Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2016

Paano nga ba ang Makalimot?

Paano nga ba ang makalimot? Minsan mas madaling sabihin kaysa gawin. Sa tuwing sinasabi kong ok na ako, maayos na ako ng wala ka, mabuti nga na wala ka na sa buhay ko kasi hindi ka naman gwapo, at marami ka namang katangian na hindi ko gusto ay biglang may nagpapaalala sa akin kung paano kita unang nagustuhan ay bigla kong nararamdaman ang naramdaman ko noon. Paano naging ganito ang lahat sa atin? Paanong bigla na lang nagbago ang nararamdaman mo? Paanong isang iglap lang ay iba na ang gusto mo?  Paano ba ang makalimot? Bakit parang sanay na sanay ka na? Bakit parang mas matagal pa ang hinihintay ko kapag nasa fastfood chain ako kapag thigh part ang gusto ko sa chicken kaysa yun makahanap ka ng iba? Mas mabagal pa ang internet connection ko kaysa ang pag move on mo. Kasing bilis ba ng pagbabago ng lagay ng panahon ang pagbabago ng damdamin? Para tuloy akong namimili mula sa end of season clearance sale, habang ikaw galing doon sa bagong usa na ang suot mo. Ang bilis mo magbago ng