Nagpupunta sila sa amin. Dumating ang pagkakataon noong first year high school ako na pinag-usap kami ng mga pinsan ko. Binyag ata o birthday ng pamangkin niya. Nakatingin sa amin ang lahat. At ang tatay ko siyempre lumapit ba naman at kunwari nagbubukas ng sasakyan malapit sa amin. Ang isang tita ko naman ngreact na bata pa daw ako. Moment iyon.
Crush ko si Mr. Extra Joss pero crush ko rin si Mr. Simba-hun. 'Di komplikado iyon. Bata pa ako eh. Sabi nga diba, collect and collect then select! At sa totoo lang, crush lang naman eh. 'Di ko nga alam ano tingin niya sa akin. 'Di ko nga alam kung ano iniisip niya sa akin noong panahon na iyon.
Dumating yun panahon na iyon magulang lang niya nakakausap ko. Parang ang perfect ng kuwento. Kaya hindi pwede.
Nanood pa ako dati ng basketball games niya kahit parati silang talo. Nandoon siya eh. Iyon ang pagkakataon kong makita siya. Kahit mega display ako doon ay hindi rin naging more than just magkakilala ang kuwento namin.
Bakit di pwedeng maging simple ang buhay ko, gusto ko siya, gusto niya ako? Maraming nakakaalam sa mga pinsan ko na gusto ko siya. Pero naman, inaaasahan na bigyan naman nila ako ng kahihiyan. Isang beses nalaman kong naikwento ng isang anak ng pinsan ko sa taga-laba nila na taga-laba rin pala nila Mr. Simba-hun. At ang mabuting taga-laba naman ay sinabi sa kanya! Nakakahiya!!! Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
Nagbukas ng tindahan ng school supplies at panregalo ang isang tita ko isang bakasyon. Dahil nga nasa bahay lang kami ay tumulong kami sa pagtitinda. Isang hapon nagpunta si Mr. Simba-hun para bumili ng pambalot ng regalo. Di ko alam anong gagawin ko. Lumabas ako. Nahihiya akong humarap sa kanya na alam kong alam niyang may gusto ako sa kanya. Hinintay kong makaalis siya bago ako bumalik. Malay ko bang pwede naman pala akong maging deadma! Nauna pagiging conscious ko eh, dyahe!
Lumipas ang panahon, naging mas gusto ko na si Mr. Extra Joss kaysa kanya. Nakikita ko si Mr. Simba-hun pagkatapos noon pero nababawasan ang pagkagusto ko sa kanya. Nag-iba ang nararamdaman ko sa ka niya. Hanggang sa tuluyan nang nawala ang pagkagusto ko sa kanya. Natatawa na lang ako tuwing nakikita ko ang pamilya niya. Minsan nakapunta ako sa bahay nila para sa 40 days ata ng tatay niya noong isang taon. Sabi ng mommy niya naroon daw siya sa itaas kasama ang girlfriend niya. Eh ano naman? Wala naman effect sa akin. haha. Parati rin akong tinutukso ng isang katrabaho ko sa kanya tuwing nakikita ang pamangkin niya. Wala na talagang effect sa akin kahit ilang beses pa niya sabihin sa harap ng nanay ko tungkol doon. Natatawa na lang ako tuwing sinasabi niya yun lalo na kapag nakaharap ang nanay ko. Wala na naman sa akin eh.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento