sa isang t